CHAPTER FIVE.
Makikita sa isang sulok ng kalsada ang isang itim na kotse na nakaparada. Sakto lang ang pagtatago nito sa madilim na lugar para lamang hindi makita kung sino man ang lalabas mula sa mansion. Mula doon ay nakatanaw ang apat na di-kilalang lalake. “Nakauwi na pala ang tagapagmana?” sambit ng lalakeng nakaupo sa driver’s seat habang humihithit ng sigarilyo. “Oo-” “Tapos, pinakawalan niyo pa?” ani pa nito. “Biglang dumating yung mga assasin eh. Napurnada ang plano,” depensa ng katabi nito. Ang lalakeng nasa driver’s seat ay walang iba kundi si Fil Andrada. Siya ang leader ng grupong G4, isa sa mga sanga ng Diamond Brotherhood. “Ano ng gagawin natin?” tanong ng katabi niyang si Luke. “Ano na lang ang sasabihin natin sa Boss?” “You better explain to him. A good explanation, Luke, kung gusto mo pang tumagal sa mundong ibabaw,” sinigurado ni Fil na matatakot ito sa sinabi niya. “By the way? Nasaan na si Mr. Park? Hindi ba at kasama niyo siya kanina?” “We don’t know. Wala na kaming naalala pa.” Napabuntong-hininga na lang si Fil. Siya na lang siguro ang gagawa ng unfinished mission ng mga kasamahan. Kung hindi, mayayari silang lahat sa Big Boss nila. ****** SA kabilang banda… “Sino ang nag-utos sa inyo na dukutin ang Young Miss?” Nakamasid lamang si KC sa partner niyang si Jin, habang pinapaamin ang matandang nakasagupa nila. Hindi naman pala ito matanda, may edad lang base sa panot na ulo nito at naka-salamin na pang-mata. Pinanonood lang ni KC si Jin sa mga ginagawa nito. Tinali pa nito ang lalakeng nagpa-kilalang Mr. Park. “Sabihin mo na!” malakas na utos ni Jin. Ngunit hindi man lang tumitinag ang matanda. Short-tempered si Jin, gusto niya na itong tapusin. “Relax, man. Kailangan pa natin siya,” lumapit na si KC kay Jin at baka anong oras ay martilyuhin ito ng kaibigan. Yumuko si KC sa harap ng lalake at hinawakan ang baba nito. Tinitigan niya ito gamit ang ‘cold-looking eye’ niya. “Sabihin mo sa Boss mo, nasa amin na ang Young Miss. Huwag na siyang mag-abala pang kunin siya. Mapapahamak lang kayong lahat,” ani KC. “Pakawalan mo siya, Jin.” “Tsk.” “Come on man!” pilit niya kay Jin. Mukhang ayaw pa nito ang ideya na pakakawalan niya ang lalake. “You better not regret this, KC.” Napailing na lang si KC at tumabi para pakawalan ni Jin ang lalake. Sa pagka-bigla nilang dalawa, biglang kumaripas ng takbo ang lalake nang makalagan ito ni Jin. “Malaki siguro ang binayad ng Diamond diyan para mag-lakas loob na dukutin si Natasha,” ani KC. Alam niya na kasi at malakas ang kutob niyang ang Diamond Brotherhood ang nasa likod ng pag-dukot sa heiress. “Jaymee,” pagtatama ni KC sa pangalan ng heiress. “Tch, whatever. Jaymee, Natasha, whoever she is, our duty is to protect her.” “So what now? Boy’s nights out?” Nagsalubong ang mga kilay ni KC sa sinabi ni Jin. Ngiting-ngiti ang loko. Pero wala siya sa mood sumama sa mga ito ngayon. “Kayo na lang muna. May gagawin ako eh, kakausapin daw ako ni Don Jaime.” “Ah ganun ba? Sige goodluck, kaya mo na yan, bro.” Napabuntong-hininga na lang si KC ng talikuran siya ni Jin. Matik na talaga kapag haharap sa Don, nababahag ang buntot ng kaibigan. ****** “WHAT? FOR REAL?” Hindi magkandatuto ang reaksyon ni KC sa sinabi ni Don Jaime. “You heard me, KC. Gusto kong ipagkatiwala sayo ang anak ko. Turuan mo siya kung paano maging isang Mafia Heir at walang kinakatakutan. I want you to be her guide. I want you to protect her even if it costs your life. Dapat palagi ka lang nasa tabi niya, no matter what happens.” Gustong tumanggi ni KC sa pakiusap ng Don. Pero sino ba siya para tumanggi? Malaki ang utang na loob niya dito dahil binihisan at binigyan siya nito ng masisilungan noong mga panahong lugmok na lugmok siya sa lupa matapos niyang maagang maulila sa mga magulang. Pero gusto niya pa rin mag-tanong kung bakit kailangan siya ang titingin sa tagapagmana. Malaking responsibilidad kasi yun sa Blackheart Empire. Hindi siya sigurado sa kapasidad niyang protektahan ang dalaga. “Bakit ako?” “Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko, KC. Para na kitang anak. Alam kong hindi mo pababayaan si Natasha-” “Jaymee, Master. Hindi niya nakasanayan ang Natasha’ng ngalan, kaya pagbigyan na natin siya,” putol niya dito. “Okay. Not a big deal.” Malalim ang isip ni KC nang lumabas siya sa opisina ni Don Jaime. Mula pa naman noon ay ginagabayan niya na ang anak nito. Pero ngayon, ay may isang banda sa sulok ng dibdib niya ang kinakabahan sa’twing maiisip niya ang magandang mukha ng dalaga. Hindi niya tuloy malaman kung paano sisimulan ang inutos ng Don. ‘Hays, you can do it, Kier Constantine San Fuego. Fight!’Chapter SIX. Tulala lang sa magarbong kwarto si Jaymee. Panay rin ang buntong-hininga niya habang iniisip kung paano nangyayari ang lahat ng ‘to. Nasa ganoon siyang kalagayan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang tumayo at binuksan ‘yon. “Young Miss, naghihintay na po ang Don. Sabay na daw po kayo mag-hapunan,” si Lotty yon, isa sa mga servants niya. “Ah eh, sige susunod po ako,” nauna ng tumalikod si Lotty nang maisipan niyang tawagin ito ulit. “Ahm, pwede po bang Jaymee na lang? Naiilang kasi sa tawag niyo sa akin.” “Ahm hindi pwede Young Miss. Mataas ang pag-galang namin sayo. Saka malalagot kami kay Don Jaime,” sagot nito sa pakiusap niya. “Ganun? Eh, gan’to na lang. Kapag tayo-tayo lang, Jaymee na lang ang itawag niyo sa akin, okay ba yun?” Saglit pang nag-isip si Lotty bago siya sang-ayunan. “Ah eh, s-sige po.” Napapangiti naman na sumunod na si Jaymee sa servants. Isang mahabang crystal table ang nasa bulwagan. Punong-puno ng iba’t ibang
Chapter SEVEN. Kung nganga ang pag-uusapan, wagi na si Jaymee. Nakanganga kasi talaga siya habang pinapanood ang mga katulong sa pagpapasok ng naglalakihang mga paper bags sa kwarto niya. Agad niyang tinanong si Madame Love na namumuno sa ginagawa ng mga ito. “Madame Love, ano po ang mga yan?” “Your dresses and your cosmetics, Young Miss,” sagot nito na kinamangha niya. Cosmetics? Dresses? Ang ibig sabihin, dito na talaga siya titira sa mansyong ito?! “Madame Love, may mga gamit naman ako sa bahay, kukunin ko na lang po–” “Wala ka ng babalikan sa bahay mo, Jaymee. Ang lahat ng naroon ay na-disposed na,” napatingin siya sa pintuan. Naroon si KC at nakasandal habang nakahalukipkip na pinapanood din ang kaganapan. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. Pati na rin sila Madame Love ay napatingin sa lalake. “Wala ng bakas mo ang makikita sa apartment. Huwag kang mag-alala, kinuha namin ang mga bagay na magagamit pa,” anito. Lumuwag ang dib
Pagod na sa kakalakad si Jaymee sa labas ng mansyon. Pero wari niya ay hindi niya marating ang gate. Napapakamot sa ulong napatingin siya sa orasan niyang pam-bisig. 7:30 na ng umaga, kapag umabot pa siya ng alas-otso dito ay malamang male-late na siya. Inis niyang inayos ang pagkaka-sukbit ng backpack niya sa balikat. Bakit kasi ang layo-layo ng gate? Napaka-haba pa nitong espaltadong pathway na nilalakaran niya. First day of school at ayaw niyang ma-late. May mga golf cart na dumaraan, paminsan-minsan. Tinatanguan pa nga siya ng mga ito. Siguro bisita ng Don, pero hindi naman niya pinapansin. Kunot na kunot na ang noo niya dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha niya. Hindi pa naman ganoong ka-tanghali pero sa panahon ngayon ay masakit na talaga sa balat ang sinag ng araw, literal. Bubulong-bulong pa siya sa inis nang biglang may tumigil na big bike sa harapan niya, kaya naman bigla rin siyang napa-hinto sa pag-lakad. Ducati o BMW? Ah basta, big bike yun!
Inip na nakapangalumbaba si Jaymee sa upuan niya sa dulong row. Nakatanaw siya sa labas ng bintana. Ang pwestong katabi ng bintana na nakaharap sa likod ng school ang napili niyang upuan. Dun kasi siya komportable. Feeling niya tahimik dun at malayo sa ingay. Back benchers is always the best. Pero hindi niya lang maiwasang mainip. Maga-alas-nuebe na ngunit wala pa rin ang adviser nila. Nakakaramdam na rin siya na parang naiihi sa tagal niya ng nakaupo. Akmang tatayo na siya nang biglang bumaling sa kanya ang lalakeng nakaupo sa harapan ng kanyang silya. Itinukod nito ang baba sa sandalan ng upuan. “Hi. Bago ka lang dito?” “Ah hindi. Dito na ‘ko mula elem eh,” sagot niya. She didn’t want to be rude kaya pinansin niya ito. Mukhang ito ang bagong transfer at ngayon niya lang ito nakita. “Ganun ba? I’m Blue, bagong transfer,” feeling niya gusto nitong makipag-close sa kanya. “Saan school mo dati?” “Country side.” “Ahh.” Tahimik na ulit, hanggang sa lum
CHAPTER TEN. "Samahan mo siya sa classroom niyo. He's a top notcher on his former school, you better treat him well, got it." "Yes sir." Kaagad sinunod ng class president ang utos ng Dean na samahan ang bagong transfer na lalake. Tahimik lang itong nakasunod sa likuran ng class president. Halatang tahimik lang ang transferee. He's neat and clean on his white polo uniform. Tahimik lang habang nakikinig ng music na nagmumula sa headset. "Classmates, let's welcome our new transferee," ani class pres nang marating nila ang classroom. Iba-iba ang mga reaksyon ng mga naroon. May mga ngumanga, nag-singhapan, nag-bulungan o nag-sikuhan. Gwapo kasi ang transferee. Dumagdag sa charisma nito ang flat na maliit na nunal sa may ilong at baba ng kaliwang labi. Kaya naman siguro marami ang kinilig na kababaihan nang makita ito. "Introduce yourself, mister," utos ng class pres. Tumahimik ang buong classroom at nag-hintay ng introduction. "Uh, I'm Mico," matip
CHAPTER ELEVEN‘Babae, natagpuang patay sa ilalim ng tulay. Ang pumukaw sa atensyon ng mga nakakita ay nawawala ang hintuturo nito’ “Hala maryosep!” ‘Ang nasabing dalaga ay estudyante umano ng St. Martha High School, base sa suot nitong uniform’ “Grabe, sunod-sunod na ang namamatay, iba’t ibang school na yan.” Walang humpay na bulungan ang makikita sa paligid. Takot na takot ang mga estudyante, lalo na ang mga babae. Pang-apat lima na ang St. Martha High School na may pinatay na babaeng estudyante. “Malaking problema ito. Anong gagawin natin? Napakaraming media sa labas ng school!” Nagpupulong-pulong ang mga officer ng school. Hindi nila lahat alam ang gagawin. Kalat na sa buong bayan ang pangyayari. Na-mention na rin ang pangalan ng school nila sa lahat ng balita. Hindi na ito maitatago pa sa media. “Nakarating na ito sa Chairman, on the way na siya,” mahinahong paliwanag ni Mr. Fernan, ang secretary ng Chairman. Hindi maitago ang kaba ng mga guro at off
Mabilis na tinago ni KC ang phone. Sinuksok niya yun sa bulsa ng slack niya. Bakit may ganung video ro'n? Hindi niya muna masyadong pinagtuunan yun ng pansin. Si Jaymee muna ang iisipin niya. Dahil pagtapos makita ng dalaga ang video ay natulala na ito. "Jaymee, are you okay?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga. Dinampot niya ang ballpen na nabitawan nito. "A-ano yun? B-bakit may..p-pinatay ba yun-?" Mabilis na tinakpan ni KC ang bibig ni Jaymee. Baka may makarinig sa kanila. May kutob pa naman siyang may maling nangyayari sa school na ito. "Jaymee, 'wag kang aalis ng school, hanggat hindi ako dumarating, okay. Ako ang maghahatid sayo," hawak sa balikat na sabi niya kay Jaymee. Bumalik naman yata sa huwisyo si Jaymee at nag-sungit na ang dalaga. "Bakit naman? Kaya ko naman mag-commute? Besides, alam ko naman na ang bahay eh." "Tsk. Don't be so stubborn, young lady!" singhal niya sa dalaga na lalong kinasimangot nito. "Sinisigawan mo ba 'ko?" Napahugo
[JAYMEE POV] Tutubuan na lang ako ng kabute rito sa kinatatayuan ko, wala pa rin ni anino ni Mr. Constantine, or should I say, KC. Pagkatapos niyang mangako na ihahatid niya 'ko pauwi, ay paghihintayin niya lang pala ako sa ere! I hate that man! Kawawa na yung mga damong sinisipa-sipa ko, naiinip na kasi ako. Kalahating oras na 'ko rito. Tinatanong na nga ako ng gwardiya kung hindi pa raw ako uuwi. Paano naman akong uuwi, diba? Tsk. Maya-maya pa ay natanaw ko ang paglapit ni Mico sa direksyon ko. Oo, si Mico, palapit siya sakin. Inayos ko ang pagkakaupo ko. Malay mo, kausapin niya ako, be presentable naman kapag may gwapong lalakeng kumausap sayo. Pero nagkamali yata ako, at delulu lamang. Umupo lang naman siya sa kalapit na bench ng kinatatayuan ko. Gusto ko siyang ngitian pero hindi naman siya nakatingin. Hayaan mo nga siya. Ano siya gold? Isang kotse ang nagpabalik sa huwisyo ko. Tumigil ito sa harap ko at nagbaba ng bintana. Hindi pa 'atah nakuntento at m