Share

Chapter 3

MOS: CHAPTER 03

GABRIELLA GOMEZ POV

Nagbabake si Mama ng cupcake kaya kaming dalawa ni Papa ay naghihintay na matapos siya.

Si Kuya naman ay kanina pa nagtitipa sa cellphone niya. Napaka busy niyang tao.

"Papa," mahinang bulong ko sa kan'ya.

"Bakit? May naisip kabang kalukuhan?" tanong niya sa 'kin.

"Hablutin mo 'yong cellphone ni Kuya. Tingnan natin sino kausap niya."

"Ang galing mong mag isip. Alam mo bang pangarap kong maging holdaper," nakangiting sabi niya.

Napakunot tuloy ang nuo ko sa sinabi niya.

Agad naman niyang kinuha ang cellphone ni Kuya na agad nataranta.

"Papa!" Sigaw ni Kuya ng biglang tumakbo si Papa.

"Papa basahin mo!" sigaw ko at sumunod sa kanila.

Bigla namang nabawi ni Kuya ang cellphone niya. Napanguso naman si Papa habang nakatingin kay Kuya.

"Sino si Bee? 'Wag mong sabihin sa 'king girlfriend mo? Naku! Gabriel! Ayaw kong magkaroon ang lahi natin ng bubuyog."

Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa.

"Hindi ko girlfriend 'to! Bee lang talaga pangalan niya," sagot ni Kuya at bumalik sa kusina.

Rinig namin ang pag door bell. Kaya agad akong tumayo bago ito binuksan.

Si Titus!

"Naparito kayo?" tanong ko kay Marco. "Dinadalaw mo ba ang future wife mo?" baling ko kay Titus.

Ngunit tahimik lang siya na para bang sobrang lalim ng iniisip niya. Pumasok lang siya bigla at iniwan ako rito. Napanguso nalang ako at sumunod sa kanya.

"Maliligo kami d'on sa pool sa last floor Papa," pagpaalam ni Kuya.

May Swimming pool kasi sa taas. Garden kasi ang nasa labas ng bahay namin.

"Sama ako," sunod ko sa kanila.

Ng makarating na kami roon ay agad ng naghubad si Marco at tumalon sa pool ng walang pasabi sabi. Pati narin si Kuya. Habang si Titus naman ay dahan dahang nilagay ang libro sa isang mesa bago naghubad ng damit.

Pero...

Bakit naka sleeve less siya?

"Ang init 'no?" tanong ko sa kan'ya at lumapit.

"Oo." Sagot niya at akmang lalangoy ng may sinabi pa ako sa kan'ya.

"Hubaran mo nga ako."

Imbes na tumalon siya para lumangoy ay bigla siyang nadulas at nahulog sa pool.

Buti nalang marunong siyang lumangoy at agad siyang nakaahon.

Nasa gilid lang ako nakaupo habang sila ay naliligo. Ayaw niya kasi akong hubaran eh.

Bigla namang dumating si Papa dala ang cupcake kaya tumayo ako at lumapit sa kaniya bago kumuha ng isa. Umahon narin sila bago lumapit kay Papa.

"Thank you." Magalang na sabi ni Titus at umupo do'n sa gilid.

"Ang gwapo niya 'no," bulong ko sa kan'ya ng mapansing nakatingin siya kay Titus.

"Mas gwapo pa ako dyan 'no," nakangusong sabi ni Papa.

"Alam ko naman 'yon. Pero hindi kita pwedeng jowain. Nakauna na si Mama sa 'yo eh," tawang sabi ko sa kan'ya.

"Ang sarap Tito!" sigaw ni Marco at nag thumbs up pa.

"Yeah. Masarap nga," pag sang ayon naman ni Titus.

"Mas masarap ako d'yan Titus. Try mo."

Bigla naman akong binatukan ni Kuya. Ang sakit n'on ha.

"Tigilan mo kaibigan ko."

"'Wag mong batukan." Galit na sabi ni Mama na kakarating lang at binatukan si Kuya.

"Aray naman! Kinakampihan niyo na naman siya."

Binelatan ko lang siya. Inirapan niya naman ako bago siya naligo ulit sa pool.

Galit 'yon?

Sumunod narin sina Mama at Papa. Nakiligo narin sila lalo si Marco. Habang si Titus naman ay nasa gilid lang nakatingin sa mga naliligo.

Lumapit ako sa kan'ya at tumabi.

"Masarap ako. Ayaw mo 'kong tikman?" tanong ko sa kan'ya.

Hindi niya ako pinansin.

Ano bang dapat kong gawin? Para naman mapansin niya ako?

"Anak! Alam mo bang magaling ako sa mga cold cold voice na yan," panira ni Papa. "Get away from me you fucking bitch," malamig na sabi ni Papa kaya napatawa ako sa sinabi niya.

Nakigaya narin si Marco.

"Ikaw kaya mo?" tanong ni Papa sa 'kin.

"Hindi eh. Pinanganak kasi akong hot," sagot ko.

Tumawa naman sila. Mahina ring natawa si Titus. At dahil katabi ko lang naman siya narinig ko ang tawa niya.

Kami lang 'ata ni Titus ang nakaubos ng cupcake. Pero mas masarap siguro 'pag kumakain kami habang nag chikahan kaya lang mukha naman siyang hindi madaldal kaya 'wag nalang.

Nang umahon na sila ay tumayo narin ako naligo si Marco sa banyo ni Kuya habang si Mama at Papa naman do'n sa kwarto nila.

"Sa banyo ko nalang ikaw maligo," sabi ko kay Titus.

Tumingin naman siya kina Kuya na parang humihingi ng tulong.

"Huy! Wala akong gagawin. Baka sa sobrang ganda ko ikaw pa ang may gawin sa 'kin."

Iniwan ako nila. Mga bwesit! Maganda naman ako ha.

"Ito pala 'yong banyo ko." Turo ko kay Titus ng makarating na kami sa kwarto ko.

"Thanks," sabi niya. Pumasok na siya sa loob.

Idinikit ko ang tainga ko sa may pinto ng banyo. Muntik na akong matumba ng biglang bumukas ang pinto.

"What are you doing?" takang tanong niya.

"Ha? Wala!" Peke pa akong tumawa at lumayo roon.

Kumut pa ang nuo niya bago niya sinara ulit ang pinto. Nagbehave nalang ako.

Nakaupo lang ako sa kama ko habang hinihintay na matapos siya.

Bigla nalang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas siya. Kaya lang hindi siya topless. Naka bathrobe siya. Sayang!

Bigla nalang siyang naglakad palapit sa 'kin. Ilang beses pa akong napalunok dahil sa 'kin talaga siya pupunta.

Ito naba? Isusuko kuna ba ang bataan?

Yumuko siya at k'unti nalang magkakadikit na ang...

"'Yong bag ko pakiabot."

"Ha?" gulat na tanong ko at tumingin sa kama ko.

May bag nga!

Aish! Nakakahiya talaga!

Kinuha ko ito at binigay sa kan'ya. Tumayo na ako roon at lumabas.

"Oh Sabon," sabay abot nito ng sabon.

"Anong gagawin ko d'yan?" takang tanong ko kay Marco.

"Try mo kainin baka sakaling bumula bibig mo," pamimilosopo nito. "Sabon. Nakakatanggal siya ng landi sa katawan," natatawang sabi niya.

Nilagpasan ko lang siya at nagtungo ako sa kusina para uminom ng tubig.

Nakita ko d'on si Papa nakatulala habang nakatingin sa kawalan. Agad akong tumabi sa kan'ya ng matapos akong kumuha ng tubig.

"Ang lalim ha."

"Nasisid mo?" patanong na sabi niya.

"Hindi ka naka score?" tawang tanong ko kay Papa.

"Ewan ko do'n! Napaka tupakin!" inis na sabi niya.

"Gawan niyo 'ko ng kapatid. Hindi pa naman menopause si Mama eh. Nakakasawa ng maging bunso."

"Hindi na pwede."

"Bakit menopause na siya?" gulat na tanong ko sa kan'ya.

"Delikado na," mahinang sabi niya. "N'ong pinanganak ka nga niya nag agaw buhay siya. Kaya pinangako ko sa sarili ko na hindi kuna siya bubuntusin."

Napatahimik ako sa sinabi niya. Wala akong alam tungkol d'yan. Puro sarili ko lang kasi naiisip ko well dumagdag na si Titus.

"Akala ko ba ang gusto mong lalaki. Katulad ko? Bakit ka nagkagusto kay Titus?"

"Hindi naman kami magkapareho," dagdag pa ni Papa.

"Ewan ko. Siguro crush lang 'to. Mawawala rin," sagot ko sa kan'ya.

"Trip trip mo lang?" Tumango lang ako bilang sagot.

"Titus bakit ka nakasilip?" agad akong napalingon ng marinig ko ang pangalan ni Titus.

"Ha? Nothing" sagot niya. "Excuse me." Kumuha siya ng tubig bago umalis.

"Narinig niya pinag usapan natin?" tanong ko kay Papa.

Tumango lang siya bilang sagot.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status