Share

Chapter 4

MOS: CHAPTER 04

GABRIELLA POV

Hindi ko na napapansin si Titus na pumupunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagtampo siya sa 'kin. Char feeling mo naman.

Agad kong inayos ang gamit ko ng matapos ang klase at tumakbo palabas bago pumunta sa Business Management Building.

Nagtungo ako sa classroom nila pero wala na siya do'n.

Agad na ako umalis roon pero sakto namang nakita ko siyang may hawak na laptop habang may kausap na mga lalaki siguro kaklase niya.

"Titus!" tawag ko sa kan'ya.

Napatingin sila sa 'kin dahil sa pagtawag ko. Nagsimula naman silang maglakad habang ako ay tumakbo na papunta sa gawi nila.

"Titus," pagtawag ko sa kan'ya nang nasa tabi na niya ako. "Mag usap tayo oh."

"Para saan? Busy ako." Sabi niya at patuloy parin sa paglalakad.

"Nagalit kaba dahil do'n sa narinig mo? Maniwala ka mahal kita."

Rinig ko naman ang bungisngis ng lalaking kausap niya.

"Wag kang gumawa ng gulo please lang," mahinang sabi niya sa 'kin.

"Bakit ba?! Eh hindi muna ako pinapansin! Hindi mo 'ko tinatawagan! Galit ka sakin eh!" Sigaw ko. "Sorry na," malambing naman akong yumakap sa braso niya.

Pilit naman niya naman itong tinanggal.

"Tingnan mo ayaw mong magpahawak! May iba kana 'no?!" sumuko narin siya sa pagtanggal sa kamay kong mahigpit na nakapulupot sa braso niya.

"What do you want?"

"Let's talk," nakangusong sabi ko.

"LQ 'ata kayo pare e," natatawang sabi nito. "Alis na muna ako. Mag usap muna kayo. Ayusin niyo ha. Wag kana daw magalit," malakas na tawang sabi nito bago umalis.

Ito lang ang dapat gawin sa taong ayaw kang kausapin!

At successful naman ako!

"Okay what do you need?" tanong niya sa 'kin bago humarap at tumingin sa mga mata ko.

"Sorry. Sa narinig mo... Actually, hindi 'yon 'yong gusto kong sabihin—"

"Wala 'yon," pagputol niya sa sasabihin ko. "Mas mabuti ngang pagka humaling lang ang nararamdaman mo sa 'kin."

Hawak niya sa kabilang kamay ang laptop habang ang isang kamay naman niya ay nakapamulsa.

"Dahil ayaw kong magkaroon ng makulit na admirer. Hindi ako galit, dahil hindi kita gusto. Ginagalang lang kita dahil kapatid ka ng kaibigan ko," huling salitang sinabi niya bago niya ako iniwan.

Pigil luha akong kumurap. Medyo masakit siya. Medyo lang naman.

Galit lang siya kaya niya nasabi 'yon.

Tama! Galit lang siya!

Ngumiti ako ng pilit bago pumunta sa parking lot kung saan naka park ang kotse ni Kuya.

Inaasahan kung wala na ito roon pero nand'on parin ito.

"Saan kaba galing?" malamig na tanong niya sa 'kin. "Alam mo bang kanina pa ako naghihintay rito?"

"Sorry. May pinuntahan lang ako." Nakayukong sabi ko at sumakay sa kotse niya.

Sa likod ako umupo dahil nasa tabi ni Kuya si Marco. Napatingin naman ako sa gilid ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Titus.

"Buti naman hindi kana busy," pagbasag ni Kuya sa katahimikan habang nag d-drive siya.

"Yeah," tanging nasagot lang niya habang nakatingin sa laptop niya.

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa bintana.

I love the feeling when his beside me. Pakiramdam ko ako ang pinakakuntentong tao sa mundo.

Kahit na hindi niya ako pinapansin. Kahit na hindi niya ako gusto. Basta ang alam ko. Gusto ko siya. Gustuhin man niya ako o hindi.

Nang matapos ng ihatid ni Kuya ang mga kaibigan niya ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko dahil marami akong dapat saluohin.

Habang nagbabasa ako kahit nandito ako sa taas ay rinig ko ang tunog ng doorbell.

Nandito siya.

Pero marami pa akong kailangan gawin. Mamaya ko nalang siya kukulitin.

Napatingin ako sa orasan na nasa dingding.

Madaling araw na?!

Kaya pala medyo sumasakit na ang mata ko.

Hinilot ko muna ang leeg ko bago tumayo. Kukuha lang ako ng kape. Hindi pa kasi ako tapos. Bawal akong matulog.

Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa kusina para kumuha ng kape.

"Ayh tae!" gulat akong napatingin sa isang tao na nagbukas ng ref. "Sino ka?"

"Gutom na ako," mahinang sabi niya.

Lumapit naman ako sa kan'ya at sinuri siya. Pa'no siya nakapasok sa bahay? Sa pagkakaalam ko dalawa lang ang kaibigan ni Kuya. Hindi naman ito si Marco hindi rin siya si Titus.

"Kumain ka muna. Pagkatapos umalis kana," sabi ko sa kan'ya at kumuha ng pagkain. "'Pag nakita ka ng Kuya ko malalagot ka."

Binigay ko sa kan'ya ang pagkain bago siya mabilis na kumain.

"'Di naman halatang gutom ka," mahinang bulong ko.

Kumuha na ako ng mug at nagtimpla ng kape 'yong kaya akong ipaglaban. Char!

Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko ng mapansing nasa sala sina Kuya at ang mga barkada niya.

"Gising kapa?" biglang tanong ni Kuya.

"Oo nag rereview ako. Eh kayo? Nandito pa sila?" Turo ko sa mga kaibigan niya.

"Ayaw pa nilang umuwi eh," sagot naman ni Kuya.

Napatingin ako kay Titus ng mapansing nakatingin siya sa 'kin.

Hindi man ako eh ka-crushback ng crush ko atleast nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin.

Lumapit ako kay Titus at umupo sa tabi niya.

"Stress ako," nakangusong sabi ko sa kan'ya. "Kiss mo 'ko."

"Ang landi talaga nito," rinig kong sabi ni Kuya at Marco pero nakatingin lang ako kay Titus na ngayon ay seryosong nakatingin lang sa 'kin.

"Wag na pala." Tumayo na ako roon pero bago ako makalayo ay halos mapatili ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko dahilan para maupo ako sa hita niya.

"'Pag ba hinalikan kita mawawala ang stress mo?" parang may sariling isip ang ulo ko at bigla nalang itong tumango.

Ngumiti naman siya at dahan dahang lumapit sa 'kin. Hanggang sa may pumalo sa ulo ko na unan... Unan?

Napamulat naman ako ng marinig ko ang sigaw ni Kuya.

"Mama! Papa! Si Gabriella ginahasa ako!" Napatingin ako sa kan'ya ng mapansin kong hahalikan ko na sana siya.

Agad akong napabitaw sa kan'ya.

Kadiri!

Kahit hanggang dito sa pagkain ay ang sama sama ng tingin ni Kuya sa 'kin.

"Hindi ko namn sinasadya e," mahinang sabi ko. "Kadiri rin kaya 'yon."

"Ano ba kasing napanaginipan mo?"

Napangiti ako sa naisip ko. Sa lahat ng panaginip ko ay 'yon 'yong hindi ko nakalimutan at hanggang ngayon nakatatak parin sa isip ko.

"Si Titus yan," panghuhula niya.

Hindi nalang ako umimik. Hanggang sa nasa school na ako ay 'yon parin ang nasa isip ko. 'Yon tuloy ang naging inspirasyon ko.

Nagkagana tuloy akong mag aral.

Kailangan lang palang mapanaginipan si Crush para may gana sa buhay.

"Himala at hindi ka nakabusangot," panira ni Marco sa tahimik kong araw.

"Maganda na sana araw ko eh. Nagsalita kapa." Irap na sabi ko at tumayo.

"Problema no'n?"

Lunch na! Kaya agad na akong nagpunta sa Cafeteria. Nakita ko naman sila Kuya sa may 'di kalayuan.

Sumunod narin kami ni Marco. Uupo na sana ako sa tabi ni Titus ng may biglang naunang umupo roon.

"Ito na," masiglang sabi n'ong babae at nilapag ang inorder nila.

"Thanks Cora," nakangiting sabi ni Titus.

Kahit kailan hindi niya ako tinawag sa pangalan ko ta's kung makangiti siya sa babaeng 'yan wagas.

Pero hindi ako nagpapatalo 'no!

"Excuse me," napatingin naman sila sa 'kin.

"Yes?" biglang tanong n'ong Cora daw na 'yon.

"Upuan ko yan. D'yan ako nakaupo." Turo sa inuupuan niya.

"May pangalan mo ba?"

Lumang style na 'yan! Pero dahil girl scout ako lagi akong handa.

"Ayan oh," turo ko d'on sa upuan na may pangalan ko.

Rinig ko naman ang tawa ni Marco sa gilid ko.

Don't me, Bitch.

Kung malandi ka, mas malandi ako.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status