Share

Kabanata 50 : Fever

"Hey sis! Long time no see."

"P-Pennie?"

"Your one and only pretty sister." Nakangisi n'yang saad habang nakaangat ang isa n'yang kilay na ang sarap ahitin.

Ano naman ang ginagawa ng 'sang 'to rito?

Tumayo ako saka s'ya hinarap. Mag-aayos kasi ako ng stocks ng mga delata at noodles sa grocery store na pinagtatrabahuhan ko nang dumating s'ya. Kung tama ang pagkakatanda ko ay mahigit dalawang taon na rin nang huli ko s'yang makita.

Hindi ko akalaing lumuhod ako noon sa harap n'ya para lang makahiram ng pera para sa pagpapagamot ng anak ko. Binigyan n'ya naman ako pero pinahiya n'ya muna ako sa maraming tao bago isampal sa mukha ko ang pera n'yang hindi man lang nabayaran ang isang araw na hospital bills ng anak ko. Sa tuwing naaalala ko ang nangyaring 'yon ay hindi ko mapigilang kaawaan ng paulit-ulit ang sarili ko. Itinaga ko nun sa bato na hindi na ako hihingi ng tulong sa kanya kahit na anong mangyari.

Pinasadahan ako ni Pennie ng tingin mula ulo hanggang paa bago n'ya mulin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status