My Only Sunshine:EPILOGUETITUS BROASTEIN ZAFUETA POVDali dali kong kinuha ang libro ko dahil sasama ako ngayon kay Gabriel. Ihahatid niya ako. Hindi na ako bumili ng kotse dahil nagsasayang lang ako ng pera.Buti nalang naintindihan ng kaibigan ko ang sitwasyon ko ngayon."Nas'an si Gabriel?" Tanong ko kay Marco."Susunduin daw niya kapatid niya," sagot nito. "Mauna na daw tayo sa kotse."May kapatid siya?Sumunod ako sa kaniya. Sumakay siya sa passenger seat habang ako naman ay nasa likod. Nagbabasa. Hanggang sa naging maingay na ang loob ng kotse dahil sa isang babae. Napakababaeng tao ang lakas ng boses. "Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon? Hindi mo naman ako ininform na mga anak pala ni Gorilla ang dinala mo," napatawa ako sa sinabi niya pero napatigil rin ng mapansing napatingin siya sa 'kin. "Hi! I'm Gabriella. And you are?" pagpapakilala niya bigla. "Titus," tanging sagot ko lang. "Kuya saan mo napulot ang anghel na 'to? Sa pagkakaalala ko sa impyerno ka tumu
KANINA PA AKO naghihintay rito! Halatang gumaganti ang loko! Tatlong oras na ako rito!Oo! I waited almost three fucking hours!Pero hindi parin siya pumapayag na makipag usap. Dahil may meeting pa daw siya. Tapos pagkatapos ng meeting ay marami pa siyang gagawin maghintay nalang daw mo na ako dahil tatapusin na niya muna ang mga iyon.Pero hindi ko na talaga matiis. Kaya pumasok nalang ako sa loob. Nakita ko naman siyang pumiperma. Nagulat pa siya at napatigil ng mapansin niyang nasa harapan na niya ako."Nakalimutan mo 'atang kumatok?" malamig na tanong niya. "Nandito lang naman ako para humingi ng permission mo na kung pwede lang ay kunin ko ang video clip na nakasave sa CCTV niyo.""Bakit kailangan mo pang pumunta rito para sabihin 'yan? You're a fucking Prosecutor you can do what ever you want. Importante ang gagawin niyo kaya bakit naman kita pagbabawalan? Okay! Go! May permiso kana galing sa 'kin. You can go now.""What?!" gulat na tanong ko sa kanya. "Tatlong oras akong naghi
MOS: CHAPTER 1GABRIELLA GOMEZ POVInayos ko na ang mga gamit ko at inilagay na ito sa bag. Isinabit ko ito sa balikat ko bago ako lumabas sa classroom. "Huy!""Ayh kabayong anim ang paa!" Gulat na sigaw ko at hinarap ang taong sumigaw dahilan para magulat ako.Ang Kuya Gabriel lang pala. Inirapan ko lang ito at umuna na ng lakad. "Sige! Magpatiuna ka! Baka nakakalimutan mo? Nasa akin ang susi ng kotse." Napalingon ako sa kan'ya at pinakita niya sa 'kin ang susi ng kotse. Ngumiti ako ng peke bago ko siya inakbayan. "Ang gwapo mo ngayon Kuya 'no."Parang gusto kong masuka sa sinabi ko. "Ang plastik mo." Saka niya ako siniko. "Ayaw ko kasing maglakad pauwi!""May kasabay ako.""Ayos lang. Basta ba gwapo."Pagkarating namin sa parking lot ay nauna na akong sumakay pero bigla nalang may tumulak sa 'kin dahilan para maupo ako sa lupa. "Bwesit!" Inis na sigaw ko d'on sa tumulak sa 'kin na si Marco. Nagtungo ako sa likod at doon umupo. "Akala ko ba mga gwapo ang kasabay natin ngayon
MOS: CHAPTER 02GABRIELLA GOMEZ POVPagod akong napaupo sa sofa. Ang hirap talaga ng college life. Parang gusto ko nalang magpahinga sa puso ni Titus. Hehe!"Huy!""Bakit?" bored kong tanong sa kaniya."Anong nangyari sa 'yo?" tanong ni Kuya at umupo sa tabi ko."Hindi ko kasi nakita 'yong energy ko eh. Hindi ko nakita 'yong puso ko," tukoy ko kay Titus. "Ang landi mo."Buti nalang pagod ako. Kung hindi baka kumuha na ako ng walis at pinalo sa kan'ya."Nga pala. Plato kaba?""Babanat ka?" takang tanong ko sa kan'ya. "Oo," nakangiting sabi niya. "So, plato kaba?""Bakit?""Kasi gusto kita," nakangiting sabi niya.Napangiti tuloy ako sa sinabi niya. Ngayon ko lang napansin ang gwapo pala ng kuya ko 'no."Eh Nasa'n 'yong plato do'n?" tawang tanong ko. "Nasa lababo hinihintay ka." Sagot niya bago tumayo. "Ikaw nalang ang maghugas ngayon may pupuntahan ako.""Kuya!" Sigaw ko ng bigla siyang tumakbo palabas. Bago ko narinig ang tunog ng sasakyan niya paalis. Pota nga naman oh! Ba't ba
MOS: CHAPTER 03GABRIELLA GOMEZ POVNagbabake si Mama ng cupcake kaya kaming dalawa ni Papa ay naghihintay na matapos siya. Si Kuya naman ay kanina pa nagtitipa sa cellphone niya. Napaka busy niyang tao."Papa," mahinang bulong ko sa kan'ya. "Bakit? May naisip kabang kalukuhan?" tanong niya sa 'kin."Hablutin mo 'yong cellphone ni Kuya. Tingnan natin sino kausap niya.""Ang galing mong mag isip. Alam mo bang pangarap kong maging holdaper," nakangiting sabi niya.Napakunot tuloy ang nuo ko sa sinabi niya.Agad naman niyang kinuha ang cellphone ni Kuya na agad nataranta."Papa!" Sigaw ni Kuya ng biglang tumakbo si Papa. "Papa basahin mo!" sigaw ko at sumunod sa kanila.Bigla namang nabawi ni Kuya ang cellphone niya. Napanguso naman si Papa habang nakatingin kay Kuya. "Sino si Bee? 'Wag mong sabihin sa 'king girlfriend mo? Naku! Gabriel! Ayaw kong magkaroon ang lahi natin ng bubuyog."Napatawa naman ako sa sinabi ni Papa. "Hindi ko girlfriend 'to! Bee lang talaga pangalan niya," sag
MOS: CHAPTER 04GABRIELLA POVHindi ko na napapansin si Titus na pumupunta sa bahay. Pakiramdam ko tuloy nagtampo siya sa 'kin. Char feeling mo naman.Agad kong inayos ang gamit ko ng matapos ang klase at tumakbo palabas bago pumunta sa Business Management Building.Nagtungo ako sa classroom nila pero wala na siya do'n.Agad na ako umalis roon pero sakto namang nakita ko siyang may hawak na laptop habang may kausap na mga lalaki siguro kaklase niya."Titus!" tawag ko sa kan'ya. Napatingin sila sa 'kin dahil sa pagtawag ko. Nagsimula naman silang maglakad habang ako ay tumakbo na papunta sa gawi nila."Titus," pagtawag ko sa kan'ya nang nasa tabi na niya ako. "Mag usap tayo oh.""Para saan? Busy ako." Sabi niya at patuloy parin sa paglalakad."Nagalit kaba dahil do'n sa narinig mo? Maniwala ka mahal kita."Rinig ko naman ang bungisngis ng lalaking kausap niya."Wag kang gumawa ng gulo please lang," mahinang sabi niya sa 'kin."Bakit ba?! Eh hindi muna ako pinapansin! Hindi mo 'ko tina
MOS: CHAPTER 05GABRIELLA POVNakakainis na! Mas gusto pa niyang kasama ang Cora na 'yon kaysa sa 'kin. Charot! N'ong tinanong ko kasi si Kuya kung nas'an si Titus ang sinagot lang nito umalis raw kasama si Cora. Ano namang gagawin ng dalawang 'yon? Overthink malala!"Papa!" tawag ko kay Papa ng mapansin kung nagdidilig siya ng halaman."Ohh?""Pinagalitan ka?" takang tanong ko sa kan'ya. "'Pag nagdilig. Pinagalitan agad," nakangusong sabi niya. "Tulungan mo naman ako, Princess oh." Bigla niyang sabi dahilan para magulat ako."Papa naman," gulat na sabi ko sa kan'ya."Nakita kasi ng Mama mo. May kasama raw akong babae. Eh wala naman.""Wala ba talaga?" panghuhuli ko sa kan'ya. "Oo na. Meron!. Pero kasi eh. Anak 'yon ng kliyente namin. Nilalandi ako eh.""Nagpalandi ka?" tanong ko ulit sa kan'ya. "Hindi 'no!" biglang sigaw niya. "Gusto ko na ngang sumuka n'ong hawak hawakan niya ako. Alam mo iyon? Pero wala akong nagawa. Kliyente ko 'yong Daddy niya eh.""Pa'no ka nahuli ni Mama?"
MOS: CHAPTER 06GABRIELLA POVAgad akong napatingin sa phone ko ng tumunog ito.Unknown Number: Hi pa accept! Loko ba 'to? Anong akala niya sa number ko? Facebook?Sinawalang bahala ko nalang ito at patuloy na niligpit ang mga ginamit ko para naman makakain na ako dahil gutom na gutom na talaga ako!Salamat naman at natapos narin. Agad akong nagtungo sa cafeteria para kumain.Nang biglang nag text na naman siya. Unknown Number: Ang sabi ko pa accept! Aba loko 'to ha! Siya pa talaga 'yong maatitude?Me: Anong pa accept? Gusto mo suntukin kita?Pinatay ko na 'yong phone ko bago ako nagpatuloy sa pagkain. Nang tumunog na naman siya. Unknown Number: Pa accept! Hindi kasi ako makapasok sa buhay mo.Natawa ako sa sinabi nito. Mukhang familiar ang mga banat niya ha.Me: Echo?Unknown Number: Napasok mo rin!Loko talaga ang lalaking 'to! Napailing nalang ako at patuloy na kumain. Hindi ko na masyadong nakikita si Titus. Sabi kasi ni Kuya malapit na raw ang