Share

Chapter 0004.

CHAPTER FOUR.

   

  “ATTENTION EVERYBODY! THE BOSS IS COMING!” 

   Sabay-sabay na tumayo ang mga tao sa loob ng silid na yun. Pati na si Jaymee ay napatayo na din. Saka siya sumisilip sa kung anong nagaganap. 

   Pagkatapos kasi siyang ayusan ng mga ‘servants’ ay dinala siya dito ni Madame Love. May kailangan daw siyang makilala. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya.

   Nasaksihan ni Jaymee ang tila ba mga nag-mamartsang tao na papalapit sa kinaroroonan nila. Sa unahan nito ay isang matandang lalake na may baston pa sa kanang kamay.

    Iniisa-isa nitong tingnan ang bawat taong naroroon. Natigilan si Jaymee nang huminto ito sa harapan niya.

  “MY DAUGHTER.” 

  ‘My daughter’

  ‘My daughter’

  “Hija?” 

  Nabigla siya ng yakapin siya nito ng buong higpit.

  Ilang minuto yatang natigilan si Jaymee. Nagpapaulit-ulit sa utak niya ang katagang sinabi ng matandang lalake habang yakap siya. 

  Kumurap-kurap siya. Tinatawag siya nitong anak! 

   “Hija, are you okay?” namalayan na lang ni Jaymee na hawak na siya ng matanda sa magkabilang-balikat. Inaalog-alog pa siya nito.

   Pasensya na ‘no. Eh talagang hindi mag-sync in sa utak niya ang sinabi nito.

   “Natasha!” 

   “P-po? Yes? A-ako po ba?” tinuro niya ang sarili. Ilang beses niya ng naririnig ang pangalang ‘yan. Hindi nga siya si Natasha. O baka naman napagkamalan lang siya ng mga ito. 

   “Ikaw nga. You are my daughter Natasha. Namamangha ako na lumaki ka ng maayos. Patawarin mo ako kung itinago kita.” 

   Haaa? Ano bang sinasabi nito? Hindi niya ito maintindihan! Sana naman may magpaintindi sa kanya ‘no!

   “Ahm, Sir. Jaymee po ang pangalan ko. Hindi po ako Natasha, baka kamukha ko lang yun at napagkamalan niyo po ako.”

   Natigilan siya ng biglang tumawa ang matanda. “Oh son of Hercules! Hindi ako nagkamali, hindi kita masisisi kung hindi ka maniniwala. But I’m telling the truth,” bumaling ang matanda kay Madame Love. “Her file please.”

    “Heto po, Don Jaime.” 

   Naniningkit ang mga matang kinuha ni Don Jaime mula kay Madame Love ang isang tablet. Hindi siguro nito makita ng maayos ang mga nakasulat kaya nag-suot ito ng reading glass.

    “Here. Jaymee Santillo, that is your front name I gave to your mother to use for you while you are in hiding,” pag-uumpisa nitong mag-basa.

    Si Jaymee naman ay natitigilan.

  “...Jaymee, ikaw ang anak ko-”

   “Paanong nangyari po yun? Matagal ng patay ang tatay ko!” hindi na alam ni Jaymee ang mararamdaman at ang paniniwalaan.

   “Calm down!” si KC yun. Nakatayo na pala ito sa likuran nila. Hindi man lang niya namalayan ang pag-pasok ng lalake.

    “Ano bang ibig sabihin nito? Sino ba kayo? Pinagt-tripan niyo ‘ata ako eh!” singhal niya sa mga ito. Pero may banda na gusto niyang maniwala. 

   ‘No Jaymee. ‘Wag kang maniniwala sa kanila. Baka mga monster yan!’ 

    “Uuwi na po ako,” aniya sabay tayo.

    “You can’t,” pinigil ni KC ang pag-tayo niya. Kaya naman tiningnan niya ito ng masama. “Dito ka na titira kasama ang Daddy mo. Once you enter this mansion, there is no way back.” 

   Natigilan si Jaymee sa sinabi ni KC. “Anong ibig mong sabihin?”

   “Alam mo ba kung bakit muntik ka ng mapahamak kanina? Dahil na sa hustong gulang ka na Jaymee. Marami ng mga kaaway na gustong patayin ka-”

   “Wait. Ano? Patayin? Bakit anong kasalanan ko?”

    “Because you’re a daughter of a Mafia Lord. You are the heiress of Black Heart Empire. Our duty is to protect you. That’s why you can never leave from our side.”

    Bagsak na napaupo muli si Jaymee sa kinauupuan niya. Nanlulumo siya sa mga narinig mula kay KC. 

 

   Anong Mafia? Anong heiress? Yun ba yung nasa 365 da- este yung mga nababasa niya sa GN?

   “Natasha.”

   “Jaymee po,” pagtatama niya sa Don. 

   “Okay, if that’s what you want me to call you,” anito sabay de-kwatro. “Pero ikaw si Natasha Sandrino Costa. Wala kang magagawa dahil yan ang dumadaloy sa dugo mo. The black heart shape on your right back can tell who you really are. From now on, you will live here in my mansion. No matter what, magkakasama tayo.”

    Nabigla si Jaymee nang tumayo ang matanda. Sinenyasan nito si KC at tinawag din si Madame Love. Pero mas nabigla siya sa huling sinabi nito. Wala na ba talagang labasan ang mansio’ng ito? Exit? Back door? 

    Pero seryoso, paanong nalaman ng matandang ito ang parang heart-shaped na balat sa kanang likod niya? 

   Hindi niya pa marinig kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Kinakabahan tuloy siya. Baka mamaya nasa Squid Game na pala siya, huhu.

  Hanggang sa tuluyan na ngang umalis ang Don at kasunod si KC. Nasundan niya na lamang ng tingin ang dalawa.

   Si Madame Love naman ay lumapit sa kanya.

   “Young Miss, sumunod ka na sa akin. Ihahatid ko na po kayo sa kwarto niyo.” 

   Parang robot na sumunod si Jaymee. Habang naglalakad sa pasilyo, kinukurot-kurot niya talaga ang sarili. Baka kasi nananaginip lang talaga siya.

    Ay hindi na pala ito panaginip. Bangungot! Oo bangungot! Sino ba naman ang gugustuhin na maging instant Mafia heiress? ABER?!

  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status