[THIRD POV] Sa isang warehouse nagtitipon-tipon ang ilang mga Blackheart Mafia. Maraming wooden ban ang ibinaba sa isang malaking truck. Nakatayong pinapanood ni Jin ang ginagawa ng mga ito. "Jin, nawawalan tayo ng isang ban." Nagulat si Jin mula sa narinig kay Hector. "Ano? Binilang niyo ba ng maayos?" siya namang pagtakbo niya sa kinaroroonan ng mga wooden ban. Importante ang mga laman no'n. Isa-isang sinuri ni Jin ang lahat ng ban. Biniling niya pa yun. Kulang nga ng isa. Sumampa pa siya sa truck para magbaka-sakali kung naroon, pero wala. Hindi malaman ni Jin ang gagawin. Malalagot sila kay Don Jaime. Especially siya. Dahil siya ang nakatoka sa recieving. Hindi muna niya inisip ang nawawalang ban. Bagkus, inutusan niya ang dalawang staff na buksan ang mga yun. Tumambad sa kanila ang iba't ibang klase ng mga baril. Lumapad ang mga ngiti ng bawat taong naroroon. Tiba-tiba na naman sila sa armas ngayon. "Dalhin na yan basement," utos ni Jin. Ang warehouse na y
[THIRD POV] "OHH FIL! HARDER BABY! UGH!" ungol at sigaw ng babaeng kaniig ng kuya Fil niya. Maka-ilang beses nang kumakatok si Mico sa labas ng kwarto ng kapatid. Pero dahil siguro sarap na sarap ang mga walanghiya, eh, hindi siya naririnig ng mga ito. "Fil! Fuck! Huwag na sana kayong mag-hiwalay!" irita niyang sigaw sa labas. Pero balewala lang din naman ang sigaw niya dahil hindi siya nito narinig.•~~●●~~• "Babe, wanna do it again?" tanong ni Clara habang malanding nililingkis ang mga braso sa leeg ni Fil. Pilit naman niyang iniiwas rito ang sigarilyong sinindihan para hindi ito mapaso. Kakaiba naman itong si Clara. Kakatapos lang nila eh nanghihingi pa ng isa talaga. Ganoon na ba siya kasarap? "Next time, Babe. Aalis na rin ako," pagtanggi niya na kinasimangot ni Clara. "Hmp, ang kj!" singhal nito saka kumalas sa kanya. "May impormasyon pa naman akong sasabihin. Dagling napatingin si Fil kay Clara. Saka lang nito sasabihin ang nalalaman, kapag pina-isa niya p
[JAYMEE POV] Pagkatapos ng pag-uusap namin ni KC, dinala niya naman ako sa clubhouse ng mga Blackheart. Private field daw yun kung saan ini-ensayo ang mga Blackheart ng asassination. Kaliwa't kanan ang mga kwarto sa malapad na hallway na dinaraanan naming dalawa. Mangha-mangha naman ako sa nakikita ko. Pero mas lalo akong namangha nang bigla na lamang pumila sa gilid namin ang mga naroroon at bigla na lamang silang nagsipag-yukuan ng ulo. "Anong nangyayari?" pabulong kong tanong kay KC. "They're giving their respects to you." "Bakit?" "'Coz, you're the daughter of the Blackheart head," umiikot ang mga matang sagot ni KC sa tanong ko. 'Ang sungit talaga, wala siguro 'tong jowa' Daig pa lagi ang may regla eh. Hindi ko na lang pinansin ang pagsusungit niya baka mag-away lang kami. Ang ginawa ko, isa-isa kong nginitian ang mga taong sumalubong sa amin. Nagtaka yata sila sa inasal ko. Hindi yata nila inaasahan na ngingiti ako sa kanila. Maya-maya'y may lumapit na bab
[JAYMEE POV] "Ang Blackheart ay may pinakamalaking organisasyon na nakatayo dito sa Pilipinas. We are the top branch organization of Mafia which is we're under Blackheart main organization of Britain..." ang dami niyang sinasabi. Nanatili lang akong nakapangalumbaba habang nakikinig kay Elina. Pero aaminin ko, kahit wala akong ma-gets sa sinasabi niya, namamangha pa rin ako. "...La Costa Clothing, Sandrino's Royal Cuisine, Sandrino Grand Hotel, ilan lang yan sa mga front businesses ni Don Jaime..." Tumango-tango ako. Marami palang business ang tatay ko. Mayaman pala talaga siya. HABANG AKO MAHIRAP PA SA DAGA?! I kennat! "Young miss, are you listening?" "Ha ah oo," I shifted my seat when she wave her hands in front of my face. Wow, english! Basta marami pa siyang sinabi. Ang hindi ko lang maintindihan at ang gusto kong itanong sa kanya ay kung legal ba ang organisasyong ito. Pero saka na lang. Sa ngayon ay mag-aaral muna ako. Susunod muna ako sa daloy. Lalo na at may mga
Inis na binagsak ko ang katawan ko sa malapad na kama ko. Para akong tangang nag-titili sa inis habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Nakakainis kasi eh, bakit kailangan pa akong pabantayan sa school? Ano 'ko preso? Hindi naman ako tatakas ah! Knock! Knock! Napatingin ako sa pintuan nang may marinig na kumatok at nag-sabi pa ng 'knock knock'. Boses yun ni KC, kaya agad akong bumalikwas ng bangon at inayos ko ang sarili. "W-wait lang," ani ko habang mabilis na tumakbo palapit sa salamin at sinipat-sipat ang mukha ko. Hindi pwedeng hindi ako maganda. Kailangan kong mag-liptint, ang putla ng labi ko. Wait, suklay. Hay's nasaan na ba kasi yung suklay. Ngarag na ang kilos ko at natutumba ang bawat bagay na masagi ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Parang gusto ko na lang mag-ayos at maging maganda bago humarap kay KC. Nababaliw ka na Jaymee! "Jaymee?" "Sandali lang!" bakit kasi siya nagmamadali? Hindi pa nga ako tapos manuklay eh! Ang guni
CHAPTER 0NE. “Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Walang Natasha Sandrino dito. Ako lang ang solong nakatira sa apartment na ‘to,” mahabang paliwanag ni Jaymee sa mga lakakeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang apartment. “Sumama ka sa amin, hinihintay ka na ni Don Jaime. Siya na ang bahalang mag-paliwanag sayo,” anito na para bang hindi narinig ang sinabi niya. “At bakit naman ako sasama sa inyo?” humalukipkip siya. Bakit naman siya sasama sa mga taong hindi niya naman kilala? Saka kanina pa siya nito sinasabihan na isa siyang tagapagmana ng isang malaking organisasyon. Hello? Renta nga nitong apartment hindi siya makapag-bayad buwan-buwan eh. Tanging part-time job lang din ang bumubuhay sa kanya at nagtutustos ng pag-aaral niya ng Senior High. Panty nga hindi siya makabili-bili eh. Paano siyang magiging tagapag-mana? Ang isang ulilang Jaymee Santillo ay mahirap pa sa daga. Kaya sa mga naisip, humagalpak ng tawa si Jaymee. “Walang Natasha Sandrino dit
CHAPTER TWO. Pabagal na nang pabagal ang takbo ni Jaymee. Sinisigurado niyang malayo na ang narating niya. Nat-trauma pa siya sa nasaksihan niyang sagupaan kanina. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganun. Sino ba kasi ang mga taong yun at anong kailangan ng mga ito sa kanya? Ang iniisip niya ay makalayo sa lugar niya at mag-sumbong sa pulis. Ngunit mula sa ere, nakita niya ang paglapag ng dalawang lalake sa harapan niya. Galing ba ang mga ito sa itaas? Tumingala pa siya. Nagtataasang bubong lang ang nakita niya. “Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan,” wika nung isa sa kanya. “Mas matatakot pa siya sa itsura mo, Jin.” “Huh? Unlike naman sayo, no.” “Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pera? Wala ako nun,” putol niya sa pag-uusap dalawa. “Mukha bang kailangan namin ng pera? Miss Natasha, sumama ka na sa amin.” “Hays, hindi nga ako si Natasha! Jaymee pangalan ko! J-A-Y-M double E! JAYMEE!” kanina pa siya tinatawag ng mga ito na Natasha.
CHAPTER THREE. *Smoke from pipe* Isang matandang lalake ang nakatalikod at nakaharap sa bintana habang hinihipak ang isang mahabang pipa. Base sa suot nitong flopped hat at all white american suit, hindi pa rin mapagkakamalan na nasa singkwenta y sinco anyos na ang matanda. Kumikinang din ang singsing nitong may black heart-shaped na bato na nakasuot sa hintuturo nito. Isang lalake ang lumapit sa matanda kapagkuwa’y yumuko at nilagay ang kanang kamay sa dibdib tanda ng mataas na pag-galang dito. “Master-” “Oh, KC. Gising na ba si Natasha?” kahit na matanda na, baritono pa rin ang boses nito. “Yes, Master.” “Nasaan na siya?” sa mga pagkakataong iyon ay humarap na kay KC ang matanda. Sa kabila ng edad nito ay wala man lang itong wrinkles sa mukha. “Nasa kwarto niya po, nagpapahinga. Wala pa siyang alam sa nangyayari.” “Ganun ba? Iharap mo kaagad siya sakin kapag okay na siya.” “Yes, Master,” pagkasabi nun, mabilis na ring tumalikod si KC para iwan ang