TREXIE POV "Malapit na tayo! Kaunting tiis na lang best friend. Ayy nakakakilig naman! Ingit tuloy ako!" narinig ko pang bigkas ni Denise habang patuloy kami sa paghakbang. May pagka lukaret talaga ang babaeng ito. Hindi ko alam kung ano itong mga pakulo niya. Ang dami niyang alam eh kakain lang naman sana kami ng dinner kaya niya ako niyayang lumabas. "Denise ha? Kung anu-ano na itong ginagawa mo sa akin. Kaunti na lang talaga at makukurot na kita sa singit!" hindi ko maiwasang bigkas. Humigikhik lang ang bruha na parang tuwang tuwa sa mga kalokohan na ginagawa niya. Hindi ko naman maiwasan na mapabuntong hininga ng malakas. Kung alam ko lang na ganito ang gagawin sa akin ni Denise hindi na sana ako sumama sa kanya eh. Ang daming pakulo sa buhay. "Nandito na tayo. Tatangalin ko ang piring sa mga mata mo pero huwag ka masyadong kiligin ha and dont forget na malaki ang naiambag ko sa celebration na ito." muling wika niya. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang magiging reaction ko
TREXIE POV "You may now kiss the bride!" final na anunsiyo ng pari na nagkasal sa amin. Kay bilis talaga ng paglipas ng mga araw. Parang kailan lang noong nag propose sa akin si Dominic tapos heto na kami. Nandito na kami sa sandaling muling nanumpa sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa. Tuluyan ko ng ibinaon sa limot lahat ng mga masasakit na alaala na nangyari sa aming dalawa. Pinatawad ko na siya at ayaw ko ng ungkatin ulit ang masasakit na nangyari ng nakaraan. Ang gusto ko na lang sa mga sandaling ito ay ang magkasama kaming buo at kumpleto. Walang mas mahalaga sa akin ngayun kundi ang aming pamilya at mga mahal sa buhay. Naramdaman ko na lang ang unti-unting paglapat ng labi ni Dominic sa labi ko. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na kaming nag-kiss pero wala pa ring kasing tamis ang labi niya. Para pa rin akong idinuduyan sa alapaap. Pagkatapos pakawalan ni Dominic ang labi ko palakpakan ang umalingawngaw sa paligid. Lahat iyun ay galing sa mga piling
TREXIE POV "Ayos lang anak. Kami na ang bahala kay Francine. Ituloy niyo na ang party. Marami kayong mga bisita at nakakahiya kung aalisan mo." wika ni MOmmy sa akin. Wala sa sariling napatango ako. Kaagad ko namang naramdaman ang pagpisil ni Dominic sa palad kaya kaagad akong napatingin sa kanya. "Dont worry Sweetheart! Pang apat na baby na nila iyan kaya wala kang dapat na ipag alala. Sanay na sanay na si Francine na umire!" nakangiti nitong bigkas. Hindi ko naman maiwasan na matawa. Kung tutuusin tama ito. Pang apat na nga nilang anak ang ipinagbubuntis ni Francine ngayun kaya ano pa nga ba ang ikatakot ko? Ayaw ko pa ba noon, double celebration pala ang dapat gawin ngayun araw dahil nagkataon ng kasal namin ipinanganak ang pang apat kong pamangkin. Hayssst, parang gusto ko na din tuloy mag overtime para mahabol ko din ang dami ng mga anak nila Kuya at Francine. Mukhang kailangan ko na talagang kulitin itong si Dominic na huwag masyadong magpagabi sa trabaho para naman mak
TREXIE POV "Ibalik niyo ang anak ko! Ibalik niyo siya!" paulit-ulit kong bigkas habang hinihintay ko si Dominic na muling bumalik. Inaasikaso nito ang pagpapahanap sa kambal pati na din sa mga Yaya's nila. Nakunan sa cctv camera na itinakas ng dalawang Yaya ang kambal at sumakay sila sa itim na sasakyan. Naireport na din namin ito sa kapulisan at kasalukuyang iniimbistigahan nila ang mga nangyari. "Trexie, anak huminahon ka! Kailangan mong magpahinga muna. Gumagawa na ng paraan ang Papa mo pati na din ni Dominic para muling mabawi ang mga bata sa kamay ng mga dumukot sa kanila." Wika ni Mama Ashley. Pinipilit nitong pakalmahin ako pero hindi ko kaya. Ilang oras ng nawawala ang mga anak namin ni Dominic pero hangang ngayun, wala pa rin akong balita kung nasaan na sila. Ang ini-expect kong masayang araw ng buhay ko hindi ko akalaing magiging bangungot sa akin ang lahat. Hindi ko akalain na may balak palang masama ang mga Yaya's ng kambal na dukutin sila. Ano man ang dahilan nila h
TREXIE POV "Hinayaan ko na si Dominic na kausapin niya ang babaeng dumukot sa anak namin. Masyado na akong emotional at hindi ko talaga matangap na hindi maibabalik sa amin ang anak ko sa lalong madaling panahon. "Oras na may mangyaring masama sa anak ko papatayin kita Michelle, tandaan mo iyan!" halos pasigaw naman na wika ni Dominic sa babaeng nasa kabilang linya. Pulang pula na ang mukha nito dahil sa matinding galit. Niyakap na lang ako ni Mama Ashley para damayan sa kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayun. "Anak, huwag kang mag alala walang masamang mangyayari sa kanila. Maibabalik din sa atin ang mga bata, magtiwala ka lang." wika ni Mama Ashley sa akin. Patuloy lang ako sa pagluha. Hindi ko talaga kayang tangapin na baka tuluyan ng mawalay sa akin ang mga bata. "Ma, ano po ba ang kasalanan ko bakit kailangan kong pagdaanan ito? Bakit hindi na matapos-tapos ang problema ko? Galit po ba sa akin Diyos para bigyan niya ako ng ganito kasakit na pagsubok?" umiiyak kong bigka
TREXIE POV Dahil maselan ang pagbubuntis ko, wala akong choice kundi ang pumayag na mai-confine muna dito sa hospital. Kailangang obserbahan ng Doctor ang kalagayan ko kaya kahit na sobra akong nag alala sa kalagayan ng kambal, wala akong choice kundi pilit na libangin ang sarili ko. Kailangan kong umiwas sa mga bagay na makakaapekto sa pagbubuntis ko. Malaki naman ang tiwala ko sa pangako ni Dominic sa akin na ibabalik niya sa akin ang kambal sa lalong madaling panahon. Si Mama Ashley ang nakatokang magbantay sa akin dito sa hospital. Paroon at parito naman si Denise. Hindi kasi pwedeng bantayan niya ako buong oras dahil kailangan din siya ni Mommy Alice, ang byanan ko. Hindi din pwede si Dominic dahil inaasikaso nito ang pagkikita nilang dalawa ni Michelle bukas. Nakaalalay naman sa kanya si Papa Ryder kaya kahit papaano, nabawasan ng kaunti ang pag aalala na nararadaman ko. Tiwala ako na mapag-tatagumpayan nilang mabawi ang kambal bukas. Umaasa ako na ligtas na maibabalik sa
TREXIE POV Pagkaalis ni Dominic siyang dating naman ni Denise para asikasuhin ang paglabas ko ng hospital. Nag aalala man sa mga posibleng mangyari sa paghaharap ni Dominic at Michelle wala akong choice kundi ang manalig na sana walang mangyaring masama. Sana ligtas na makabalik sa piling ko ang mag- ama ko. Sana, ito na ang huling araw na mag alala ako ng sobra. Eksakto alas diyes ng umaga ako nakalabas ng hospital. Kasabay na pag alis namin ng hospital ay ang kaba naman na nararamdaman ko. Sa mga sandaling ito alam kong posibleng nakikipag negosasyon na si Dominic kay Michelle. Sana nga magiging maayos ang lahat at walang masaktan. Hawak-hawak ko na din ang aking cellphone at inaantabayan ko ang tawag ni Dominic sa akin. Hindi talaga ako mapalagay hangat wala akong nakuhang kahit na anong balita mula sa kanya. Hindi titigil ang pag-aalala na nararamdaman ko hangat wala akong maging balita sa mag- ama ko. "Ma, tumawag na po ba si Papa?" hindi ko maiwasang tanong kay Mama Ash
TREXIE POV Sa narinig kong salita mula kay Papa Ryder wala sa sariling naglakad ako papuntang pintuan ng kwarto. Umaasa akong nasa labas lang si Brianna kasama ng Daddy Dominic niya. Hindi pwedeng wala siya. Hindi pwedeng hindi siya kasama ng kambal niyang si Bryan Adam! Hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala siya sa akin! "Trexie anak! Wala si Dominic. Nasa hospital siya samantalang hindi namin marecover ang katawan niBaby Brianna!" salita na binigkas ni Daddy na kaagad na nagpahinto sa aking paghakbang. Parang biglang namanhid ang buo kong katawan dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi kayang tangapin ng kalooban ko ang balitang ito! Hindi kayang tangapin ng isipan ko ang hindi inaasahang balita. "Sa kagustuhan na masagip ni Dominic si Baby Bryan, isinugal niya ang sarili niyang kaligtasan para mabawi niya mula sa mga kamay ng mga kidnappers. Hindi sumunod sa usapan si Michelle kaya nagkagulo. " wika ni Daddy na nagpakuyom ng kamao ko. Traydor talaga ang Michelle na iyun. Huma