Share

My Only Sunshine
My Only Sunshine
Author: ScriptingYourDestiny

Zafueta Brother Trilogy 1

KANINA PA AKO naghihintay rito! Halatang gumaganti ang loko! Tatlong oras na ako rito!

Oo! I waited almost three fucking hours!

Pero hindi parin siya pumapayag na makipag usap. Dahil may meeting pa daw siya. Tapos pagkatapos ng meeting ay marami pa siyang gagawin maghintay nalang daw mo na ako dahil tatapusin na niya muna ang mga iyon.

Pero hindi ko na talaga matiis. Kaya pumasok nalang ako sa loob. Nakita ko naman siyang pumiperma. Nagulat pa siya at napatigil ng mapansin niyang nasa harapan na niya ako.

"Nakalimutan mo 'atang kumatok?" malamig na tanong niya.

"Nandito lang naman ako para humingi ng permission mo na kung pwede lang ay kunin ko ang video clip na nakasave sa CCTV niyo."

"Bakit kailangan mo pang pumunta rito para sabihin 'yan? You're a fucking Prosecutor you can do what ever you want. Importante ang gagawin niyo kaya bakit naman kita pagbabawalan? Okay! Go! May permiso kana galing sa 'kin. You can go now."

"What?!" gulat na tanong ko sa kanya. "Tatlong oras akong naghintay sa labas tapos 'yong usapan natin 3 minutes lang?"

"Bakit? Gusto mo makipag usap ako sa 'yo ng Tatlong oras? O baka naman gusto mong magkantutan tayo habang nagkkwentuhan." Malamig at seryoso niyang tanong.

Pakiramdam ko pulang pula na ang buong mukha ko dahil sa walang preno niyang sabi.

Kailan talaga walang filter yang bibig niya.

"B-butiki ka talaga!" Inis na sabi ko sa kan'ya bago siya tinalikuran at umalis na roon.

Pero bago 'yon narinig ko pa ang sinabi niya na ikinadurog ng puso ko. At nagpagising sa 'kin sa katutuhanan.

"At pwede ba? Sana naman ito na ang huling magkikita tayo. Kung magkita man tayo kung sakali iwasan mo nalang na parang hindi mo 'ko kilala at hindi naging parte ng nakaraan mo. Kasi ang lahat ng 'yon nakalimutan ko na," malamig at seryoso niyang sabi.

✴ ️✴ ️✴️

SCRIPTINGYOURDESTINY

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status