I'm freaking out. Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko sa mga oras na ‘to. Kanina ko pa kinakagat ang kuko ko habang pabalik-balik ng lakad sa maliit na kwartong kinalalagyan ko. Magang-maga na rin ang mga mata ko kakaiyak mula pa kaninang paggising ko. Gusto kong gumawa ng paraan para makatakas pero walang bintana rito na pwede kong labasan bukod sa pintong binabantayan ni Alex sa labas. "Hey sis!" Mabilis akong napalingon sa pinto nang marinig ang nakakairitang boses ng kapatid ko. Nag-igting ang panga ko ng makita ang ngisi n'ya sa labi. Ngiting tagumpay ang lintik. S'ya ba? S'ya ba ang nag-utos kay Alex kidnap-in ako? Akmang susugurin ko na sana s'ya ng bigla n'yang itapat sa mukha ko ang hawak n'yang pistol. "Calm down, sis. Sit down, keep calm and f*cking listen to me before I plant a bullet on your head." Napaatras ako palayo sa kanya nang maglakad s'ya papalapit sa akin. Napatigil lang ako sa paghakbang nang tumama ang binti ko sa gilid ng kama. "Sit," ut
I need to escape. I need to find a way to get out of here, dahil kung hindi ay baka sa lugar na rin na 'to ako ilibing ni Pennie. She's insane. Walang dudang makakaya n'ya akong patayin dahil sa matinding pagkainggit at galit n'ya sa akin. Nang wala na akong marinig na ingay sa labas ay kaagad akong bumaba sa kama at lumapit sa pinto. Idinikit ko ang tenga ko sa pinto at pinakinggang mabuti kung gising pa o tulog na ang dalawang asong ungol nang ungol kanina. Nang masiguradong knockout na ang dalawa ay nagpasya akong pihitin ang doorknob ng pinto. Katulad ng inaasahan ay naka-lock ito mula sa labas. Sinilip ko ang maliit na siwang sa gilid at doon ko nakitang hindi lang doorknob ang ginamit na pang-lock sa kwarto ko, meron ding kandado sa labas kaya walang kwenta kong susungkitin ko lang ang doorknob. Inilipat ko ang tingin ko sa buong kwarto para maghanap ng iba pang pweding lusutan. Chineck ko ang sahig, kisame at mga dingding. Siguradong maririnig nila ako sa labas kapag nagta
Nang dalhin ako ni Pennie sa banyo ay doon na ako nag-isip ng paraan. Kaninang paglabas namin sa kwarto ay nakita kong mabuti ang loob ng buong bahay. Katulad ng inaasahan ko ay maliit lang itong hide out nila. May isang pinto sa sala at meron din sa kusina. Dalawa ang pwede kong daanan palabas pero ang problema ay ang mga nagkalat n'yang tauhan. Nilibot ko ang tingin sa banyo at doon ko napansin ang exhaust fan na nakakabit sa pader. Kapag nagawa ko 'tong alisin ay siguradong may pagkakataon akong makakalabas dito. Binuksan ko ang gripo at malakas na pinabuhos ang tubig sa balde. Gagamitin ko ang ingay ng tubig para pagtakpan ang gagawing kong ingay sa pagtanggal ng exhaust fan. "Kaya ko 'to," bulong ko sa sarili ko. Sampung minuto na ata ang ginugol ko pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang tanggalin ang pagkakasiksik ng exhaust fan sa pader. Mabilis akong napalingon sa may pinto ng marinig ko ang ilang katok doon. "Hoy! Bilisan mo naman d'yan! Taeng-tae na ako!" sig
"Cristine, heto. Masarap 'yan dahil mainit pa." Inilapag ni Sunshine sa harap ko ang kamoteng umusok pa sa init. Bigla akong nakaramdam ng gutom nang maamoy ang pagkaing bumubuo sa araw ko. Pangatlong araw ko na ngayon sa poder nila simula ng magising ako. Sariwa pa ang ilang mga sugat ko kaya wala akong ibang choice kundi ang maghintay na tuluyan akong gumaling. "Salamat." Sinimulan kong balatan ang kamote at hindi nga ako nabigo nang malasahan ang tamis nito. Simula ng magising ako ay hindi ko pinagsawaan ang kamoteng tanim nilang mag-asawa. Nakokonsensya akong hindi ko sa kanila sinabi ang totoo kong pangalan pero iyon lang ang nakikita kong paraan para maprotektahan ang sarili ko. Sigurado akong hindi pa tumitigil si Pennie sa paghahanap sa akin. I'm a threat to her. Kapag nagsalita ako ay siguradong kulungan ang bagsak n'ya. Kailangan kong ma-contact kaagad si Wayde o kahit isa sa mga kaibigan ko para balaan sila patungkol kay Pennie dahil kung hindi at hindi lang buhay ko a
MARCIA Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan ko nang mailapag ko ang hawak kong tray na punong-puno ng pagkain ko–I mean, pagkain namin ni baby. Nasa pinakasulok na bahagi ako ng cafe. Dito ko napiling pumwesto dahil malayo ito sa maiingay na customers. Humigop muna ako sa ice mocha ko bago muling magpakawala ng hangin. Pumunta ako sa paborito kong coffee shop para tanggalin ang stress ko pero kahit pala rito ay susundan ako ng pag-aalala at guilt ko. Simula na ng 2nd semester namin bukas pero ni isang text o tawag ay wala pa akong natanggap kay Pixie. Napagsalitaan ko s'ya ng masama nung huling pag-uusap namin sa telepono kaya siguro akong galit s'ya sa akin. Frustrated kasi ako nang malaman kong nakipagbalikan s'ya kay Janus na mukhang anus! Naguguluhan ako! Bakit s'ya nakipagbalikan sa stupidong lintik na 'yon? Arrghh! "I want to talk to her," bulong ko sa sarili ko. "Should I give her a visit, little foot?" tanong ko sa anak ko habang hinahaplos ang tiyan ko. Littl
"SH*T!" mura ko saka ako mabilis na napabalikwas. Muntik na akong mapatalon sa gulat ng makita si Willard na prenteng nakaupo sa harap ko habang may binabasang libro. Nandito nga pala ako sa opisina n'ya. "K-Kanina ka pa ba?" “Hmm.” Tumango s’ya. Seryoso s’ya kaya naman hindi ko mapigilang kabahan. "Why are you here, Ms. Levine? Sa pagkakaalam ko ay hindi na kita estudyante.” Masyado n’ya namang pinapahalatang ayaw n’ya nang nakikita ang pagmumukha ko. Napanguso ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Sa tuwing suot n'ya ang salamin n'ya ay hindi ko mapigilang mapahanga sa kanya. "Ms. Levine," untag n'ya sa akin. "Ah..eh ano kasi..." 'Gusto kang nakita ng anak mo.' - Syempre hindi ko 'yon sinabi sa kanya. "Anong oras na?" tanong ko habang hinahanap ang orasan sa opisina n’ya. Alas-syete na ng gabi. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong halos apat na oras ang naging tulog ko rito sa office n'ya. "Your avoiding my question, Ms. Levine." "Hindi ah! Naghahanap kasi ak
"KUNG ganun ay anong plano n'yong dalawa?" tanong ni daddy ng sabihin sa kanya ni Willard ang sitwasyon ko. Sa kabila ng sayang nararamdaman ko dahil tanggap ni Willard ang pagbubuntis ko ay may parte pa rin sa puso kong malungkot ako. Alam ko kasing disappointment sa akin si daddy. Sino ba namang magulang ang hindi na di-disappoint kong mabuntis ang anak nilang hindi pa nakaka-graduate?"I will marry her after she gave birt–" "Marry her asap," pagputol sa kanya ni daddy. "Kahit sa west lang ay gusto kong pakasalan mo kaagad ang anak ko. Ayokong madehado s'ya. Ayokong lumaking bastardo ang apo ko, Willard." "No problem, sir. Ipapa-schedule ko kaagad ang kasal naming dalawa." Muling bumuntonghininga si daddy. Hindi ko na mabilang kung ilang beses s'ya nagpakawala ng hangin sa sobrang pagka-disappoint sa amin–sa akin. "D-Daddy," "Come here, princess." Kaagad akong lumapit kay daddy at mahigpit s'yang yinakap. "Sorry for disappointing you. Promise ko, magtatapos ako nang pag-aaaral
MAVEY "Paano kung may dahilan si Pixie kung bakit n'ya nagawa ang bagay na 'yon kay Wayde?" tanong sa akin ni twin diyosa, Keegan. Napairap ako dahil sa sinabi n'ya.Hindi pa ba sapat na rason na hindi pa s'ya nakakapag-move on sa ex n'ya kaya nagpatira s'ya pagkatapos n'ya kay Wayde?"Sadyang pareho lang talaga sila ng kapatid n'yang malandi. Tsk. Kadiri. Nag-share pa talaga sila kay Janus," puno ng pandidiring pahayag ko. Sino ba naman ang hindi masusuka kung mabalitaan mo na tinira ng dalawang magkapatid ang iisang lalaki?Ganun ba sila mag-share the blessing?Nang kamustahin namin si Wayde matapos ang naging bakasyon nila ni Pixie ay nakita ko kung gaano kawasak at bigo ang kaibigan ko. Iyon ang unang beses na nakita kong umiyak si Wayde. Dala na rin ng alak kaya nagawa n'yang ikwento sa amin ni twin diyosa ang lahat ng mga nangyari and his story also broke us."We don't know the whole story, Mavey.""Wait! Why are defending her? Si Wayde ang kaibigan natin at hindi ang maharot '