Share

Chapter 6: Nag-aapoy na damdamin

Nagulat si Aling Merced nang makilala ang bulto ng kanyang anak na naglalakad sa ulan. Basang- basa ito at tila wala sa sarili, kanina pa niya ito hinihintay. Katunayan nga ay kung ano- ano nang pumasok sa isipan ng Ginang na ikinababahala nito lalo nang sabihin ng kanilang kapit-bahay na sumakay ito sa isang magarang sasakyan. Kung kaya't panay ang dasal ng Ginang habang panay din ang kabog ng dibdib nito.

"Shein, anak?" untag ni Aling Merced sa dalaga niya nang makarating ito sa maliit nilang gate.

Nag-angat nang mukha si Shein, kahit naulanan ito ay kita pa ring umiiyak ang kanyang mga mata. Agad na sinalubong ni Aling Merced ang kanyang anak at mahigpit niya iyong niyakap. Napahagulhol naman si Shein, umiyak ito nang umiyak sa balikat ng kanyang Mama.

"Anong nangyari anak? Saan ka nagpunta ng ilang oras? Sabihin mo naman sa akin para matulungan kita," maalumanay na tanong ni Aling Merced nang kalmado na si Shein.

Nakapagpalit na din ito ng kanyang damit, nakahigop na din ang dalaga ng sabaw upang maibsan ang panginginig ng katawan niya. Tumingin si Shein sa kanyang Mama at paputol- putol niyang inilahad ang buong pangyayari. At sinabi din nito kung saan siya dinala ng mga tauhan ng masungit na bilyonaryo.

"Tama ang ginawa mo anak, basta nasa tama ka huwag mong hahayaang tapak- tapakan ka lang ng isang tao. Basta malinis ang konsensiya mo, ipaglaban mo ang iyong karapan!" turan ng Ginang pagkatapos marinig ang buong pangyayari.

"Ang inaalala ko lang Mama, baka balikan na naman ako ng masungit na lalaking iyon. Baka sa susunod, hindi na ako makabalik ng buhay dito sa bahay," nag- aalalang sagot ni Shein.

Kinabig ni Aling Merced ang kanyang anak at niyakap niya ito.

"Hindi ko hahayaang mangyari iyon anak, hayaan mo hihingi ako ng tulong sa Tito mo." Aniya.

"Hindi kaya nakakahiya Mama? Alam kong busy ang nobyo niyo, bka maistorbo lang natin siya!" tanggi ng dalaga.

Yes, may mayamang boyfriend ang Mama ni Shein hindi nga lang bulgar. Low key ang relationship ng dalawa, mangilan- ngilan lamang ang nakakaalam. Alam din nina Shein na may anak ang lalaki ngunit hindi pa nila ito na- meet in person kasi mga busy din ito sa negosyo niya. Katunayan nga ay ang nobyo ng Ina ni Shein ang tumulong sa iba pang bayarin ng mga ito sa hospital. Bihira lang nakikita ni Shein ang nobyo ng kanyang Mama dahil abala din siya sa paghanap ng kanyang trabaho lalo na sa mga part time na pinapapasukan nito. Saka ayaw niyang makagulo sa sweet moments ng kanyang Ina kasama amg boyfriend nito at tanggap ni Shein iyon kumbaga kung saan masaya ang kanyang Mama, susuportahan niya.

"Basta ako na lang ang bahala anak para sa kapakanan at kaligtasan mo. Alam ko namang hindi bawal ang humingi sa kanya ng tulong kahit paminsan- minsan lang." Giit ng Ginang.

"Pero ayoko pong abusuhin ang kabaitan niya Mama, nakakahiya." Tanggi pa din ng dalaga.

"Ako na lang kakausap sa kanga anak, ang gawin mo ngayon ay kalimutan ang mga nangyari kanina. Magdasal ka bago matulog, walang imposible sa kanya!" saad ni Aling Merced.

Masaya namang tumango si Shein, naiintindihan niya ang ibig sabihin ng kanyang Mama. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ng dalaga, kumalma na din ang kanyang emosyon pati na ang kanyang katawan.

"Sige anak, magpahinga ka na at magtatwagan pa kami ng Tito mo. Sakto magkikita kami bukas baka nga bisitahin ka niya eh!" Masayang turan ni Aling Merced.

Ngumiti naman si Shein.

"Ikaw na ang panalo Mama, ako zero ang lovelife tapos may dumating pang problema. Naku, baka magiging old maid na lang ako nito o kaya left over!" aniya.

Natawa naman si Aling Merced sa sinabi ng anak nito.

"Wala sa lahi natin iyan anak, siguro hindi pa panahon wala pa si Mr. Right na para sa'yo!" tugon nito.

"Siguro nga Mama, sana dumating na din si Mr. Right ko para naman may magtatanggol na sa akin." Pagsang- ayon ng dalaga.

"Huwag mong madaliin anak, sa tamang panahon darating din siya!" wika ng Ginang.

"Salamat Mama, sige po pasok na ako sa aking silid. Hinihila na po ako ng antok, gusto ko na pong ihiga ang pagal kong katawan." Pagpapaalam ni Shein sa kanyang Ina.

"Sige anak, may gamot sa drawer mo in case may maramdaman kang sakit. Sleep well, kalimutan mo na 'yong nangyari kanina sa'yo!" Bilin ni Aling Merced.

Tango na lamang ang naisagot ni Shein, gusto na talaga niyang mahigq. Tumama na siguro ang nainom niyang gamot kanina. Nag-alala kasi ang kanyang Mama na baka ubuhin at sisipunin siya kasi basang-basa siya ng ulan. Kung kaya't inunahan na ng Ginang at siya ay pinainom na ng gamot.

Pagkahiga ni Shein sa kanyang malambot na kama ay bumalik ang mga tagpo kanina sa burial hall. Alam niyang masakit mawalan ng minamahal sa buhay ngunit mas masakit ang mapagbintangan ka sa hindi mo naman ginawa. Pagkatapos ippapahiya ka sa harap ng maraming tao, kukutyain at bibilhin ang iyong dignidad. Napadasal si Shein na sana ay lumitaw na ang katotohanan nang sa gayon, tumigil na ang lalaking nasusuklam sa kanya. Para na ring parehas matahimik ang kani- kanilang mga buhay.

"Light, ipapa- siyam mo ba si Azalea?" untag ni Gella sa binatang nakaupo sa harapan ng ataul ng nobya.

"What's the rush, Gella?" sagot ni Light subalit ni hindi nito nilingon ang dalaga.

Napatikhim naman si Gella.

"It was your Dad who asked, pabalik na siya ng Pilipinas. Wala naman na daw yatang hihintayin pang mga bisita ni Azalea kaya dapat mailibing na siya. Sinabi rin niya na, kailangan nang mailibing si Azalea upang maibsan na ang kalungkutang iyong nadarama." Paliwanag nito.

"None of his business! Sinasabi niya lang iyon dahil may mistress siyang itinatago sa akin. If he's in my situation what would he do then?" mapait na wika ng binata.

Huminga nang malalim si Gella.

"Palagay ko kasi tama ang Dad mo, the more na nakikita mo si Azalea na nakahiga diyan sa loob ng kanyang ataul the more pain na nasa puso mo. Pagpahingain na natin siya Light, pagod na si Azalea kahit hindi man niya masabi." Patuloy na paliwanag ni Gella.

Marahas na napatayo si Light at hinarap si Gella.

"And who do you think you are Gella?! Who do you think you are, huh?! Do I need your pity for me? Hindi awa ang kailangan ko kung hindi karamay!" sigaw ni Light.

Shocked si Gella at ang iba pang naroon, pansamantala namang natulog ang mga magulang ni Azalea dahil puyat na puyat na silang lahat. Noon lang napansin ni Gella na nakainom na naman pala si Light, naiintindihan niya naman ito nagulat lang ang dalaga sa biglang pagsigaw ng binata.

"I need her by my side, do you understand? Hangga't hindi napaparusahan ang babaeng pumatay sa kanya hindi siya maililibing. Kailangan nariyan siya kapag naparusahan na ang babaeng iyon okay?" mariing sabi ni Light, mababa na ang boses nito.

Muli na namang naawa si Gella kay Light, he really loves Azalea. Subalit hindi na din tama ang ginagawa nito ngayon, although naiintindihan nilang nagluluksa ang kanyang puso.

"Pero, Light hindi naman na niya masasaksihan ang lahat kapag nangyari iyon kahit pa nakahiga siya diyan sa ataul niya. Gusto mo bang mabulok ang kanyang katawan diyan habang hinihintay mo na maparusahan si Miss Shein? Sa palagay mo ba masaya siya sa kabilang buhay?" saad ni Gella.

Hindi nakaimik si Light, napakurap-kurap ito at mabilis na tumalikod.

"Hindi ba mas magandang ilibing na natin siya saka mo harapin si Shein Alcantara?" muling sabi ni Gella.

"Don't say that name in front of me nor Azalea, Gella! Don't you ever say that name or utter that name, it's getting to my whole nerve, into my whole system!" galit na tugon ng binata.

Napapikit si Gella saka tumatango- tango, noon lang bumagsak ang mga luha nito.

"I love Azalea as my best friend you know that. I treasured all our memories together, ayokong hanggang sa huling sandali ay ma- stress ang katawang lupa niya. She'll be beautiful as ever kaya please, hanggang very fresh at beautiful pa ang katawan niya, let's buried her Light." Pakiusap nito.

Unti- unting tumingin si Light sa ataul ni Azalea. Marahan itong lumapit at pinakatitigan niya ang kanyang nobyang nakahiga sa loob ng ataul. Para lang itong natutulog ng mahimbing, hindi kumikilos at walang naririnig. Marahil kung buhay ito, sasawayin na naman siya ng dalaga lalo na kapag galit ang siya.

"I promise Azalea, justice will served to you! Habang buhay ako, sisingilin ko ng mahal ang may gawa sa'yo nito. I promise that my love, don't worry!" anas ni Light.

"Light, itulog mo kaya kahit saglit ako na muna ang bahala rito." Sabi ni Gella, straight kasing walang tulog ang binata sa tatlong gabing nakaburol si Azalea.

Tila nag-isip naman ang binata.

"Sige na, mamaya pa naman ang lapag ng private airplane ng Daddy mo eh! Para naman, medyo okay ka mamayang pagdating niya." Sabi pa din ni Gella.

Huminga nang malalim si Light, noon niya lang naramdaman ang pagod at pagkahilo. Napapikit ito saka muling nagmulat, straight siyang puyat plus straight din siyang lasing.

"Okay, sana makatulog ako!" pagsang-ayon nito maya- maya lamang.

"Huwag ka ng uminom ng alak please?" pakiusap ni Gella.

"Pipilitin ko, Gella! Ikaw na muna dito," mahinang sagot ng binata at naglakad na ito palayo.

Nakahinga naman ang iba pang naroon akala nila magwawala na naman si Light kagaya ng mga nagdaang gabi. May time pang nagpapaputok ito ng baril inaawat lamang siya nina Gella. Ramdam at kita mo talaga ang sakit na nararamdaman nito ngunit walang may gusto sa mga nangyari. Hindi pa alam ang buong katotohanan dahil andaming nagsulputang balita, haka- haka at kung ano- anong teorya. Malalaman din ang katotohanan, kaya nga pinapalibing na ni Gella si Azalea upang matutukan na ni Light ang mga pangyayari. Napausal ng dasal si Gella na sana lumitaw na ang buong katotohanan, tatanggapin niya kung ano man ang magiging resulta. Ang malaking problema na lang ngayon ay si Light, maniniwala kaya itong may kasalanan si Azalea sa aksidente at inosente si Shein Dixie Alcantara?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
may karugtong na pala matagal akong naghintay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status