Share

Chapter 31

DALAWANG araw ang nakalipas noong magkita sina Zoe at Dylan. Alam ng binata na maling-mali ang ginawa niya sa dalaga kaya pinalipas niya muna ang dalawang araw bago nito naisipang puntahan ito sa kanilang bahay. Gusto niyang humingi ng sorry at ipaliwanag ang kaniyang sides. Balak niya ring itanong sa dalaga ang tungkol kay Dykeil.

Mabilis na nakarating ang binata sa bahay nina Zoe dahil wala namang traffic. Katulad ng nakasanayan niya ay dumiretso kaagad siya sa loob. Nadatnan niyang nakikipaglaro si Dykeil kay Alfred. Hindi niya mapigilang magalit at samaan ng tingin si Alfred. Siya dapat ang nasa posisyon 'yon.

"Tita Abby," tawag ni Dylan nang makasalubong ang ginang. May hawak itong tray na naglalaman ng tatlong baso na orange juice.

"Dylan, anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Abby sa binata. Nilapag nito ang hawak na tray malapit sa lamesa. Tinignan niya ang paligid bago niya hinila ang binata palabas ng bahay. "Sinong nakakita sa iyo?"

Napakunot noo naman si Dylan at nag
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status