Share

Chapter 2

MOS: CHAPTER 02

GABRIELLA GOMEZ POV

Pagod akong napaupo sa sofa. Ang hirap talaga ng college life. Parang gusto ko nalang magpahinga sa puso ni Titus. Hehe!

"Huy!"

"Bakit?" bored kong tanong sa kaniya.

"Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kuya at umupo sa tabi ko.

"Hindi ko kasi nakita 'yong energy ko eh. Hindi ko nakita 'yong puso ko," tukoy ko kay Titus.

"Ang landi mo."

Buti nalang pagod ako. Kung hindi baka kumuha na ako ng walis at pinalo sa kan'ya.

"Nga pala. Plato kaba?"

"Babanat ka?" takang tanong ko sa kan'ya.

"Oo," nakangiting sabi niya. "So, plato kaba?"

"Bakit?"

"Kasi gusto kita," nakangiting sabi niya.

Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala ng kuya ko 'no.

"Eh Nasa'n 'yong plato do'n?" tawang tanong ko.

"Nasa lababo hinihintay ka." Sagot niya bago tumayo. "Ikaw nalang ang maghugas ngayon may pupuntahan ako."

"Kuya!" Sigaw ko ng bigla siyang tumakbo palabas.

Bago ko narinig ang tunog ng sasakyan niya paalis.

Pota nga naman oh! Ba't ba hindi na ako nasanay sa Kuya ko?

Babawiin ko na 'yong sinabi ko.

Ang panget niya! Ngayon ko lang napansin!

Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Uminom muna ako ng tubig bago tiningnan ang lababo.

"Ang lawak ng ngiti ng mga plato," mahinang bulong ko at lumapit roon. "Lagot ka talaga sakin, Kuya!" inis na sigaw ko.

"Oh? Ba't nakabusangot ang prinsesa ko?" biglang tanong ni Papa sa 'kin at lumapit.

"Si Kuya kasi eh pinaghugas ako ng pinggan."

"Ako na d'yan. Magpahinga kana."

"Wag na ako na," mahinang sabi ko at pinagpatuloy ang paghuhugas.

"Ako na d'yan. Kakain tayo mamaya."

"Papa." Padyak na sabi ko.

Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko.

"Kakain tayo ng pizza. Nag order na ako. Hintayin mo 'yong mag de-deliver. Ako na rito sa mga pinggan." Humalik muna ako sa pisnge ni Papa bago umalis roon.

Umupo muna ako sa may sofa habang hinihintay ang pizza na sinasabi ni Papa.

Hanggang sa ilang minuto ay may nag doorbell nga. Kaya lumabas na ako. Nakita ko ang isang cute na lalaki na may eye glassess.

Delivery boy 'to? Ganito ka puti delivery boy? Ganito ka gwapo? Ganito ka cute?

"Kapatid mo ba si Titus?" biglang lumabas sa bibig ko na tanong.

Gulat naman siyang napatingin sa 'kin bago binigay ang tatlong box ng pizza.

"Marami pong Titus sa mundo, Ate."

Sabagay! Marami ngang Titus sa mundo. Tinanggap ko naman ito at pumirma.

"Bayad napo yan," inunahan na niya ako. "Ako po si Timothy. Kuya ko po si Kuya Titus kung si Titus Zafueta man ang tinutukoy mo."

"Eh bakit? Nag dedeliver ka? Sa pagkakaalam ko. Mayaman kayo."

"Hindi ko naman po pera 'yon. Si Kuya Terrious po 'yong mayaman sa 'min. Si Kuya Titus naman. Pera niya rin 'yon."

"Nagtatrabaho ka?"

"Kailangan po. Alis na po ako." Sumakay ito sa bike niya bago umalis.

Hmm? Napaka mysterious naman ng pamilya ni Titus.

Mamaya kuna na nga 'yan iisipin. Gutom na ako.

Pagkapasok ko sa loob sakto namang tapos si Papa sa paghuhugas habang si Mama ay kabababa lang.

"Kanino yan?" takang yanong ni Mama habang nakatingin sa Pizza.

Napatingin naman ako kay Papa. Kaya napatingin rin do'n si Mama. Lumapit si Mama kay Papa at binatukan ito.

"Pizza na naman?" pagalit na tanong niya kay Papa.

"Eh Baby kasi ano," kamot batok na sagot ni Papa.

"Asan 'yong Kuya mo?" Baling niya sa 'kin.

"Nasa Barkada niya po," mahinang sagot ko.

Nakakatakot talaga si Mama 'pag nagagalit.

"Pauwiin mo." Utos niya bago siya nagtungo sa kusina.

Sabay naman kaming napabuga ng hangin ni Papa. Bago kami tumawa ng mahina.

"Inaway mo si Mama 'no?" Tanong ko kay Papa ng lumapit siya sa 'kin.

"Hindi 'no. Hindi ko naman inaaway Mama mo."

Umupo na kami at kumain ng Pizza. Nag text muna ako kay Kuya na pauuwiin.

"Balita ko may crush ka raw," pagbukas ni Papa ng topic. "Ang Kuya mo ang nagsabi."

"Bwesit na tukmol talaga 'yon," mahinang bulong ko.

"Hindi kita pinagbabawalan niyan. Crush mo lang naman e. Alam ko kasing wala kang pag asa do'n."

"Papa! Napaka supportive mo," inis na sabi ko sa kaniya.

"Masarap magka crush sa walang pag asa, Princess."

Isa pa Papa! Baka batukan kita.

Ngumiti nalang ako sa kaniya ng peke. Napaka supportive talaga ng pamilya ko.

Ng matapos kaming kumain ni Papa ng Pizza ay umakyat narin ako sa Kwarto ko para magpahinga.

Bukas ay disaster na naman!

Natulog na ako.

"Laway mo Tulo!" Bwesit!!!

"Kuya!" inis na sigaw ko sa kanya.

"Gising na sleeping beauty. Nandito na yung Prince Charming mo," napamulat ako sa sinabi niya.

"Nandito si Titus?" gulat na tanong ko.

"Ang baho ng hininga mo!"

Inamoy ko naman 'yong bibig ko. Inirapan ko lang siya.

"Syempre. Bagong gising eh!"

"Nasa baba lang kami. Dalian muna ma lalate na kami! Ang baho!" pang aasar niya bago lumabas.

Naligo muna ako bago nagbihis. Sinuot ko 'yong uniform ko. Humarap muna ako sa salamin bago ngumiti.

Ang ganda ko talaga!

Pumalakpak muna ako bago bumaba. Nakita ko naman sila Kuya sa may Sala.

"Good morning!" bati ko sa kanila pero kay Titus ako nakatingin.

Ngunit napasimangot ako ng mapansing hindi man lang niya ako sinulyapan. Okay kalma! Baka masama lang ang gising niya.

"Ma! Pa! Alis na kami," sigaw ko.

"Kumain muna kayo," paghahabol ni Papa at binigay sa 'min ang lunch box. "Ako nagluto niyan," nakangiting sabi niya.

Agad naming binitawan ni Kuya ang lunch box.

"May long quiz kami ngayon. Ayaw kong tumira sa banyo," sabi ko.

Tumawa naman si Papa bago kumaway.

"Pinaghirapan ko pa naman 'to," nakangusong bulong niya.

Napapadyak nalang ako dahil napansin ko nalang ang paa kong naglakad papunta kay Papa at kinuha ang lunch box.

"Bye." Humalik muna ako sa pisnge niya bago ako sumakay sa kotse ni Kuya.

Bakit ba kasi ang bait bait kong anak? Seryoso ka Gabriella?

"Huy!" pangungulit ko kay Titus.

"Yes?"

"Hindi pa nga ako nagtatanong umo-oo kana. 'Wag mo namang ipahalata na gusto mo 'ko," kinikilig na sabi ko.

Kita ko naman ang pag ngiti niya at ang pag iling bago tumuon ulit sa libro.

"Apir tayo."

Tumingin siya sa 'kin bago nakipag apir.

"Ayh sus. Nakipag apir pa siya. Gusto mo lang hawakan ang kamay ko e," sabi ko sa kan'ya at pinagsiklop ang kamay naming dalawa. "Ayan! Nahiya kapang sabihin."

Pagkarating namin sa school ay lumabas na kami sa kotse. Nagpaalam na ako kay Kuya at kay Titus habang sabay naman kaming naglakad ni Marco.

Kaklase ko kasi siya. Mag aabogado kasi ako. Pati rin si Marco kaya magkaklase kami.

Magkatabi rin kami sa upuan.

Napanguso ako habang nakatingin sa isang makapal na libro na binili ni Papa. Magagamit ko daw 'to sa pag aaral ko.

"Meron ka na niyan?" turo niya sa librong nasa mesa ko.

"Si Papa bumili," sagot ko

"Napaka advance naman ng Papa mo hindi pa nga natin lesson 'yan."

Binalik ko nalang sa bag ko ang libro bago nakinig sa teacher namin.

Pumikit muna ako bago bumuntong hininga.

Ito 'yong pinili mo dahil ito 'yong pangarap mo. Kaya mo 'to! Si Gabriella ka 'ata? Malakas ka diba?

Hanggang sa matapos ang class hours ay parang kinakatay ang buo kong katawan kahit wala naman kaming ginawa kun'di ang makinig at magsulat, sumagot, mag memorise.

"Lunch na. Kain tayo?"

"Saka na. Susunod na 'yong long quiz. Kailangan kong mag review," sagot ko sa kanya.

"Ikaw bahala," tanging nasabi lang niya bago ako iniwan rito.

Parang gusto ng sumabog 'yong utak ko! Parang gusto ko nang sumuko!

Hindi pa nga ako nakakagitna sukong suko na ako! Makaka graduate ba ako?

"Kain ka." Napaangat ako ng tingin ng may biglang nag abot sa 'kin ng tinapay at ng juice. "Kahit 'yan lang, kumain ka." Umupo siya sa tabi ko.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko kay Titus.

"'Pag nandito ako, nagugulat ka. 'Pag wala naman ako hinahanap mo 'ko. Ano bang gusto mo?"

"Ikaw," sagot ko.

Ito naba yung sign na may pag asa na maging kami?

"Aray!" bigla nalang niyang pinitik ang nuo ko.

"Wag kang Assuming. Nandito ako dahil pinapunta ako ng Kuya mo. Kailangan mo raw kumain. Pa'no mo masasagutan ang long quiz kung walang laman ang t'yan mo? Naranasan ko na 'yan. Mahirap gumana ang utak 'pag walang laman ang t'yan. Business Management ang course ko. Pero mas mahirap ang course mo."

"Sinabi mo pa," mahinang sabi ko at kumain. "Wala bang goodluck kiss d'yan?" Bigla naman siyang napaubo sa sinabi ko.

Mukhang nabulunan siya sa sarili niyang laway.

"Makaalis na nga." Sabi niya at iniwan ako.

Parang nawasak 'yong puso ko. Char!

May long quiz ka Gabriella! 'Wag puro kalandian ipasok sa utak mo. Baka lahat ng sagot sa tanong do'n sa quiz ay pangalan ni Titus ang mailagay mo.

. . .

SCRIPTINGYOURDESTINY

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status