Share

Chapter 0006.

Chapter SIX.

Tulala lang sa magarbong kwarto si Jaymee. Panay rin ang buntong-hininga niya habang iniisip kung paano nangyayari ang lahat ng ‘to.

Nasa ganoon siyang kalagayan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang tumayo at binuksan ‘yon.

“Young Miss, naghihintay na po ang Don. Sabay na daw po kayo mag-hapunan,” si Lotty yon, isa sa mga servants niya.

“Ah eh, sige susunod po ako,” nauna ng tumalikod si Lotty nang maisipan niyang tawagin ito ulit. “Ahm, pwede po bang Jaymee na lang? Naiilang kasi sa tawag niyo sa akin.”

“Ahm hindi pwede Young Miss. Mataas ang pag-galang namin sayo. Saka malalagot kami kay Don Jaime,” sagot nito sa pakiusap niya.

“Ganun? Eh, gan’to na lang. Kapag tayo-tayo lang, Jaymee na lang ang itawag niyo sa akin, okay ba yun?”

Saglit pang nag-isip si Lotty bago siya sang-ayunan. “Ah eh, s-sige po.”

Napapangiti naman na sumunod na si Jaymee sa servants. Isang mahabang crystal table ang nasa bulwagan. Punong-puno ng iba’t ibang pagkain ang table runner. Hindi na nga siya pamilyar sa mga pagkain na nakikita niya.

“M-magandang gabi po, Don Jaime,” hindi maiwasang mag-alangan si Jaymee sa pagharap sa matanda na nasa center seat. Walang iba kundi si Don Jaime. Makikita mo sa matanda ang perfect table’s etiquette.

“Hija, Nat- Jaymee, anak. Umupo ka dito sa tabi ko,” turo nito sa kanang bahagi nito.

Agad namang umupo si Jaymee roon na bakas sa mukha ang pag-aalinlangan. “Salamat po.”

“Pwede bang Daddy na lang ang itawag mo sa akin?”

Napalunok ng laway si Jaymee sa sinabi ni Don Jaime. Hindi niya yun inaasahan kaya naman muli itong nag-salita.

“Hindi ka pa rin ba naniniwalang ako ang tatay mo, Jaymee?” kitang-kita sa mukha nito ang biglaang pagka-lungkot.

“Ah eh, hindi ko naman po nakita ang tatay ko, kaya pasensya na po kayo kung hindi pa ako makapaniwalang may tatay pa pala ako,” mahinahon niyang pagpapaliwanag. Dalangin niya na lang na sana’y maintindihan siya nito.

“Pasasaan ba’t masasanay ka rin sa akin, anak,” ani Don Jaime.

“Sana nga po,” tumango-tango siya. “Pwede po bang Don Jaime muna ang itawag ko sa inyo?”

“Kung r’yan ka kumportable,” sang-ayon nito kahit halatang dismayado.

Nagsimula silang kumain. Pero dahil sa hindi naman siya marunong ng pagkain ng mayaman hindi niya alam ang gagawin at kutsarang dadamputin.

Napansin yata yun ni Don Jaime. “Jaymee, hindi mo kailangan makipagsabayan. Kung saan ka komportable, yun ang gawin mo.”

Hilaw siyang ngumiti. Siya ba? Siya ba ang tagapagmana daw ng Blackheart Empire? Hindi niya nga alam ang pinag-kaiba ng steak fork at steak knife!

‘Hays, walanjang buhay to, oo!’

—-----

Naisipang halungkatin ni Jaymee ang body bag na dala-dala niya. Nawala na nga yun sa isip niya kung hindi niya lang naalala ang cellphone niya.

Nang makita ang cellphone, agad niyang hinahanap ang number ng bestfriend niyang si Mitch.

‘Babaita’ sabay send ng message dito.

Wala pang isang minuto, nakatanggap na siya ng reply.

‘O, akala ko hindi ka na nag-tetext. Nasaan ka ba? Wala ka sa apartment mo’

‘E, mahabang kwento, Mitch. Kapag kinuwento ko sayo baka hindi ka maniwala e’

‘Bakit naman?’

‘Sasabihin ko na lang sayo sa school’

Biglang natigilan si Jaymee nang mai-send niya ang text. Paano nga pala ang pag-aaral niya?

Grade twelve na siya sa isang public high school. Hindi naman niya pwedeng itigil ang pag-aaral niya dahil lang sa mga nangyayari.

‘Hoy hindi ka na nag-reply’

Nakadalawang message na pala si Mitch ng hindi niya namamalayan.

‘Ah basta, magkita na lang tayo sa school’

Yun lang at in-off niya na ulit ang cellphone.

~

Sa kabilang linya naman, nakakunot ang noo ni Mitch. Hindi niya alam kung nasaang lupalop si Jaymee. Kapatid na ang turingan nila kaya nag-aalala talaga siya kung nasaan ang kaibigan.

*****

“Parang awa niyo na, Don Jaime. Naisipan ko lang yun dahil sa gipit ako. Kailangan ng pera ng pamilya ko para sa gamot ng nanay ko.”

Nakade-kwatrong pinanonood lamang ni Don Jaime ang pagmamakaawa ng isa niyang tauhan. Pagkatapos nitong maging spy ng kalaban niyang Gang, ay may lakas-loob pa itong makiusap. Ang ayaw niya sa lahat ay yung tina-traydor siya.

“KC, ikaw na ang bahala sa kanya. Alam mo na ang gagawin,” sabay tayo ni Don Jaime at makahulugang tinitigan si KC.

Kinabahan naman ang lalake, mukhang sa ginawang pagmamakaawa ay hindi nadala ang Don.

Paglabas ng Don sa Guest House ay agad na lumuhod ang lalake kay KC.

“KC, magkaibigan tayo. Alam mong may sakit ang nanay ko, kailangan ko ng pera,” umiiyak na itong nagmamakaawa kay KC.

Tinayo naman ito ni KC. Nakakaramdam naman siya ng awa, pero tinraydor silang lahat nito.

“Pasensya ka na Rolly, alam mo ang patakaran ng Blackheart Empire. Bakit ka naging Spy ng Diamond? Nagkulang ba kami sayo?” halos sampung taon na kasi itong nasa organisasyon nila, nagawa pang mag-traydor.

“KC parang awa-”

Hindi na ito nakatapos pang mag-salita. Isang umaalingawngaw na putok ng baril ang narinig sa buong guest house.

Mulat ang matang bumagsak sa sahig ang wala ng buhay na si Rolly.

Pikit-matang binaba ni KC ang baril na hawak at inis na lumingon mula sa likuran.

“Jin, bakit mo naman agad siya binaril?” inis na singhal niya sa kaibigan. Hindi niya namalayan ang pag-dating nito at ito mismo ang bumaril kay Rolly.

Nakangisi pa itong sumagot sa kanya. “KC, dun din naman yun papunta. Inunahan na kita,” sabay ihip ni Jin sa nguso ng mainit-init pang baril.

Napapa-iling na lang si KC. Kakausapin niya pa sana si Rolly, pero paano niya pa gagawin yun kung wala na itong buhay?

Sinundan niya ng tingin si Jin nang lumabas ito ng guest house. Si Jin ang pinaka-maawain noon, pero ito na yata ang pinaka-marahas ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status