Share

Chapter 19

Halos maihi sa takot si Senator Ortega nang magising na lang siyang may piring ang kanyang mga mata habang nakatali ang mga kamay at paa.

"Sino kayo? Pakawalan niyo ako dito! Mga walang hiya kayo! Kilala niyo ba ako, huh?!" pagpupumiglas at pilit hinihila nito ang mga kamay mula sa pagkakatali.

Wala itong narinig at tahimik lamang ang paligid. Hindi nito alam kung nasaan ito at kung sino ang gumawa nito rito. Ang huling naalala nito'y nasa pagtitipon ito sa kaarawan ng kaibigang Mayor ng Taguig nang biglang may dalawang lalakeng malalaki ang katawan ang biglang lumapit dito pagkalabas ng gusali at binusalan ang bibig nito't may pinaamoy na pampatulog.

"Pakawalan niyo ako dito!" buong lakas na sigaw nito.

Nakarinig ito ng tunog ng pagsadsad na para bang bumukas na metal, kasunod ay ang yabag ng mga paa papalapit sa puwesto nito.

"Remove his blindfold," utos ng isang mapanganib na boses.

Naramdaman nito na may lumapit sa puwesto at tinanggal ang telang nakatakip sa mata nito. Hindi masy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status