Share

Chapter 0003.

CHAPTER THREE.

 *Smoke from pipe*

 Isang matandang lalake ang nakatalikod at nakaharap sa bintana habang hinihipak ang isang mahabang pipa. 

  Base sa suot nitong flopped hat at all white american suit, hindi pa rin mapagkakamalan na nasa singkwenta y sinco anyos na ang matanda. 

   Kumikinang din ang singsing nitong may black heart-shaped na bato na nakasuot sa hintuturo nito.

   Isang lalake ang lumapit sa matanda kapagkuwa’y yumuko at nilagay ang kanang kamay sa dibdib tanda ng mataas na pag-galang dito.

   “Master-” 

   “Oh, KC. Gising na ba si Natasha?” kahit na matanda na, baritono pa rin ang boses nito.

   “Yes, Master.”

   “Nasaan na siya?” sa mga pagkakataong iyon ay humarap na kay KC ang matanda. Sa kabila ng edad nito ay wala man lang itong wrinkles sa mukha. 

   “Nasa kwarto niya po, nagpapahinga. Wala pa siyang alam sa nangyayari.” 

   “Ganun ba? Iharap mo kaagad siya sakin kapag okay na siya.”

   “Yes, Master,” pagkasabi nun, mabilis na ring tumalikod si KC para iwan ang matanda.

  Muling humipak ng smoke mula sa pipe ang matanda. This old man is Don Jaime Sandrino Costa. Ang master ng Black Heart Empire based here in the Philippines.

  Don Jaime Sandrino Costa is a multi-billionaire man. Marami itong front business para pagtakpan ang pagiging Mafia Boss. 

   Tulad na lamang ng Sandrino French Restaurant, Costa Group of Companies or known as CGC na may iba’t ibang branch sa loob at labas ng bansa. 

  

 Ang pagkakataong ito ang makakapag-buo sa pagkatao ni Don Jaime. Dahil sa wakas, makikita niya na ang anak na matagal niyang tinago para protektahan.

*****

   Nakamaang si Jaymee sa round-shaped tub. Malaki yun, kalahati  lang yata nun ang laki ng CR niya sa apartment na nirerentahan. Punong-puno ng rose petals ang bathtub. Napaka-bango din ng amoy nun. 

   Nilibot niya pa ang kabuuan ng paligid. May nakabukod ding shower doon, sa isang dulo pa, nandoon naman ang toilet bowl. At kapag lumingon ka naman sa kanan, nandun ang malaking salamin at sa baba nun, ay isang open cabinet na punong-puno ng mga perfume.

   “Jusko, napakarangya naman ng bahay na ‘to. Lord kung tulog po ako, huwag niyo na po akong gisingin,” pagkausap niya sa sarili. Naka-daop palad pa siya at feel na feel ang pagdarasal.

   “Bakit mo naman nasabing nananaginip ka?”

   “Ay puchang kalabaw ka!” muntik ng ma-out of balanced si Jaymee dahil sa gulat.  Paglingon niya, nakita niya ang lalakeng nakasandal sa pintuan ng restroom. 

   “Nasaan?” 

   “Y-yung alin?”

   “Yung kalabaw.”

  

   “Huh?” napairap sa ere si Jaymee. Expression kasi yun. Nagulat siya eh. Pero teka, anong ginagawa nito dito? Napayakap tuloy siya sa katawan niya. Tanging robe lang ang suot niya at wala na siyang panloob.

   “Sino ka. Anong ginagawa mo dito?” 

   “Ah I’m KC. Kami yung nag-ligtas sayo.”

   Para namang nahiya si Jaymee. Sinusungitan niya ang taong nag-ligtas sa kanya. “Teka lang, ano bang nangyayari? Madami akong tanong. Like, sino ba kayo? At anong ginagawa ko dito? Sino si Natasha?” 

   Wala sa loob na lumapit siya kay KC. Sobrang lapit na halos tingalain na niya ang lalake. 

    “Ahm, malalaman mo later. Maligo ka na,” medyo iniwas ni Jaymee ang katawan niya nang mapansing pinasadahan ni KC ng tingin ang kabuuan niya.

   Oo maganda siya. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Palagi nga siyang model sa school eh. Yun nga lang, perfect na sana, kung hindi lang siya ulila at isang kahig, isang tuka.

   “P-pwede ka na bang lumabas?” mahinang pakiusap niya sa lalake. Hindi niya na tuloy ito matingnan ng maayos.

    “Ah okay, sige, take your bath. Dito lang ako sa labas kapag may kailangan ka.”

    Dahan-dahan pa itong tumalikod. Parang ayaw pa yata siyang iwan.

    Habang nakalubog sa tubig, namumula naman si Jaymee. Hindi maalis sa isip niya ang itsura ni KC habang nakatayo sa harapan niya.

    “Hays ang gwapo  naman niya. Lord ‘wag niyo na lang po akong gisingin, okay,” parang tangang kinikilig siya mag-isa. 

    Gwapo naman kasi talaga. 

  Moreno ito. Matangkad. Matangos ang ilong, mamula-mulang labi, kay haba din ng pilik-mata. At parang ang sweet nitong tingnan sa Shadow Perm haircut nito. Ang hot pa nito sa kulay ng coat na mocha shade.

   Kung paano niya nalaman ang haircut nito? Dahil nag-part-time job na rin siya sa Men and Womens Salon.

   Pinilig na lamang ni Jaymee ang ulo ng mapagtantong dine-describe niya na sa isipan si KC.

   ‘Ang harot mo Jaymee ha!’ 

    

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status