Share

Chapter 0002.

CHAPTER TWO.

Pabagal na nang pabagal ang takbo ni Jaymee. Sinisigurado niyang malayo na ang narating niya. Nat-trauma pa siya sa nasaksihan niyang sagupaan kanina.

Buong buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganun. Sino ba kasi ang mga taong yun at anong kailangan ng mga ito sa kanya?

Ang iniisip niya ay makalayo sa lugar niya at mag-sumbong sa pulis. Ngunit mula sa ere, nakita niya ang paglapag ng dalawang lalake sa harapan niya.

Galing ba ang mga ito sa itaas? Tumingala pa siya. Nagtataasang bubong lang ang nakita niya.

“Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan,” wika nung isa sa kanya.

“Mas matatakot pa siya sa itsura mo, Jin.”

“Huh? Unlike naman sayo, no.”

“Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pera? Wala ako nun,” putol niya sa pag-uusap dalawa.

“Mukha bang kailangan namin ng pera? Miss Natasha, sumama ka na sa amin.”

“Hays, hindi nga ako si Natasha! Jaymee pangalan ko! J-A-Y-M double E! JAYMEE!” kanina pa siya tinatawag ng mga ito na Natasha. Nakukulitan na siya.

“Whatever! Let’s go!” hinatak siya ng isa saka parang papel na binuhat siya sa balikat nito.

“HOY ANO BA KASING KAILANGAN NIYO SAKIN?!” matinis niyang tili habang pinaghahampas niya ang likod nito ngunit parang walang epekto.

“KC okay ka lang?” tanong ng nakasunod na si Jin. “Sila Vince?”

“Malamang nasa kotse na ang mga yun..patulugin mo nga muna siya!”- KC.

“Oki doki!”

Namilog ang mata ni Jaymee. Bago nawalan ng malay, nakita niya pa ang pag-hawak ni Jin sa batok niya, ngunit hindi niya alam kung anong ginawa nito.

=====

“Huhuhu, totchie bakit ka naman namatay? Sino ang gumawa sayo nito? Huhuhu,” walang humpay ang iyak ng batang si Jaymee habang nakatingin sa bangkay ng alaga niyang aso. Mukhang nilason ito at tinapon sa park.

“Ganyan talaga ang buhay. May masasamang tao talaga kahit saan. Kaya ikaw palagi kang mag-iingat, okay.”

Napatingala si Jaymee sa nag-salita. Kanina, mag-isa lang siya sa park na yun. Ngayon ay may kasama na siyang binatilyo na nakaupo sa swing.

“Sino ka?”

“Guardian angel mo. O, kainin mo. Para mawala ang lungkot mo,” isang balot na gummy bear ang inabot nito sa kanya.

Umaliwalas naman ang mukha niya dahil dun.

=====

Present...

Napabalikwas ng bangon si Jaymee. Nahilot niya ang sentido ng kumirot yun. Palagi niya na lang napapanaginipan ang tagpong yun.

Pinilig-pilig niya ang ulo. Akala niya panaginip lang lahat ang nangyari kanina. Pero nagkakamali pala siya. Heto siya ngayon sa kwartong hindi siya pamilyar. Nilibot niya ang tingin sa kabuuan ng silid.

Napaka-aliwalas ng silid, mataas ang kisame at may isang malaking golden chandelier ang nakasabit roon. May malaki ring Smart TV sa harapan niya.

Kung pagmamasdan talaga ay parang frances style ang kwarto.

Kung kidnap ito, hindi ba dapat magigising siyang nakagapos? Bakit ngayon, para siyang nasa palasyo?

“Young Miss, gising na po pala kayo.”

“Ha?” hinanap ni Jaymee kung saan nanggaling ang boses ng babae. Agad naman niyang nakita na papalapit ito sa kanya at may dalang tray ng pagkain.

“Kumain na po kayo. Isang araw na kayong tulog,” kumurap-kurap pa si Jaymee habang nakatitig sa pagkaing hinain nito sa kanya. Hindi rin siya pamilyar sa pagkain na yun. “Ano pong nangyari?”

“Saka niyo na lang po alamin kapag nakakain na kayo,” sa halip ay sagot nito. “Ako si Madame Love, Madame ang tawag ng lahat sa akin dito dahil pinagsisilbihan ko ang Master.”

“Ha?” gulong-gulo si Jaymee. Hindi niya maintindihan kung anong sinasabi nito. Tulog pa ba siya? Nananaginip pa ba siya? Wala sa loob na nakurot niya ang sarili. “Aray!” nasaktan siya. Ibig sabihin ay gising talaga siya.

Bahagya namang natawa si Madame Love sa ginawa niya. “Kumain ka na, ipapahanda ko na lang ang panligo mo.”

Doon niya lang napansin na may telepono sa gilid ng kamang kinaroroonan niya. Panahon pa yata ng kupong-kupong ang telepono na yun.

“Ihanda niyo na ang panligo ng Young Miss. Gising na siya.”

Napapatanga na lang si Jaymee sa eksenang nangyayari. Ano ‘to? Nasa ibang dimensyon ba siya? Bakit bigla yata siyang naging prinsesa?

Mula sa pagiging isang kahig isang tuka, nakapulot siya ng gintong kutsara? Ganun?

“Hays, ano bang nangyayari? Nababaliw na ba ‘ko?” bulong niya sa sarili.

“Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, Young Miss. Heto ang green alarm. Isuot mo yan. Kapag pinindot mo yan, may darating na tagapagsilbi, okay?”

sabay abot sa kanya ng green alarm. Para iyong baller na isusuot lang sa kamay.

Tumango-tango na lang si Jaymee. Baka nga tulog pa siya at nananaginip pa.

Parang ayaw na niyang magising kung ganito ang buhay niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status