Share

Chapter 31 Part-2

Lisa POV

Napalunok ako sa tanong niya. Itinagilid ko ang ulo ko para makita kung nagbibiro lamang ba siya. Ikinurap-kurap ko pa ang mga mata kong nakatunghay sa kanyang mga mata. May lamyos sa mga itong nakatitig sa akin. Naghahanap ako ng kaunting pagbibiro sa mga mata niya ngunit wala akong maalapuhap.

Ilang sandali pa akong nakatitig lang sa kanya, tinataas ko ang isang kilay ko, hinihintay ang pagbulalas niya nang mga salitang, ‘it's a prank!'

Ngunit wala.

"Ahm, Fier," tawag ko sa kanya. Hinila ang kamay kong mahigpit niyang hawak. Napa-usog ako nang kaunti sa kinauupuan kong kama.

Nakaka-ilang naman kasi ang pwesto namin. Nakaupo siya sa harapan ko. Sa harapan ng kandungan ko, baka lang may maamoy siyang 'di kanais-nais.

"A-ano ba ito? Kung it's a prank lang pwede bang. . . tigilan mo na. Inaantok na kasi ako. Ma-madami pa akong ginawa kanina, 'di ba? Kaya pagod na pagod ako ngayon." Mahabang lintanya ko na nag-iwas nang tingin sa kanya.

Muli niyang inabot ang kamay ko sa a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayan lisa nagalit tuloy si fier dahil hindi ka naniwala sa kanya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status