Share

Kabanata 063

Umorder muna ako ng maiinom habang naghihintay kay Kuya! panay ang patak ng luha sa mga mata mo. Parang sumisikip na ang dibdib ko , kada bukas na lang ng pintuan sa restaurant ay napapalingon ako. Inaabangan ko ang pagpasok ni Kuya Timothy. Sa sobrang pag-iyak ko pakiramdam ko kinakapos na ako ng hininga, nanlamig na ang buong katawan ko at hindi ko na maintindihan ang nararamdam ko. Tumatagaktak na rin ang malamig na pawis sa ulo ko, pakiramdam ko umiikot ang buong paligid ko mabuti na lang dumating na si Kuya kasama niya si Ate Emily bago pa ako tuluyang himatayin.

"Natalie!!!" tinatawag ni Kuya Timothy at Ate Emily ang pangalan ko ng paulit ulit.

Nakita ko na lang na kinapitan na ako ni Ate Emily bago pumikit ang mata ko! Nararamdaman kong pinipisil niya ang mga daliri ko at may pinapaamoy sa akin ang waitress sa restaurant na yun. Nahimasmasn naman ako kaagad bago pa dumating ang ambulansya na tinawag nila.

"Natalie ano bang ngyayari sayo?!" tanong sakin ni KUya

"kuya! huhuhu!
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status