“Because you’re a daughter of a Mafia Lord. You are the heiress of Blackheart Empire. Our duty is to protect you. That’s why you can never leave from our side.” …… Jaymee Santillo- Eighteen years old, maganda mala-british ang maamong mukha, mabait sa kabila ng pagiging short-tempered. Ang higit sa nakakabilib sa dalaga ay sanay ito sa hirap ng buhay. Mula nang mamatay ang kanyang ina, naging mag-isa na lang sa buhay si Jaymee. May kamag-anak man, ngunit sa hindi niya malaman na dahilan ayaw sa kanya ng mga ito. Ang akala ni Jaymee na panaginip lang ang lahat ng nangyayari ay hindi pala. Ay hindi na pala ito panaginip. Bangungot! Oo bangungot! Sino ba naman ang gugustuhin na maging instant Mafia Heiress? ABER?! And being a heiress na kailangang protektahan, hindi naging madali kay Jaymee ang lahat. Lalo na ang pagkakahulog ng damdamin niya sa masungit at gwapong protector and instructor niya. Si KC. Ang lalakeng magpapatibok ng kanyang puso. Malalabanan kaya ni Jaymee ang nararamdaman para sa lalakeng kapatid lamang ang turing sa kanya? Gusto niya lang naman maging masaya, ngunit paano niya naman gagawin yun kung masaya rin si KC sa iba? Lilisanin na lang ba niya ang Blackheart Empire para hindi na masaktan? O mananatili siya para sa kanyang kaligtasan?
View More[JAYMEE POV] "Ang Blackheart ay may pinakamalaking organisasyon na nakatayo dito sa Pilipinas. We are the top branch organization of Mafia which is we're under Blackheart main organization of Britain..." ang dami niyang sinasabi. Nanatili lang akong nakapangalumbaba habang nakikinig kay Elina. Pero aaminin ko, kahit wala akong ma-gets sa sinasabi niya, namamangha pa rin ako. "...La Costa Clothing, Sandrino's Royal Cuisine, Sandrino Grand Hotel, ilan lang yan sa mga front businesses ni Don Jaime..." Tumango-tango ako. Marami palang business ang tatay ko. Mayaman pala talaga siya. HABANG AKO MAHIRAP PA SA DAGA?! I kennat! "Young miss, are you listening?" "Ha ah oo," I shifted my seat when she wave her hands in front of my face. Wow, english! Basta marami pa siyang sinabi. Ang hindi ko lang maintindihan at ang gusto kong itanong sa kanya ay kung legal ba ang organisasyong ito. Pero saka na lang. Sa ngayon ay mag-aaral muna ako. Susunod muna ako sa daloy. Lalo na at may mga
[JAYMEE POV] Pagkatapos ng pag-uusap namin ni KC, dinala niya naman ako sa clubhouse ng mga Blackheart. Private field daw yun kung saan ini-ensayo ang mga Blackheart ng asassination. Kaliwa't kanan ang mga kwarto sa malapad na hallway na dinaraanan naming dalawa. Mangha-mangha naman ako sa nakikita ko. Pero mas lalo akong namangha nang bigla na lamang pumila sa gilid namin ang mga naroroon at bigla na lamang silang nagsipag-yukuan ng ulo. "Anong nangyayari?" pabulong kong tanong kay KC. "They're giving their respects to you." "Bakit?" "'Coz, you're the daughter of the Blackheart head," umiikot ang mga matang sagot ni KC sa tanong ko. 'Ang sungit talaga, wala siguro 'tong jowa' Daig pa lagi ang may regla eh. Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit niya baka mag-away lang kami. Ang ginawa ko, isa-isa kong nginitian ang mga taong sumalubong sa amin. Nagtaka yata sila sa inasal ko. Hindi yata nila inaasahan na ngingiti ako sa kanila. Maya-maya'y may lumapit na bab
[THIRD POV] "OHH FIL! HARDER BABY! UGH!" ungol at sigaw ng babaeng kaniig ng kuya Fil niya. Maka-ilang beses nang kumakatok si Mico sa labas ng kwarto ng kapatid. Pero dahil siguro sarap na sarap ang mga walanghiya, eh, hindi siya naririnig ng mga ito. "Fil! Fuck! Huwag na sana kayong mag-hiwalay!" irita niyang sigaw sa labas. Pero balewala lang din naman ang sigaw niya dahil hindi siya nito narinig.•~~●●~~• "Babe, wanna do it again?" tanong ni Clara habang malanding nililingkis ang mga braso sa leeg ni Fil. Pilit naman niyang iniiwas rito ang sigarilyong sinindihan para hindi ito mapaso. Kakaiba naman itong si Clara. Kakatapos lang nila eh nanghihingi pa ng isa talaga. Ganoon na ba siya kasarap? "Next time, Babe. Aalis na rin ako," pagtanggi niya na kinasimangot ni Clara. "Hmp, ang kj!" singhal nito saka kumalas sa kanya. "May impormasyon pa naman akong sasabihin. Dagling napatingin si Fil kay Clara. Saka lang nito sasabihin ang nalalaman, kapag pina-isa niya p
[THIRD POV] Sa isang warehouse nagtitipon-tipon ang ilang mga Blackheart Mafia. Maraming wooden ban ang ibinaba sa isang malaking truck. Nakatayong pinapanood ni Jin ang ginagawa ng mga ito. "Jin, nawawalan tayo ng isang ban." Nagulat si Jin mula sa narinig kay Hector. "Ano? Binilang niyo ba ng maayos?" siya namang pagtakbo niya sa kinaroroonan ng mga wooden ban. Importante ang mga laman no'n. Isa-isang sinuri ni Jin ang lahat ng ban. Biniling niya pa yun. Kulang nga ng isa. Sumampa pa siya sa truck para magbaka-sakali kung naroon, pero wala. Hindi malaman ni Jin ang gagawin. Malalagot sila kay Don Jaime. Especially siya. Dahil siya ang nakatoka sa recieving. Hindi muna niya inisip ang nawawalang ban. Bagkus, inutusan niya ang dalawang staff na buksan ang mga yun. Tumambad sa kanila ang iba't ibang klase ng mga baril. Lumapad ang mga ngiti ng bawat taong naroroon. Tiba-tiba na naman sila sa armas ngayon. "Dalhin na yan basement," utos ni Jin. Ang warehouse na y
[JAYMEE POV] Piga-piga ko ang bukong ko habang nakasalampak sa kalsada. Masakit. Hindi ako makatayo! Naramdaman kong may humawak sa brasok ko at voila! "Bitiwan mo 'ko! Mafia tatay ko!" sabi ko sa kung sino mang humawak sa akin. Hindi ko naman kasi tinitingnan at naka-focus ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Hugot. "I know, at malalagot din ako sa tatay mong Mafia kapag may nangyaring masama sayo!" I was like 'Oh, si KC lang pala'. Tiningnan ko siya ng masama. Makuha siya sa tingin. Hindi naman ako matatapilok kung maliwanag pa ang daan. "I told you diba? 'Wag kang aalis ng school hangga't hindi ako dumadating!" singhal niya sakin habang tumatayo ako. Siya pa talaga yung may ganang magalit, eh siya 'tong ini-stand ako sa ere. Tss. Hindi na lang ako sumagot pa. Naiinis ako sa kanya. Binuhat niya ako at sinakay sa big bike. Napapangiwi pa rin talaga ako at masakit talaga ang paa ko. Akala ko ay aalis na kami pero hindi pa pala. Dahil nga kanang paa yung nada
[JAYMEE POV] Tutubuan na lang ako ng kabute rito sa kinatatayuan ko, wala pa rin ni anino ni Mr. Constantine, or should I say, KC. Pagkatapos niyang mangako na ihahatid niya 'ko pauwi, ay paghihintayin niya lang pala ako sa ere! I hate that man! Kawawa na yung mga damong sinisipa-sipa ko, naiinip na kasi ako. Kalahating oras na 'ko rito. Tinatanong na nga ako ng gwardiya kung hindi pa raw ako uuwi. Paano naman akong uuwi, diba? Tsk. Maya-maya pa ay natanaw ko ang paglapit ni Mico sa direksyon ko. Oo, si Mico, palapit siya sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Malay mo, kausapin niya ako, be presentable naman kapag may gwapong lalakeng kumausap sayo. Pero nagkamali yata ako, at delulu lamang. Umupo lang naman siya sa kalapit na bench ng kinatatayuan ko. Gusto ko siyang ngitian pero hindi naman siya nakatingin. Hayaan mo nga siya. Ano siya gold? Isang kotse ang nagpabalik sa huwisyo ko. Tumigil ito sa harap ko at nagbaba ng bintana. Hindi pa 'atah nakuntento at m
Mabilis na tinago ni KC ang phone. Sinuksok niya yun sa bulsa ng slack niya. Bakit may ganung video ro'n? Hindi niya muna masyadong pinagtuunan yun ng pansin. Si Jaymee muna ang iisipin niya. Dahil pagtapos makita ng dalaga ang video ay natulala na ito. "Jaymee, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga. Dinampot niya ang ballpen na nabitawan nito. "A-ano yun? B-bakit may..p-pinatay ba yun-?" Mabilis na tinakpan ni KC ang bibig ni Jaymee. Baka may makarinig sa kanila. May kutob pa naman siyang may maling nangyayari sa school na ito. "Jaymee, 'wag kang aalis ng school, hanggat hindi ako dumarating, okay. Ako ang maghahatid sayo," hawak sa balikat na sabi niya kay Jaymee. Bumalik naman yata sa huwisyo si Jaymee at nag-sungit na ang dalaga. "Bakit naman? Kaya ko naman mag-commute? Besides, alam ko naman na ang bahay eh." "Tsk. Don't be so stubborn, young lady!" singhal niya sa dalaga na lalong kinasimangot nito. "Sinisigawan mo ba 'ko?" Napahugo
CHAPTER ELEVEN‘Babae, natagpuang patay sa ilalim ng tulay. Ang pumukaw sa atensyon ng mga nakakita ay nawawala ang hintuturo nito’ “Hala maryosep!” ‘Ang nasabing dalaga ay estudyante umano ng St. Martha High School, base sa suot nitong uniform’ “Grabe, sunod-sunod na ang namamatay, iba’t ibang school na yan.” Walang humpay na bulungan ang makikita sa paligid. Takot na takot ang mga estudyante, lalo na ang mga babae. Pang-apat lima na ang St. Martha High School na may pinatay na babaeng estudyante. “Malaking problema ito. Anong gagawin natin? Napakaraming media sa labas ng school!” Nagpupulong-pulong ang mga officer ng school. Hindi nila lahat alam ang gagawin. Kalat na sa buong bayan ang pangyayari. Na-mention na rin ang pangalan ng school nila sa lahat ng balita. Hindi na ito maitatago pa sa media. “Nakarating na ito sa Chairman, on the way na siya,” mahinahong paliwanag ni Mr. Fernan, ang secretary ng Chairman. Hindi maitago ang kaba ng mga guro at off
CHAPTER TEN. "Samahan mo siya sa classroom niyo. He's a top notcher on his former school, you better treat him well, got it." "Yes sir." Kaagad sinunod ng class president ang utos ng Dean na samahan ang bagong transfer na lalake. Tahimik lang itong nakasunod sa likuran ng class president. Halatang tahimik lang ang transferee. He's neat and clean on his white polo uniform. Tahimik lang habang nakikinig ng music na nagmumula sa headset. "Classmates, let's welcome our new transferee," ani class pres nang marating nila ang classroom. Iba-iba ang mga reaksyon ng mga naroon. May mga ngumanga, nag-singhapan, nag-bulungan o nag-sikuhan. Gwapo kasi ang transferee. Dumagdag sa charisma nito ang flat na maliit na nunal sa may ilong at baba ng kaliwang labi. Kaya naman siguro marami ang kinilig na kababaihan nang makita ito. "Introduce yourself, mister," utos ng class pres. Tumahimik ang buong classroom at nag-hintay ng introduction. "Uh, I'm Mico," matip
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.