Share

Kabanata 103

Niyaya na ako ni Sebastian sumakay sa kanyang sasakyan. Sumama naman ako sa kanya ng walang pag-aalinlangan dahil asawa ko naman ito at malaki ang pagkakasala ko sa kanya. Nang kami ay makasampa na sa kanyang Lexus Car ay hindi kami kaagad umalis. Ilang minuto muna kaming nagtitigan at nagkamustahan. Puno ng kaligayahan ang aming mga mata. Kapit din ni Sebastian ang aking kamay.

Nakaharap kaming nakaupo sa isa’t isa.

“Natalie, Hon hindi pa din ako makapaniwala hanggang ngayon na nandito ka na sa aking harapan, di ko inaasahan na dito pa tayo magkikita sa ganitong pagkakataon , pasensya na Hon, nalulungkot lang talaga ako kaya ako nandito ngayon. Simula ng nawala ka parang nawalan na din ng saysay ang buhay ko pero pangako hinding hindi ako tumingin sa iba kahit na wala ka sa aking tabi. Kung san san kita hinanap, madami ding tao ang aking binayaran para lang magkaroon ng lead sa kinaroroonan mo, kahit pa sa media ay humingi na din ako ng tulong, ultimo mga kaibigan ko ay kumilos din
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status