Inip na nakapangalumbaba si Jaymee sa upuan niya sa dulong row. Nakatanaw siya sa labas ng bintana. Ang pwestong katabi ng bintana na nakaharap sa likod ng school ang napili niyang upuan. Dun kasi siya komportable. Feeling niya tahimik dun at malayo sa ingay. Back benchers is always the best. Pero hindi niya lang maiwasang mainip. Maga-alas-nuebe na ngunit wala pa rin ang adviser nila. Nakakaramdam na rin siya na parang naiihi sa tagal niya ng nakaupo. Akmang tatayo na siya nang biglang bumaling sa kanya ang lalakeng nakaupo sa harapan ng kanyang silya. Itinukod nito ang baba sa sandalan ng upuan. “Hi. Bago ka lang dito?” “Ah hindi. Dito na ‘ko mula elem eh,” sagot niya. She didn’t want to be rude kaya pinansin niya ito. Mukhang ito ang bagong transfer at ngayon niya lang ito nakita. “Ganun ba? I’m Blue, bagong transfer,” feeling niya gusto nitong makipag-close sa kanya. “Saan school mo dati?” “Country side.” “Ahh.” Tahimik na ulit, hanggang sa lum
CHAPTER TEN. "Samahan mo siya sa classroom niyo. He's a top notcher on his former school, you better treat him well, got it." "Yes sir." Kaagad sinunod ng class president ang utos ng Dean na samahan ang bagong transfer na lalake. Tahimik lang itong nakasunod sa likuran ng class president. Halatang tahimik lang ang transferee. He's neat and clean on his white polo uniform. Tahimik lang habang nakikinig ng music na nagmumula sa headset. "Classmates, let's welcome our new transferee," ani class pres nang marating nila ang classroom. Iba-iba ang mga reaksyon ng mga naroon. May mga ngumanga, nag-singhapan, nag-bulungan o nag-sikuhan. Gwapo kasi ang transferee. Dumagdag sa charisma nito ang flat na maliit na nunal sa may ilong at baba ng kaliwang labi. Kaya naman siguro marami ang kinilig na kababaihan nang makita ito. "Introduce yourself, mister," utos ng class pres. Tumahimik ang buong classroom at nag-hintay ng introduction. "Uh, I'm Mico," matip
CHAPTER ELEVEN‘Babae, natagpuang patay sa ilalim ng tulay. Ang pumukaw sa atensyon ng mga nakakita ay nawawala ang hintuturo nito’ “Hala maryosep!” ‘Ang nasabing dalaga ay estudyante umano ng St. Martha High School, base sa suot nitong uniform’ “Grabe, sunod-sunod na ang namamatay, iba’t ibang school na yan.” Walang humpay na bulungan ang makikita sa paligid. Takot na takot ang mga estudyante, lalo na ang mga babae. Pang-apat lima na ang St. Martha High School na may pinatay na babaeng estudyante. “Malaking problema ito. Anong gagawin natin? Napakaraming media sa labas ng school!” Nagpupulong-pulong ang mga officer ng school. Hindi nila lahat alam ang gagawin. Kalat na sa buong bayan ang pangyayari. Na-mention na rin ang pangalan ng school nila sa lahat ng balita. Hindi na ito maitatago pa sa media. “Nakarating na ito sa Chairman, on the way na siya,” mahinahong paliwanag ni Mr. Fernan, ang secretary ng Chairman. Hindi maitago ang kaba ng mga guro at off
Mabilis na tinago ni KC ang phone. Sinuksok niya yun sa bulsa ng slack niya. Bakit may ganung video ro'n? Hindi niya muna masyadong pinagtuunan yun ng pansin. Si Jaymee muna ang iisipin niya. Dahil pagtapos makita ng dalaga ang video ay natulala na ito. "Jaymee, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga. Dinampot niya ang ballpen na nabitawan nito. "A-ano yun? B-bakit may..p-pinatay ba yun-?" Mabilis na tinakpan ni KC ang bibig ni Jaymee. Baka may makarinig sa kanila. May kutob pa naman siyang may maling nangyayari sa school na ito. "Jaymee, 'wag kang aalis ng school, hanggat hindi ako dumarating, okay. Ako ang maghahatid sayo," hawak sa balikat na sabi niya kay Jaymee. Bumalik naman yata sa huwisyo si Jaymee at nag-sungit na ang dalaga. "Bakit naman? Kaya ko naman mag-commute? Besides, alam ko naman na ang bahay eh." "Tsk. Don't be so stubborn, young lady!" singhal niya sa dalaga na lalong kinasimangot nito. "Sinisigawan mo ba 'ko?" Napahugo
[JAYMEE POV] Tutubuan na lang ako ng kabute rito sa kinatatayuan ko, wala pa rin ni anino ni Mr. Constantine, or should I say, KC. Pagkatapos niyang mangako na ihahatid niya 'ko pauwi, ay paghihintayin niya lang pala ako sa ere! I hate that man! Kawawa na yung mga damong sinisipa-sipa ko, naiinip na kasi ako. Kalahating oras na 'ko rito. Tinatanong na nga ako ng gwardiya kung hindi pa raw ako uuwi. Paano naman akong uuwi, diba? Tsk. Maya-maya pa ay natanaw ko ang paglapit ni Mico sa direksyon ko. Oo, si Mico, palapit siya sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Malay mo, kausapin niya ako, be presentable naman kapag may gwapong lalakeng kumausap sayo. Pero nagkamali yata ako, at delulu lamang. Umupo lang naman siya sa kalapit na bench ng kinatatayuan ko. Gusto ko siyang ngitian pero hindi naman siya nakatingin. Hayaan mo nga siya. Ano siya gold? Isang kotse ang nagpabalik sa huwisyo ko. Tumigil ito sa harap ko at nagbaba ng bintana. Hindi pa 'atah nakuntento at m
[JAYMEE POV] Piga-piga ko ang bukong ko habang nakasalampak sa kalsada. Masakit. Hindi ako makatayo! Naramdaman kong may humawak sa brasok ko at voila! "Bitiwan mo 'ko! Mafia tatay ko!" sabi ko sa kung sino mang humawak sa akin. Hindi ko naman kasi tinitingnan at naka-focus ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hugot. "I know, at malalagot din ako sa tatay mong Mafia kapag may nangyaring masama sayo!" I was like 'Oh, si KC lang pala'. Tiningnan ko siya ng masama. Makuha siya sa tingin. Hindi naman ako matatapilok kung maliwanag pa ang daan. "I told you diba? 'Wag kang aalis ng school hangga't hindi ako dumadating!" singhal niya sakin habang tumatayo ako. Siya pa talaga yung may ganang magalit, eh siya 'tong ini-stand ako sa ere. Tss. Hindi na lang ako sumagot pa. Naiinis ako sa kanya. Binuhat niya ako at sinakay sa big bike. Napapangiwi pa rin talaga ako at masakit talaga ang paa ko. Akala ko ay aalis na kami pero hindi pa pala. Dahil nga kanang paa yung nada
[THIRD POV] Sa isang warehouse nagtitipon-tipon ang ilang mga Blackheart Mafia. Maraming wooden ban ang ibinaba sa isang malaking truck. Nakatayong pinapanood ni Jin ang ginagawa ng mga ito. "Jin, nawawalan tayo ng isang ban." Nagulat si Jin mula sa narinig kay Hector. "Ano? Binilang niyo ba ng maayos?" siya namang pagtakbo niya sa kinaroroonan ng mga wooden ban. Importante ang mga laman no'n. Isa-isang sinuri ni Jin ang lahat ng ban. Biniling niya pa yun. Kulang nga ng isa. Sumampa pa siya sa truck para magbaka-sakali kung naroon, pero wala. Hindi malaman ni Jin ang gagawin. Malalagot sila kay Don Jaime. Especially siya. Dahil siya ang nakatoka sa recieving. Hindi muna niya inisip ang nawawalang ban. Bagkus, inutusan niya ang dalawang staff na buksan ang mga yun. Tumambad sa kanila ang iba't ibang klase ng mga baril. Lumapad ang mga ngiti ng bawat taong naroroon. Tiba-tiba na naman sila sa armas ngayon. "Dalhin na yan basement," utos ni Jin. Ang warehouse na y
[THIRD POV] "OHH FIL! HARDER BABY! UGH!" ungol at sigaw ng babaeng kaniig ng kuya Fil niya. Maka-ilang beses nang kumakatok si Mico sa labas ng kwarto ng kapatid. Pero dahil siguro sarap na sarap ang mga walanghiya, eh, hindi siya naririnig ng mga ito. "Fil! Fuck! Huwag na sana kayong mag-hiwalay!" irita niyang sigaw sa labas. Pero balewala lang din naman ang sigaw niya dahil hindi siya nito narinig.•~~●●~~• "Babe, wanna do it again?" tanong ni Clara habang malanding nililingkis ang mga braso sa leeg ni Fil. Pilit naman niyang iniiwas rito ang sigarilyong sinindihan para hindi ito mapaso. Kakaiba naman itong si Clara. Kakatapos lang nila eh nanghihingi pa ng isa talaga. Ganoon na ba siya kasarap? "Next time, Babe. Aalis na rin ako," pagtanggi niya na kinasimangot ni Clara. "Hmp, ang kj!" singhal nito saka kumalas sa kanya. "May impormasyon pa naman akong sasabihin. Dagling napatingin si Fil kay Clara. Saka lang nito sasabihin ang nalalaman, kapag pina-isa niya p