Share

Kabanata 54 : One Roof

"Wynter!" tawag ko sa anak ko paglabas n'ya sa classroom nila.

Tumakbo s'ya papalapit sa akin saka s'ya yumakap sa hita ko. Nang umalis si inay ay nagpasya akong tumigil na rin sa pagtatrabaho para maalagaan ko ang anak ko. Sa ngayon ay iyon ang pinaka-magandang desisyon na nagawa ko. Ang sarap sa pakiramdam na ako na ang nakabantay kay Wynter at nag-aasikaso sa kanya.

Babawi ako sa mga oras na nawala sa aming dalawa. Simula kasi ng mag-2 years old si Wynter ay si inay na ang palaging nakabantay sa kanya kaya naman gagawin ko ang lahat para makabawi sa mga pagkukulang ko sa anak ko.

Tinupad ni Wayde ang ipinangako n'yang susustentuhan n'ya ang anak n'ya habang wala akong trabaho. Hindi s'ya nagkulang sa perang ibinibigay n'ya sa amin. Ang totoo n'yan ay sobra-sobra pa nga ang inilalagay n'ya sa bank account ko. Nakakahiya kaya kinausap ko s'yang bawasan ang ibinibigay n'ya sa amin pero hindi s'ya pumayag.

Naisip kong itabi na lang 'yon para sa future ni Wynter.

"Mama, I want
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jee Jeethan
pa unlock pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status