Share

Chapter 74

Andrea

"Kung hayop ako, ano ka pa? Demonyong umahon mula sa impyerno?"

"'Wag na 'wag mong sasaktan ang pamilya ko kung ayaw mong saktan ko din ang kapatid mo." Mariing banta niya.

"Sino sa mga kapatid ko ang sasaktan mo?"

"'Yung bunso mong kapatid."

"Ahh..." Kunwaring natatakot na sabi ko saka tumayo sa kina-uupuan ko.

"Hindi mo magagalaw 'yon dahil galit na galit din siya gaya ko. Wala kayong magagawa sa kaniya dahil mas magaling pa siya kesa sa inyo. At alam mo ba kung bakit hindi sumasagot ang mga co-leaders mo? Dahil ginagawa din niya kung ano ngayon ang ginagawa ko."

Nanggigigil siyang tumingin sa 'kin. Matalim niya akong tinignan kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Dahil sa inyo, namatay ang lola ko. Dahil sa inyo, nanganib ang buhay ng mama at Tita ko. Dahil sa inyo, comatose ang papa ko. Dahil sa inyong mga g*go kayo." Galit na sabi ko sa kaniya.

"Kaya pamilya ko ang gagalawin mo? Wala silang kasalanan. Ako ang may gawa kaya ako ang galawin mo at 'wag sila!"

Sarkastiko naman akong natawa sa sinabi niya.

"Ang lola ko ba ay may kasalanan sa 'yo kaya ginanon mo? Ang mga magulang ko ba may kasalanan para danasin 'yon mula sa mga kamay niyo? Ang tita ko ba ay may kasalanan para maging kritikal ang buhay niya dahil sa inyo? HA?! Galit na tanong ko sa kaniya. "G*go ka! May gana ka pang magsalita ng ganiyan sa harap ko. G*go ka! Walang ginagawa ang lola ko sa inyo pero ginanon niyo!"

Hindi naman siya nakapagsalita dahil sa sinabi ko. Natigilan siya pero hindi nawawala ang talas ng paningin niya.

"Wala kang karapatan na kunin ang buhay ng lola ko." Sambit ko.

"Ikaw man ang gawa pero pamilya mo ang magbabayad." Dagdag ko pa. "Pasalamat ka nga at nanay at ate mo lang ang kinuha ko. Kulang pa 'di ba? Dahil apat sa pamilya ko ang nadamay dahil sa kag*guhan mo. You should be thankful."

"'Wag mo silang sasaktan, nagmamakaawa ako sa 'yo." Sabi niya na nagsisimula ng manggilid ang luha. "Ako nalang."

Kahit na ganun na ang itsura niya ay hindi man lang ako nakaramdam ng awa sa kaniya. Pulos galit lang ang nararamdaman ko at wala ng iba.

"Alam mo bang maganda ang ate mo? Ewan ko lang kung ano na ang nangyayari sa kaniya ngayon sa kamay NILA CHAN." Binigyang diin ko ang huling salitang sinabi ko. "Sexy din siya. Maganda ang katawan."

"Hayop ka!" Sigaw niya.

Kanina nagmamakaawa, ngayon sinisigawan na ako. Bipolar ang king ina.

"Boss." Tawag sa kaniya ng isang bata niya kaya nilingon niya ito. "Sumagot na si boss Dan."

"Turn on mo ang speaker." Sabi niya na ginawa naman ng alagad niya.

"Andrea." Boses ni kuya Andrello 'yon. As expected.

Malapit ako sa pwesto nila kaya dinig ko ang boses mula sa telepono. Hindi naman gaanong kalayuan sila sa akin at naka loud speaker kaya dinig ko talaga.

Nanlaki naman ang mga mata nung g*go saka humarap na naman sa akin ng may matalim na tingin pa din.

"Sino kang g*go ka?" Galit na tanong nung gunggong sa kuya ko. Lumapit sa kaniya ang bata niya at itinapat sa bibig niya ang telepono.

"Apo ako ng pinatay niyo." Sagot ni kuya Andrello. "Oras na para magbayad kayo. Tapos na ako sa g*go dito. Baka gusto mo ding ako ang tumapos sa 'yo?"

"G*go!" Sigaw niya pa saka ibinaba ang tawag at muling tumingin sa akin.

"Hindi ako nag-iisa na tatapos sa inyo. Sapat ang bilang namin laban sa inyo." Saad ko.

"Kapag talaga nasaktan ang pamilya ko, uubusin ko kayo." Banta niya.

"Talaga? Paano mo magagawa 'yon kung wala ka na?" Sarkastikong tanong ko sa kaniya. "Gusto mo muna bang marinig ang boses ng nanay at ate mo bago ka mawala?"

Hindi niya ako sinagot at tinaliman lang niya ako ng tingin.

Nginisian ko siya saka kinuha ang phone ko at dinial ang numero ni Chano.

"Queen."

"Parinig mo ang boses nila dito sa g*gong 'to." Sabi ko saka pinindot ang speaker at inilapit mg bahagya ang telepono sa harap.

"Hmmm. Hmmm. Hmmm." Puro ungol lang ang naririnig namin.

"Hayop ka! Anong ginagawa niyo sa pamilya ko?!" Galit niyang saad saka sumugod sa akin kaya agad kong itinabi ang phone ko sa pants na suot ko saka inilagan ang sapak niya.

Sinipa ko siya sa likod kaya napasubsob siya. Hinayaan ko siyang makatayo at sumugod muli sa akin. Umilag ako at sinipa ang tiyan niya.

Sumugod siyang muli kaya inilagan ko ulit 'yon at siniko ang likod niya saka sinapak at sinuntok sa tiyan.

Hindi ko na siya hinayaan pang sumugod muli. Sinapak ko ang panga niya at sinipa sa mukha.

Ng matumba siya ay isa isa namang sumugod ang mga bata niya kaya ginulpi ko din sila isa isa.

Nasa mga 8 lang ang bata niya kaya hindi ako nagtagal at napatumba ko din agad siya.

Matapos ko silang patumbahin ay hinabol ko muna saglit ang hininga ko at saka inilabas ang baril na dala ko at itinutok sa ulo niya.

"Any last wishes?" Tanong ko sa g*go.

Tinignan niya lang ako ng masama habang umuubo ng dugo.

"Pakawalan mo ang pamilya ko." Nahihirapan niyang sabi.

"Sorry, I can't do that. Good bye." Saad ko saka kinalabit ang gatilyo ng baril.

Andrei

Kakaibang galit ang naramdaman ko dahil sa ginawang 'yon ng Phoenix gang sa pamilya ko.

Wala silang karapatan para gawin 'yon sa kanila dahil nananahimik sila. Lalong lalo na si lola.

Agad kong narating ang bahay nung g*gong kasabwat sa nangyari kay lola. Pinagtanong tanong ko kung nasa'n siya ngayon at nalaman ko na nandito siya sa bahay nila.

Sa gang mate ko ako nagtanong at nalaman ko nalang na binabantayan pala nila ang bawat kilos ng Phoenix kaya naman alam nila.

Malaki daw ang kasalanan ng ibang member ng mga 'to sa kanila dahil pinupuntirya nila ang pamilya nila. Mukhang inuubos nila ang pasensya ng gang ko.

Bumaba ako sa motor na sinasakyan ko ng makarating ako sa tapat ng bahay nung g*go. Nilabas ko agad ang baril ko saka nilagyan 'yon ng silencer at saka pinindot ang doorbell.

Ilang saglit ako naghintay bago ako pagbuksan ng pinto ng lalaking hinahanap ko. Itinutok ko agad sa kaniya ang baril na hawak ko at sinenyasan na umatras.

"Bilisan mo." Bulong na utos ko sa kaniya.

Isinara ko ang pinto nila ng hindi inaalis ang baril na nakatutok sa kaniya.

"Anong kailangan mo?" Kalmado niyang tanong.

Ibinaba ko na ang baril na hawak ko saka matalim siyang tinignan. Mukhang mas nagalit pa ako nung makita ko sa personal ang g*gong 'to.

"Buhay mo ang kailangan ko." Sagot ko sa kaniya.

"Buhay ko? Bakit?"

"Dahil buhay ang nawala sa amin dahil sa iyo, sa inyo."

"Ano bang pinagsasasabi mo? Buhay ang nawala sa inyo? Anong kasalanan ko dun at bakit naging dahil sa akin?"

"Isipin mo kung bakit. Gamitin mo 'yang utak mo at 'wag kang puro tanong." Sabi ko pa sa kaniya.

Puro tanong ang g*go. 'Wag niyang sabihin sa 'kin na ginawa nila 'yon ng hindi kinikilala ang taong papatayin nila.

Paano naman sila makasisiguro na 'yon ang target nila kung hindi nila 'yon kilala. Mga bobo ang king ina.

"Wala akong alam sa pinagsasasabi mo kaya kung pwede sabihin mo nalang at tapusin na natin 'to."

Sarkastiko akong natawa sa kaniya.

"Bakit? Baka dumating ang pamilya mo at makita tayo dito? Bakit ayaw mong makita ng pamilya mo? Hindi ba nila alam ang mga kag*guhang ginagawa mo?"

"'Wag ka ng masyadong madada. Sabihin mo nalang kung anong gusto mo!" Biglang sigaw niya.

Bakas na ang kaba at panay na ang silip niya sa pinto hinihintay kung may magbubukas pa.

Natatawa nalang ako sa kaniya dahil sa ikinikilos niya.

"Sinabi ko na sa 'yo ang gusto ko." Saad ko saka naglakad papalapit sa kaniya ng ilang dipa.

"Kung ganun ay hindi ko maibibigay ang gusto mo. Hindi nga kita kilala tapos pupunta punta ka dito. Hindi mo din sinasabi ang dahilan kung bakit ako ang sinisisi mo. At alam mo ba na pwede kitang kasuhan ng trespassing dahil sa ginawa mong pagpasok sa bahay namin? Ha?" Mahabang sabi niya habang palingon-lingon pa rin sa pinto.

Tumalikod ako sa kaniya at saka lumapit sa pinto at inilock ito para naman mawala ang kaba niya. Natatawa ako sa itsura niya, eh.

"Kakasuhan mo 'ko ng trespassing, eh kusa mo akong pinapasok."

"Dahil tinutukan mo ako ng baril!"

"Tinutukan lang kita ng baril pinapasok mo na ako. Nakapatay ka nga ng tao tapos sa isang tutok ko lang ng baril sayo natakot ka? Nagpapatawa ka ba?"

"Ano ba kasi ang pinagsasasabi mo? Sino ang pinatay ko?"

"Amelia Ortega. Does it ring a bell?"

Saglit siyang natigilan at nag-isip saka ngumisi.

"'Yung matandang 'yon ba ang dahilan kung bakit ka nandito? HAHAHA, 'wag mong sabihing kapatid ka ni Lethal?" Nakangisi niyang tanong.

Agad na nagpintig ng tenga ko dahil sa sinabi niya. Dahil pamilya sila ni ate kaya nila ginawan ng ganun?

"Kung ganun ay hindi na pala ako mahihirapan na patayin ka dahil ikaw na ang kusang nagpunta sa akin. Kusa kang nagpunta kay kamatayan." Sabi niya pa saka malakas na tumawa.

'G*go!'

"Bakit niyo ginagawa 'to?" Galit na tanong ko sa kaniya. "Anong dahilan niyo?"

"Mahina na si Lethal kaya hindi na kami takot sa kaniya kaya 'eto at pinagbabayad na namin siya sa mga kasalanan niya sa 'min noon."

"Kasalanan? Anong kasalanan? 'Yung bugbog sarado kayo lagi kapag lalabanan niyo siya? Kasalanan niya ba 'yon? Sadyang lampa lang kayo! Mga g*go!" Sigaw ko.

Siraulong 'to. Porque, talo siya lagi sa laban nila noon ay nananakit na ng ibang tao.

"Kung hindi ka isa't kalahating g*go at bobo, hindi mo maiisip 'yan. Tanga!" Dagdag ko.

"Nangyari na, eh. Ano pa bang magagawa mo? Namatay pala 'yung matanda? Ayus na 'yon, matanda naman na siya, eh. Kamusta naman 'yung tatay at nanay mo? Pati 'yung isang babae? Buhay pa ba? Papatayin ko na ba?"

Lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi ng g*gong nasa harap ko kaya hindi ko naiwasan ang sarili ko na iputok ang baril sa binti niya.

Napaluhod ang isang binti niya saka hinawakan ang parte ng binaril ko. Buti nalang at nalagyan ko ito ng silencer kaya hindi maingay. 'Yung sigaw lang niya ang maingay.

"AHHHH!!!" Sigaw niya dahil sa sakit.

Balak talaga nilang ubusin kami? Gunggong.

Ang sama ng tingin niya sa 'kin habang hawak hawak ang binti niya.

"Magbabayad kang g*go ka! Uubusin ko kayo!" Sigaw niya saka nagbalak tumayo kaya binaril ko din ang isa pa niyang binti.

"Pa'no mo magagawa 'yon kung patay ka na?" Tanong ko sa kaniya saka naglakad papalapit sa pwesto niya.

Lumapit ako sa kaniya saka lumuhod at inilapit ang mukha ko sa tenga niya.

"Ganito nalang, pamilya mo nalang ang uubusin ko." Bulong ko sa kaniya saka tumayo at hinampas ng baril ang mukha niya.

Nasaktan siya syempre sa ginawa ko pero matibay ang g*go. Matapos dumura ng dugo sa sahig ay ibinalik niya sa akin ang masamang tingin niya.

"Ano sa tingin mo? Mas maganda ang plano ko, 'di ba?" Sabi ko sa kaniya saka siya sinipa sa mukha kaya napahiga siya sa sahig.

Dumura ulit siya ng dugo saka bumangon at sinamaan ulit ako ng tingin.

"'Wag na 'wag mong gagalawin ang pamilya ko, g*go!"

"Pamilya ko nga ginalaw mo, eh. Bakit kita pagbibigyan ngayon?" Tanong ko.

"Subukan mong galawin ang pamilya ko, papatayin kita." Banta niya kaya natawa ako.

"HAHAHAHAHA, pa'no mo nga magagawa 'yon kung wala ka na? Kung patay ka na." Natatawang sabi ko.

Saglit ko pa siya tinawanan saka ako sumeryoso muli at itinapat ang baril na hawak ko sa ulo niya.

"Any last wishes?"

"'Wag mong saktan ang pamilya ko."

"'Wag kang mag-alala dahil makakasama mo rin sila. Magkakasama din kayo, mauuna ka lang. Say goodbye to your life." Sabi ko saka ko kinalabit ang gatilyo ng baril.

Bayad ka na sa kasalanan mo. Magkita kita nalang kayo ng mga kasama mo sa impyerno.

Agad akong umalis doon matapos kong gawin ang kailangan ko. Tumingin muna ako sa paligid bago tuluyang umalis.

Nagmadali akong umuwi dahil may CCTV akong nakita doon sa 'di kalayuan.

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong nagpunta sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Hinack ko ang CCTV doon sa lugar na 'yon.

Medyo nahirapan ako dahil medyo malayo siya pero na-hack ko pa din naman 'yon. Dinelete ko ang footage na kuha sa araw na 'to.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status