Share

Chapter 3: Saving Azalea

Inilipat nga ni Light ang kanyang fiancee pagkatapos ng pag- uusap nila ng Doctor nito. Mas lalo itong nagalit dahil sa sinabi ng Doctor na maaaring hindi na maka-survive ang kanyang Fiancee anumang oras. But he didn't believe it, may sarili siyang hospital na mas dalubhasa ang mga Doctor na naroon. At kung kinakailangan na ipagamot niya si Azalie sa ibang bansa ay kanyang gagawin. Ganoon niya kamahal si Azalie lahat ay gagawin niya magising lamang ito mula sa coma.

Habang si Shein ay medyo mabuti na ang pakiramdam nito. May mga pulis na ring nagpunta upang kausapin siya. Naibigay na rin niya ang kanyang statement ukol sa nangyaring aksidente. Kakatapos lang itong pakainin ni Aling Merced nang biglang bumukas ang pinto. Kapwa nagulat ang mag- ina sa biglang pagpasok ng isang lalaking naka- polo shirt ng puti at may kasamahan pa ito.

"Are you Shein Alcantara?" madiing tanong ng lalaki.

Napalunok si Shein, iba kasi ang dating ng lalaki sa kanya. Parang kakainin siyang buhay the way he looked at her. Marahang tumango si Shein at hinawakan nito ang kamay ni Aling Merced.

"Anong kailangan mo hijo?" tanong naman ng Ginang.

Naningkit ang mga mata ng lalaki na kay Shein pa rin nakatitig.

"Ako lang naman ang fiancee ng babaing nakabanggahan mo. At narito ako upang sabihing critical ang condition niya. Are you happy or mas gusto mong namatay na sana siya?" bitter ang boses ng lalaki.

"T- Teka, hindi ko kasalanan, siya ang umagaw ng linya ko alam niyang one lane lang ang tatahakin naming dalawa." Katwiran ni Shein.

"Kahit ano pang sabihin mo, it's your fault. Ni wala ka ngang lisensya at gamit mo pa ang sasakyan ng driving school. Kapag hindi siya maka-survive sa pagka-comatose niya, I will make sure na mabubulok ka sa bilangguan." Nagngangalaiting sabi ni Light.

"Teka, hindi kasalanan ng anak ko ang nangyari. Marami ang mga nakakita maski ang mga traffic enforcer, huwag mo namang takutin ang anak ko ng ganyan." Sabad ni Aling Merced.

Napangisi naman si Light.

"Makikita natin 'yan kapag nagkaharap na tayo sa korte, mark my word!" ani nito at tumalikod na palabas ng room.

"Aba't napakabastos naman ng batang ito!" galit na ring turan ni Aling Merced na susundan sana nito ang binata subalit maagap na pinigilan ito ni Shein.

"Hayaan niyo na po Mama, lalabas din ang katotohanan. Saka, kampante po ako kasi marami namang saksi sa nangyari." Sabi ni Shein.

Bumuntonhininga si Aling Merced.

"Mukhang mayaman ang nakabanggahan mo anak. Minsan, ang batas ay para lang sa mga mayayaman kawawa ang mahihirap. Kaya nilang baliktarin ang mga pangyayari, huwag mong kalimutan 'yan." Saad nito.

Natigilan si Shein at kinabahan, may punto ang kanyang Ina. May katotohanan ang sinabi nito kung kaya't nabahala rin ang dalaga at baka babaligtad ang mga saksi sa nangyari. Napausal na lamang ng dasal si Shein na sana ay hindi ganoon ang mangyayari kung saka-sakaling maghaharap nga sila ng lalaki sa korte.

Samantalang hingal na hingal si Light nang makalabas ito sa nasabing hospital. Hindi niya nailabas ang kanyang matinding galit sa babaeng nakabanggahan ni Azalie. Bukod sa bata pa ito, napakainosente ng kanyang mga mata. At ang Ina ng dalaga ay pamilyar sa kanya hindi nga lang niya alam kung saan niya ito nakita. At wala itong oras upang alalahanin kung kilala ba niya ang Ina ng dalaga. Ayaw naman niyang tawagin siyang walang respeto ss matatanda kahit papaano ay nanaig pa rin sa binata ang salitang respeto. Kung nagtaray sana ang babae ay papatulan niya talaga. Dahil hindi pa rin makapaniwala ang binata na si Azalea ang may kasalanan. Alam ng kanyang mahal ang rules and regulations patungkol sa pagmamaneho at sa isyu ng lane na dapat sundin.

"Gusto ko gawin niyong lahat para kay Azalea, may malaking pabuya ang siyang naghihintay sa inyo kapag nagising siya mula sa coma." Bilin ni Light sa mga Doctor ng kanyang hospital.

"Boss, sa mga ganitong case tanging ang Maykapal lang ang siyang makakapitan natin kami lang ang kanyang instrumento." Matapat na sagot ng Surgeon Doctor.

"I know. But I want you to do everything that possible for her to survive. Malapit na ang kasal namin, kailangan na siyang magising. Dahil hinding-hindi ko mapapatawad ang babaeng nakabanggahan ni Azalea kapag nagkataon." Madiing wika ng binata na nakakuyom pa ang mga kamao nito.

Bumuntonhininga ang Doctor at marahang tumango.

"At kapag hindi niyo kaya tell me right away upang mailipat ko siya agad sa abroad." Pahabol na sabi ni Light.

"Sige boss!" sagot ng Doctor at hinimok na nito ang mga kasamahan upang matingnan na si Azalea.

Napatingala naman si Light at napausal ng taimtim na dasal. Naniniwala naman siya sa bisa ng panalangin at mas lalong naniniwalang siya kay Azalea na kaya niyang lampasan ang sitwasyon nito ngayon. Knowing Azalea, matalino ito at matapang mga bagay na nagustuhan niya lalo na kung alam nitong nasa tama ito.

"Boss, andito na po si Daniel!" untag ni Gella kay Light kapagkuwan.

Lumingon naman si Light sa papalapit na si Daniel, ang kanyang private investigator.

"Tapos na ba?" agad na tanong ng binata.

"Oo, boss! Narito na ang mga kinalabasan ng sarili kong investigation, kayo na lamang po ang siyang bumasa sa report ko." Sagot ni Daniel.

"Daniel, tell me si Azalea ba ang may kasalanan?" Tahasang tanong ng binata.

Natigilan si Daniel nang bahagya saka nagbuga ito nang hangin.

"Base sa initial investigation ko, siya nga pero tinitingnan ko pa kung may role play. May nagsasabi kasing hindi lang nag- iisa si Azalea sa loob ng kotse nito subalit biglang nabago ang mga statement ng iba. Ang iba namang nagsabing kasalanan ni Azalea ay binawi din ang nauna nilang statement which nakaka- confused. Baka 'ika ko, may foul play," paliwanag ni Daniel.

"Wala ka bang makuhang cctv? Kasi noong nagtanong ako at nag- request, wala silang maibigay. Ang sabi nila sira ang mga cctv sa kalyeng iyon." Saad ni Light.

"Ayon pa ang isa boss, dahil ang sabi naman ng ilan naibigay na nila ang cctv footage which is sa mga pulis then when I went sa police station, ang sabi wala daw. Hindi pa palaisipan boss?" pahayag ni Daniel.

Tumango-tango naman si Light at napapaisip din ito.

"Hindi kaya kagagawan ng babaeng iyon ang lahat?" biglang tanong ni Light.

"Para namang malabo boss, sa katulad niyang naghahangad lang driver's license? Usually, ang nakakagawa nito ay mga katulad niyong mayayaman boss." Sagot ni Daniel.

"But why and how? And who is this people behind of all the changes regarding sa mga nangyari?" Naguguluhang tanong pa rin ni Light.

"Iyan ang hindi ko masasagot boss," turan ni Daniel.

Napakurap-kurap naman si Light. Andami pa sana nitong aasikasuhin, lalo pa't darating ang mga magulang ni Azalea from United States. Kargo niya si Azalea at hindi niya alam kung ano ang kanyang sasabihin sa mga magulang ng dalaga once na magkakaharap na sila one of these days.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
baka may Kasama talaga Ang fiancee ni Light at Yun Ang may gawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status