Share

Chapter 79

Chano

Hiling ni Queen na siya na ang lalaban sa lahat. Ewan nga lang namin kung ano ang nangyari at parang mainit ang ulo niya.

Habang nag eensayo siya dito sa gym sa bahay nila Xander ay ang lakas ng pagkakatira niya sa lahat.

Lahat ng suntok at sipa niya sa punching bag ay malalakas lahat. Parang may pinaghuhugutan siya ng galit.

"Ayus lang kaya si Queen?" Tanong ni Xander sa akin.

"Malay ko ba. May problema yata." Sagot ko.

Alam naman namin na may problema talaga siya pero parang nadagdagan pa. Hindi naman kasi siya ganiyan, eh.

Ano kayang nangyari sa kaniya at bigla siyang nagkaganiyan? May nangyari kaya kanina sa bahay ng mga Crimson o sa gymnasium?

"Baka masira niya 'yung punching bag sa lakas ng pag atake niya." Bulong ni Xander sa akin kaya natawa ako.

"Kaya mo namang palitan 'yan at sa inyo naman 'yan kaya ayos lang 'yan." Nakangising sabi ko kaya inismiran niya lang ako.

Dumating ang oras ng laban namin sa Phoenix gang at hindi ko inaasahan ang ginawa ni Queen. Ni hindi man lang siya tinamaan ng suntok at pag atake ng kalaban namin.

Bago pa lang makalapit sa kaniya ay sinasapak na niya o sinisipa sa ulo. Minsan ay elbow strike ang ginagawa niya.

Kapag umiilag naman siya sa kalaban ay yuyuko siya saka susuntukin ito sa tiyan at papatirin kaya bagsak agad.

Ang benteng kataong kalaban namin ay inubos niya lahat sa loob ng bente minutos. Ang pinuno nalang nila ang natitira.

Ang leader at ang kanang kamay nito. Lahat ng mga bata nila ay bagsak agad.

"Whew. 20 down 2 remaining." Nakangising sabi ni Xander na nasa tabi ko.

Kaming dalawa nalang ang sumama kay Queen na makipaglaban at hindi na namin sinama ang iba pa para makapagpahinga sila.

May ensayo sila bukas at kailangan nila ng lakas lalo na at si Queen ang mag eensayo sa kanila.

"Lakas ni Queen. Walang pinagbago." Sabi ko.

"She looks so hot." Sambit ni Xander kaya sinikmuraan ko siya. "Para sa'n 'yon boss?"

"G*go! Anong hot ka d'yan? Gusto mong malumpo?"

"Binibiro lang, eh." Sabi niya saka napakamot sa batok.

Alam na may syota na 'yung tao ginagano'n pa niya. Saka si Queen 'yan. Hindi siya pumapatol sa gang mates niya.

"Ang init mo naman 'yata ngayon, Lethal? Ganiyan ba kainit ang gusto mong maging pagbabalik mo?" Tanong ng leader ng grupo.

Nginisian siya ni Queen saka ito humakbang ng dalawang beses papalapit sa kanila.

"Bakit? Natatakot ka na ba?" Nakangising tanong no Queen dito.

Hindi na nagsuot ng maskara at jacket si Queen dahil expose na din ang pagkakakilanlan niya dahil nagpakilala siya sa mga mokong na nakikita niyang nangloloko ng tao sa daan.

Naka pants at ordinaryong hoodie nalang ang suot niya at hindi na gaya noong nakaraan na hindi pa siya umaalis sa amin.

"Ako matatakot sa 'yo? Asa ka naman? Kaya kitang tirisin ngayon mismo. Alam mo ba 'yon?"

"Natakot naman ako. Pa'nong tiris ba?"

"Gusto mong malaman? Halika at lumapit ka ng matapos na rin ang laban na ito at mamatay ka na."

Sarkastikong natawa si Queen na mula sa mahina ay palakas ng palakas. Naglalakad lakad siya habang tumatawa hanggang sa makalapit siya sa pinuno ng grupo.

Hindi namin inaasahan ang gagawin niya pagkatapos niyon. Bigla siyang naglabas ng isang patalim at sinaksak sa tiyan ang pinuno nila.

"Queen!" Sigaw namin ni Xander.

Lalapit sana kami sa kaniya ngunit pinahinto niya kami kaya hindi na kami tumuloy.

Wala sa usapan namin ang pagsaksak na ginawa niya. Wala dapat kaming armas na gagamitin habang lumalaban.

Hindi ko alam kung ba't ginawa niya 'to. Hindi ko rin alam kung sa'n niya nakuha ang punyal dahil wala naman siyang dala kanina.

Bumunot ng baril ang natitirang nakatayo kaya umikot si Queen upang sipain ang kamay nito na may hawak na baril.

Tumilapon ang baril sa sahig. Sinuntok ni Queen sa mukha ang kaharap niya saka ito binigyan ng upper cut at saka siya muling umikot at sinipa ito sa mukha na ikinabagsak nito sa sahig.

Hindi pa nakuntento si Queen. Naupo siya sa gilid ng lalaki at inilabas ang punyal niya saka akmang sasaksakin ito sa ulo kaya tumayo na kami upang pigilan siya.

"Queen, wala sa usapan 'to." Saad ko.

"Bitawan mo 'ko, Chano. Papatayin ko ang g*gong 'to." Galit na aniya saka pilit na kinukuha ang kamay niya na hawak ko.

"Queen, ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Bitawan mo sabi ako!" Sigaw niya saka hinila ng malakas ang kamay niya dahilan upang mabitawan ko iyon at matumba ako sa lupa.

Mabuti nalang at mabilis ang naging pagkilos ni Xander at naagaw niya ang punyal na hawak ni Queen.

"Akina 'yan Xander! Hayaan niyong patayin ko ang g*gong 'to!"

"Queen, pwede ba?!" Sigaw ni Xander dito. "Ano bang nangyayari sa 'yo?"

"Sila ang pumatay sa lola ko. Kailangan din nilang mamatay."

Biglang bumuhos ang luha ni Queen na mas lalong hindi namin inaasahan. Yumuko siya at patuloy na umiyak habang nakaupo sa malamig na semento.

"Pinatay nila si lola... Comatose si papa..."

Wala kaming nagawa kung 'di ang panuorin nalang ang pagluha niya. Wala naman kaming magagawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman niya lalo na at ang mga mahal niya sa buhay ang napahamak.

"Sila ang dahilan ng pagkawala ni lola." Umiiyak na aniya.

Naaawa na ako kay Queen dahil sobra na ang nararanasan niya. Kung may pwede lang sana akong gawin para matulungan siya ay gagawin ko na.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Xander at tumango sa isa't isa. May pwede kaming gawin.

Binunot ko ang baril na dala ko saka pinaputukan ang leader ng grupo sa ulo nito.

Si Xander naman ay sinaksak sa ulo ang pangalawang pinuno nila.

Sa ganito man lang ay magawa kami. 'Wag na niyang dumihan ang palad niya. Kahit kami nalang.

Jake

Sumusugod sa classroom namin si Cassandra habang nagkaklase kami. Buti nalang at si sem ang teacher namin ngayon kaya hinayaan nalang siyang pumasok.

Ano kayang kailangan ng babaeng 'to at hindi na makapaghintay hanggang matapos ang klase. Pagkatapos naman nito ay break time na.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito kay Andrea.

"Hmm..."

"Naging maugong ang pagbabalik mo. They said that you're so hot and your fighting prowess does not fade."

Nakita ko nga sa balita sa page namin ang nangyari. Pinatumba ni Andrea ang bente katao sa loob ng bente minutos. Isang minuto, isang tao.

Ang iba ay nabahala, ang iba naman ay matapang pa rin at hinahamon si Andrea.

"Dangsin-i nugungaleul jug-yeossdago deul-eoss-eoyo. Geudeul-ui jidojawa geuui oleunson. Sasil-ingayo?" Biglang seryosong tanong ni Cassandra.

(Translation: I heard that you killed someone. Their leader and its right hand. Is it true?)

"Mwo? Michyeoss-eo?" Galit na tanong ni sem.

(Translation: What? Are you crazy?)

"Mwo haess-eo?" I asked in disbelief.

(Translation: What did you do?)

Hindi ko alam na magagawa niya 'yon dahil lang sa nangyari. Alam kong namatayan sila. Ang lola niya na mahal na mahal niya ang namatay pero hindi pa rin 'yon sapat para pumatay siya ng tao.

Hindi niya dapat dinudumihan ang kamay niya ng dugo ng mga masasamang tao na 'yon.

"Naega aniya." Saad niya.

(Translation: It's not me.)

"Nuga geuleom?" Sem asked.

(Translation: Who is it, then?)

"Chanowa Xanderya. Na aniya."

(Translation: It's Xander and Chano. Not me.)

Akala ko ay siya na ang pumatay. Nakahiga ako ng maluwag mg malaman kong ang ka-grupo niya na ang sumalo at hindi siya.

Andrea

"I thought you really killed someone." Sambit ni Cassandra habang nandito kami sa rooftop at kumakain.

Muntikan lang pero si Chano at Xander ang tumapos. Mabuti nalang at hindi alam nila sem ang ginawa naming magkakapatid.

Baka isumbong niya pa kami kela ma, nayari pa.

"Hindi ko gagawin 'yon." Sambit ko.

"Don't do that whatever happens." Aniya kaya nginitian ko nalang siya.

Nagawa ko na nga. Hindi ako magdadalawang isip na gawin ulit 'yon kapag naulit muli ang nangyari sa pamilya ko.

Sisingilin ko sila.

"Are you okay, love?" Tanong ni Al sa akin ng makita niya na nakakuyom ang mga kamay ko.

Hindi ko kasi mapigilan ang manggigil sa t'wing naaalala ko ang nangyari lalo na ang mga taong gumawa no'n.

Hindi din nila sinabi sa akin kung sino ang nag-utos sa kanila kaya hindi ko alam kung sino pa ang sisingilin ko.

Ayaw magsalita ng mga g*gong 'yon.

"Ayus lang ako." Tugon ko saka tinanggal ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"I guess, we need to give them their privacy. Let them talk." Saad ni Cass saka umalis kasama ang mga kaibigan namin.

Iniwan na naman nila kami dito, tss.

"Love." Tawag sa akin ni Al kaya tinignan ko siya.

"Are you really okay?"

"Hmm."

"Is there a problem?"

"Marami akong problema, Al."

"No, about us."

"Wala."

"Wala? You sure."

"Hmm."

"Okay, then. I love you."

Nginitian ko lang siya saka ako tumingin sa kawalan. Sa dami ng problema ko, ayoko na idagdag pa 'to.

Handa akong tapusin ang relasyon na 'to kung dadagdag lang siya sa aalalahanin ko.

Ayus lang sana kung nandito si papa, si lola. Kaso wala, eh. Hindi ko pa rin maiwasan na sisihin minsan si Al dahil sa nangyari.

Kung sana kasi na pumunta siya, hindi sana aalis sila lola. Kung sanang sinagot niya ang tawag ko, sana maaga palang nakaalis na sila lola.

Hindi sana sila naabutan ng mga g*gong 'yon. Buhay pa sana si lola. Hindi sana comatose si papa.

Hindi sana na trauma sila mama. Hindi sana kami nagigipit ngayon.

"Love..."

"Ano?!"

"You're mad at me, right?"

"Hindi nga, 'wag ka makulit. Nakaka-irita."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Naiinis ako sa kaniya, nagagalit.

Gumawa pa siya ng kasalanan sa akin tapos hindi man lang niya sabihin iyon at humingi siya ng sorry.

Wala ba siyang balak mag sorry dahil sa ginawa nilang paghahalikan ni Samantha sa harap ng maraming tao?

Para saan pa at sinabi niya noon sa maraming tao na ako ang girlfriend niya kung wala siyang gagawin kapag hinalikan siya ng ex niya.

"I'm sorry..."

"Bakit na naman?"

"I know that you have a lot of problems. But please, 'wag mo sanang idamay ang relasyon natin. Nandito ako para damayan ka. Para tulungan ka. Sana naman ay sabihan mo ako ng problema mo."

"'Wag mo 'kong dramahan ngayon, Al. Please lang. 'Wag ka ng dumagdag pa."

"Am I problem to you?"

"Al, sabi ng 'wag ka ng dumagdag. Hindi ka ba makaintindi? Marami na akong iniisip 'wag ka ng sumabay, please."

Ayokong sabihin na isa rin siyang problema dahil ayokong saktan ang damdamin niya.

Ang totoo kasi ay talagang nagiging problema na siya sa akin at iniisip ko na makipaghiwalay sa kaniya minsan.

Ewan ko. Parang nawalan na 'ko ng interes sa ibang bagay mula ng mangyari ang aksidente.

"I'm sorry, I love you."

Tinignan ko lang siya sa mga mata bago tumingin ulit sa kawalan.

Mabuti at napakiusapan ko siya dahil baka hindi talaga ako makapagpigil sa kaniya kung hindi pa siya titigil.

"I love you." Pag-uulit niya kaya tumingin akong muli sa kaniya at nginitian siya.

"I said I love you."

"Oo na."

"I love you, Andrea."

"Oo na nga, 'di ba?"

"I said I love you."

"Oo nga, sabi mo nga 'yon. Bakit ba paulit ulit ka?"

"You're really mad at me. Why?"

"Hindi nga ako galit sa 'yo, pwede ba?"

"Where's my I love you too?"

"Kailangan ba laging sinasabi ang I love you too kapag nag I love you ang isang tao sa 'yo?"

"Yes, if you really love that person."

"Hindi 'yon ang basehan, Al. Salita lang 'yon."

"Yes, it's just a word but it's meaningful."

"Okay, fine! I love you too. Okay ka na?"

Ng dahil lang do'n ay nagtalo pa kami. Ano naman kasi kung 'di magsabi ng I love you too?

Nakakbanas!

Andrei

"Kamusta, 'ma?" Tanong ko kay mama pagkapasok ko sa ICU.

"Hindi pa rin nagigising ang papa mo. Ang laki na din ng bills niya." Malungkot na sambit niya.

Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap upang maramdaman niya na hindi siya nag-iisa.

Naaawa na ako kay mama dahil sinosolo niya ang lahat. Ang daming problema na dumating sa buhay namin ngayon at si mama ang sumasalo lahat.

Ayaw niya kaming bigyan kahit na kaunti lang. Gusto namin siyang tulungan kaso ayaw niyang tanggapin ang tulong namin.

Mag-aral nalang daw kami at 'wag na siyang alalahanin.

Ang laki na ng bills namin sa ospital. Hindi na kaya ng budget namin. Nagpadala ang mga tita at tito namin ng pera pero kulang pa rin.

Hindi na rin alam ni mama ang gagawin sa restaurant dahil ayaw niyang iwan si papa. Kulang na din kami sa tao dahil wala na kaming ipapasweldo.

Balak nga niyang isara ito. Kapag sinara namin 'yon ay mawawalan na kami ng pagkakakitaan.

Ubos na rin ang ipon nila na ginamit pangbayad sa bills nila ni tita Beth at pinandagdag sa pambayad sa bills ni papa.

Gusto ko nga sanang maghanap ng trabaho at huminto muna sa pag-aaral para makatulong sa kaniya kaso ayaw niya akong payagan.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para kumita ng pera habang nag-aaral. Gusto mo siyang tulungan.

Lumabas muna saglit si mama para bumili ng kape. Hanggang bukas daw siya dito at dito siya matutulog kaya kailangan daw niya ng kape.

"'Pa. Gising na. Haba ng tulog mo. Nahihirapan na si mama. Stress na stress na siya at magsasara na din ang restaurant natin. Kaya 'pa, gising na. Tulungan mo kami." Naluluhang sabi ko.

Si papa ang madalas na nagpapalakas ng loob ko pero ngayon na natutulog siya dito, sino na ang gagawa no'n?

Andrea

"Pikon!" Tawag sa akin ng animal kaya nilingon ko siya.

Naglalakad kami ng sabay-sabay papuntang parking lot dahil uwian na. Yata namang manatili kami dito sa school, 'di ba? Baliw lang?

"Ingay mo." Iritang singhal ko sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at hinawi si Al sa gilid ko.

"Isasara niyo na daw ang restaurant?"

"Hmm. 'Di na kaya, eh."

Ayaw man naming gawin, pero wala kaming magagawa. Source of fund namin 'yon kaso wala ng aasikaso, walang magluluto, walang waiter at waitress.

Ano pang silbi no'n? Wala na.

"Need help?"

"Hindi. Hindi na kaya ng restaurant pero kaya pa namin."

"Andrea." Seryosong sambit niya.

Huminto siya sa paglalakad at hinarangan ang dadaanan ko kaya napahinto din ako.

Ano na naman bang problema ng animal na 'to?

"Hindi masamang manghingi ng tulong." Aniya.

"Oo nga, Andrea. We're here for you. If you need our help, just tell us." Sambit ni Lexa.

"Alam niyo, kaya ko pa. 'Wag kayong mag-alala sa 'kin." Nakangiting sabi ko.

"Hindi mo na kaya. Pwede mo naman kaming sabihan at hingan ng tulong. 'Di ka namin pagtatabuyan." Saad ni Tristan.

"Alam ko. Lalapit ako sa inyo kapag kailangan ko na talaga."

"Kahit kailan ang tigas ng ulo mo!" Inis na sabi ni Cass. "Can't you just say that you don't want others to help you? So they'll stop saying those things to you."

"Hindi naman sa gano'n..."

"Ano lang? You're restaurant are closing. That's your only source of income. How are you going to eat, then? To pay the hospital bills of your dad?"

"Nagpadala ng pera ang mga tita at tito namin. Saka may ipon ako at si Andrei. Maghahanap din ako ng trabaho mamaya kaya 'wag kayong mag-alala sa 'kin."

Buti nalang at may naipon ako kahit papaano. Ang mga sumosobra sa allowance ko every week ay tinatabi ko pang emergency. Ngayon ay magagamit ko na siya.

"You're going to work?" Animong hindi makapaniwalang tanong ni Raia.

"Hmm. Kailangan, eh."

"If you need money, just tell us. We're gonna hell you. Pay us back kapag nakaluwag luwag na kayo." Sabi ni Blake.

"Hindi na. Kaya ko pa nga."

"Stop na. Let's go na. Hindi kayo pakikinggan niyan." Mataray na sabi ni Cass saka nagpamaunang maglakad.

Nagpapasalamat ako sa mga alok nila pero ayoko na silang gambalain pa. Kaya ko pa naman.

Sanay ako sa trabaho sa restaurant kaya suguro naman ay matatanggap ako kapag nag-apply ako sa isang restaurant.

"Lethal!" Isang malakas na sigaw ng isang lalaki ang sumalubong sa amin sa parking lot.

Sino naman gunggong na 'to?

Puro tattoo ang g*go na animong dating preso. Puro ahas at kung ano-anong pang adik ang tattoo ng king ina.

"Sino kayo?" Tanong ni Jake sa kanila.

"Nandito rin pala ang isa sa mga kinatatakutang leader ng mga gangster." Nakangising aniya. "Ikinagagalak ko ang makita kita ng harapan."

"Ang tanong ko ay sino kayo."

"Kami? Kami ang mga baguhan na tatapos sa inyo. Bakit hindi mo kami kalabanin Lethal? Bente katao sa loob ng bente minutos? Ibang klase ang mga records na iniiwan mo."

Baguhan. Ang lakas ng loob nila na hamunin ang isang undefeated Queen na gaya ko.

Kaya pala ay hindi ko sila kilala dahil nga baguhan ang king ina.

Pinaatras namin ni Jake ang kasama namin at kaming tatlo lang nila Cass ang nanatili sa harapan.

Hindi sila pwedeng madamay dito.

"Ako ng bahala sa kanila." Bulong ko sa dalawa.

"No. We're gonna fight together." Giit ni Cass.

"Ako ang kailangan nila kaya ako na ang bahala sa kanila."

"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?" Inis na tanong no Jake. "Kasama mo kami, okay?"

Hindi naman makaintindi ang dalawang 'to, eh. Nakakainis!

"Kakaunti lang sila, ako na."

"Ano ba? Magbubulungan nalang ba kayo d'yan?" Mayabang na sambit ng g*go. "Natatakot ba kayo sa 'min?"

Saka sila sabay sabay na tumawa.

"Asa ka naman?" Nakangising sabi ko saka naglakad papalapit sa kanila.

Isa-isa namang naglabasan ang iba pa nilang kasama kaya ako ay napahinto sa aking ginagawang paglalakad.

Ang dami namang g*go ng mga 'to.

Nasa singkwenta yata sila, mga g*go.

"Tignan natin kung kaya mo ang animnapong tao sa loob ng animnapong minuto." Mayabang niyang sabi saka ngumisi.

Hindi lang sila 50, sixty pa sila.

"Gano'n ba kayo katakot sa akin at hindi lang dalawa o tatlong dosena ang dinala mo at higit pa?" Nakangising tanong ko sa kaniya.

Nginisian niya lang din ako saka tumingin sa mga kasama niya at humalakhak na parang mga baliw.

Mga takas pa yata sa mental ang mga 'to at hindi lang sa preso.

"Natatakot ka na ba Lethal?"

"Kailan pa natakot ang undefeated Queen of all time?"

"Bakit hindi natin subukan ang galing mo ngayon? 'Wag kang puro dada at ipakita mo."

"Sige ba. Basta kapag natalo ko kayo ay lalabanan niyo ang mga gang mates ko kasama ang mga bata ni AD. Ano? Palag?"

Hindi agad siya nakapagsalita kaya nakangisi ako. Alam ko naman na kay Chano palang ay bagsak na sila, isama pa ang nga bata ni kuya.

Lahat sila ay magagaling dahil sinanay sila ni kuya kaya tiyak kong wala silang laban.

"Sabihin mo nalang na natatakot ka na Lethal at 'wag ka ng magsabi ng kung ano-ano pa."

"Ang sabi niyo kasi ay matatalo niyo na ako at mapapatay na. Kung gano'n ay napakagaling niyo, hindi ba?" Saad ko saka naglakad pabalik balik sa pwesto ko. "Ang ibig sabihin lang no'n ay sisiw nalang sa inyo ang mga gang mates ko at ang mga bata ni AD. Dahil natalo niyo nga ako. Bakit ngayon ay ka makipagkasundo sa akin?"

"Kami laban sa mga kasama mo at sa bata ni AD? Sige ba." Aniya saka ngumisi.

Parang aso ang king ina. Kanina pa ako naasiwa sa itsura niya.

"Ikaw lang laban sa kanila. Ako nga lang ang lalaban sa animnapong katao, eh. Unfair kung isasama mo sila sa laban mo. Saka hindi mo na rin naman sila maisasama dahil nasa ospital na sila ng mga oras na iyon."

"Tama na ang satsat, Lethal. Simulan na natin 'to."

"Say yes, first."

"Sige payag ako sa sinasabi mo."

"Good." Nakangiting sabi ko saka nagsimulang labanan ang mga g*go sa harap ko.

Sinipa ko sa dibdib ang isang nagtangka na lumapit sa akin at sinapak naman ang isa pa.

Yumuko ako upang ilagan ang suntok ng dalawang tao sa gilid ko saka ako lumusot sa kanila at ilagang muli ang dalawang nag-aabang sa likod nila.

Hinarap ko ang apat at sinipa ang isa sa dibdib kaya natumba siya kasama ang tatlo pa.

Sinalag ko ang tangkang pagsipa ng isa gamit ang mga kamay ko saka ko siya sinapak at sinuntok sa tiyan saka ako umikot para sipain siya sa mukha.

Pinatid ko ang isa at sinuntok naman sa tiyan ang isa pa habang ako ay nakayuko.

Hinawakan ko ang isa sa ulo niya at saka siya binuhat patalikod at binalinag sa sahig.

Nagpatuloy ang laban at kalaunan ay nakabagsak na ang lahat sa sahig.

Naghabol ako ng hininga dahil sobra ang pagod ko sa sobrang dami nila.

Hindi ko alam kung natapos ko sila sa loob ng isang oras. Ang mahalaga ay natalo ko sila.

Ng harapin ko ang taong kaninang mayabang ay hinampas niya ako ng baseball bat sa mukha.

"G*go!" Dinig kong sigaw ni Jake saka sila sabay na sumugod ni Cass sa g*gong 'yon.

Dinaluhan naman ako nila Raia at inalalayan hanggang sa makasakay ako sa kotse ni Al.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Lexa.

"Ang sakit no'n g*go." Sabi ko saka hinimas ang pisngi ko na tinamaan.

Sa dami ng hahampasin mukha ko pa talaga, eh. G*gong 'yon. Kung may lakas pa ako ay baka naitumba ko pa siya.

Ang sakit, ah.

"Dapat kasi umalis nalang tayo, eh." Ani Raia.

"Hindi tayo makakaalis do'n dahil hindi tayo pararaanin ng mg 'yon. Baka nadamay pa kayo kapag nagkataon."

Hindi ko man sila kilala ay alam ko na 'yon ang gagawin nila dahil likas sa mga g*go na tulad nila ang gawin ang mga bagay na gano'n.

"You should let Jake and Cassandra help you." Sambit ni Al saka hinawakan ang mukha na tinamaan kaya naiiwas ko ito dahil masakit.

"Masakit." Sabi ko.

"I'm sorry."

"Are you okay, dear?" Nag-aalalang tanong ni Cass pagkarating nila saka tinignan ang mukha ko.

"Namumula." Sambit ni Jake. "Ang tigas kasi ng ulo, eh."

"Ako ang kailangan, Jake."

"Kahit na. Pwede ka naman naming tulungan. Pati ba namab do'n ay ayaw mong tulungan ka namin?"

"Kaya ko."

"Puro ka kaya mo. Tignan mo ang nangyari sa 'yo!"

"Okay, sorry."

Ayoko na na humaba pa ang usapan namin. Baka magkasagutan pa kami mahirap na. Ayoko na nag-aaway kami ni Jake dahil isa siya sa mga natatakbuhan ko at naaasahan ko kapag kailangan ko ng tulong.

Isa pa ay alam ko naman na mali ako. Gusto lang nila akong tulungan pero tumatanggi ako. Hindi naman kasi ako sanay na tumatanggap ng tulong mula sa ibang tao.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status