Share

Chapter 5

MOS: CHAPTER 05

GABRIELLA POV

Nakakainis na! Mas gusto pa niyang kasama ang Cora na 'yon kaysa sa 'kin. Charot!

N'ong tinanong ko kasi si Kuya kung nas'an si Titus ang sinagot lang nito umalis raw kasama si Cora.

Ano namang gagawin ng dalawang 'yon? Overthink malala!

"Papa!" tawag ko kay Papa ng mapansin kung nagdidilig siya ng halaman.

"Ohh?"

"Pinagalitan ka?" takang tanong ko sa kan'ya.

"'Pag nagdilig. Pinagalitan agad," nakangusong sabi niya. "Tulungan mo naman ako, Princess oh." Bigla niyang sabi dahilan para magulat ako.

"Papa naman," gulat na sabi ko sa kan'ya.

"Nakita kasi ng Mama mo. May kasama raw akong babae. Eh wala naman."

"Wala ba talaga?" panghuhuli ko sa kan'ya.

"Oo na. Meron!. Pero kasi eh. Anak 'yon ng kliyente namin. Nilalandi ako eh."

"Nagpalandi ka?" tanong ko ulit sa kan'ya.

"Hindi 'no!" biglang sigaw niya. "Gusto ko na ngang sumuka n'ong hawak hawakan niya ako. Alam mo iyon? Pero wala akong nagawa. Kliyente ko 'yong Daddy niya eh."

"Pa'no ka nahuli ni Mama?" takang tanong ko.

"Ewan ko," maamong sabi niya.

"Nahuli kaba talaga? Oh Hinuhuli kalang?"

"Aish!" Bigla nalang niyang sinabunutan ang buhok niya. "Hinuhuli 'ata ako eh."

"Ayon! End of Conversation." Nakangiting sabi ko bago siya iniwan.

Ang swerte ni Mama kay Papa. Hindi ko alam 'yong buong love story nila. Next time magtatanong ako kay Papa.

Masyado na kasi akong nabusy sa college life ko eh. Sumasabay pa 'tong si Titus.

Speaking of Titus. Ano na kaya ginagawa nila ngayon ng Cora the Cobra na 'yon?

Nakita kong bihis na bihis si Kuya kaya agad akong tumakbo papunta sa gawi niya.

"Saan punta mo?"

"Wag kang sumama," inis na sabi niya.

"Sge na. Sama ako," pangungulit ko sa kan'ya.

"Sa banyo ang punta ko sama ka?"

"May bihis na bihis ba ta's sa banyo lang punta? Dali na sama ako."

"'Wag na 'wag kang gagawa na ikakahiya ko." Hindi man niya masabi ang salitang iyon ay ito na ang sign na pinapayagan niya akong sumama.

Agad akong sumakay sa kotse niya at tumabi sa kan'ya. Nakangiti lang ako buong byahe.

Hanggang sa huminto kami sa isang maingay at iba't ibang kulay na...

"Sa bar punta natin? Tapos nakapambahay lang ako," nakangusong reklamo ko.

"Kasalanan ko bang nagmamadali ka? At hindi mo man lang naisip ang suot mo?" Tawang sabi niya at lumabas sa kotse.

"Kuya!" inis na sigaw ko at lumabas narin.

Nakapambahay lang ako. Hindi naman halatang good girl ako!

Sumunod narin ako sa kan'ya. Kahit na 'yong iba ay napapatingin sa 'kin. Okay! Sikat kana ngayon Gabrielle. Malay mo bukas nasa Memes kana.

Pero ang ganda naman ng mukha ko para eh memes diba?

"Kuya!"

"Nga pala," humarap siya sa 'kin at ngumiti. "Mag hahanap lang ako ng Babes. Ikaw naman gawin mo gusto mong gawin."

Ayon! Napangiti ako sa sinabi niya. Pwede ko palang gawin ang gusto kong gawin.

"Pero bawal kang lumapit sa mga lalaki. 'Wag na 'wag kang makikipag usap sa mga tao rito. 'Wag na 'wag kang uminom. Lalong lalo na 'wag na 'wag kang sasayaw, Maliwanag?"

Akala ko ba?

Akala ko ba pwede kong gawin 'yong gusto kong gawin?!!!

"Pwede rin namang sabihin mong pati paghinga bawal rin Kuya," sarcastic kong sabi sa kan'ya at inirapan siya.

Bigla nalang niya akong iniwan rito at lumapit sa isang babae. Nilibot ko nalang ang paningin ko sa Bar.

Ano bang pwede kong gawin dito?

Naglakad lakad na muna ako hanggang sa mahinto ako d'on sa mahabang sofa.

Parang ang sarap higaan.

Lumapit ako roon at humiga. Wala namang taong nakaupo eh.

Pinikit ko ang mata ko. Pero bigla nalang akong kinalibutan ng may biglang humaplos sa hita ko.

Pagmulat ko ng mata ay halos napatayo agad ako ng mapansing hinihipuan ako ng panget na lalaking 'to.

"Hi Miss," nakangising sabi niya.

Napaatras ako ng mapansing humakbang siya palapit sa 'kin.

"W-wag kang lalapit," kinakabahang sabi ko.

"May kasama kaba ngayon? Kung wala—"

"Hey Baby" Halos ma estatwa ako sa kinatatayuan ko ng may humalik sa pisnge ko at niyapos nito ang braso sa bewang ko. "May problema ba rito?" tanong niya sa lalaking nambastos sa 'kin.

"W-wala naman." Dali dali itong umalis na para bang nakakita ng demonyo.

Lilingon na sana ako sa kan'ya ng mapansin kong may natapakan akong bote dahilan para madulas ako at mapatili ng malakas.

Pero hindi niya ako hinayaang tumumba dahil nakahawak parin ang braso niya sa bewang ko ng mahigpit.

"Careful," mahinang sabi niya.

Dahan dahan kong inangat ang mukha ko.

Ayh! May anghel!

"Picturan mo nalang kaya ako?"

"Ayh butiki!" gulat na sigaw ko.

Bigla kasi siyang nagsalita. Nag momoment pa sana ako eh.

"Bawas bawasan mo ang pag inom ng kape nagiging magugulatin kana. Baka magulat ka nalang nasa simbahan na tayong dalawa," nakangiting sabi niya pero kita ko ang pagpigil niya ng tawa.

"Butiki ka. Bitaw nga," binitawan niya naman ako. "Wahh!" Pero bago ako matumba ay hinila niya ang kamay ko dahilan para mapayakap ako sa kan'ya.

"Sabi mo bitawan kita eh," tawang sabi niya. "Pero 'wag kang mag alala. Kahit na sabihin mong bitawan ulit kita. Hahawakan kita ng mahigpit hanggang sa magkadikit na ang mga kamay natin at sa 'kin ka nalang," banat na naman niya.

Juice ko naman! Pinagpala 'ata ako ngayon.

Agad akong dumistansya sa kan'ya dahil kanina pa nagrarambolan ang puso ko. Na para bang may karerang nagaganap roon.

"I'm Echo," pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya.

"Gabriella." Agad kong tinanggap ang kamay niya pero agad rin akong napabitaw ng mapansing parang napapaso ako na ano na ewan.

"May kasama kaba ngayon?"

"Iniwan ako eh."

"Iniwan ka ng jowa mo?" gulat na tanong niya. "Wow! Ang choosy niya ha."

"Iniwan ako ng kasama ko. May sarili siyang mundo," panglilinaw ko.

"Awh 'yon pala. Ayusin mo kasi," paninisi niya sa 'kin. "Inom nalang tayo."

"Bawal ako."

"Bawal kang uminom?" tumango naman ako. "Pati juice? Pati tubig? Bawal?!"

"Wag kang OA! Bawal 'yong alak at wine."

"Awh klaruhin mo kasi."

Minsan talaga ang tanga ng lalaking 'to. Sarap niyang batukan.

"Do'n nalang tayo," turo niya sa mahabang sofa. "Don't worry. Libre ka. Ako kasi may ari ng Bar na 'to."

Ayon! Libre ako!

"Pero bawal ako—"

"May juice naman," pagputol niya sa sasabihin ko.

May isang waiter naman na lumapit at binigyan siya ng alak habang ako naman ay tanging juice lang.

"Kinakain na naman ako ng kalungkutan," mahinang sabi niya bago siya tumingin sa 'kin. "Ganito ba talaga ako kasarap?"

Naibuga ko tuloy ang iniinom ko dahil sa tanong niya.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status