CHAPTER 0NE.
“Hindi ko maintindihan ang sinasabi niyo. Walang Natasha Sandrino dito. Ako lang ang solong nakatira sa apartment na ‘to,” mahabang paliwanag ni Jaymee sa mga lakakeng bigla na lamang sumulpot sa kanyang apartment. “Sumama ka sa amin, hinihintay ka na ni Don Jaime. Siya na ang bahalang mag-paliwanag sayo,” anito na para bang hindi narinig ang sinabi niya. “At bakit naman ako sasama sa inyo?” humalukipkip siya. Bakit naman siya sasama sa mga taong hindi niya naman kilala? Saka kanina pa siya nito sinasabihan na isa siyang tagapagmana ng isang malaking organisasyon. Hello? Renta nga nitong apartment hindi siya makapag-bayad buwan-buwan eh. Tanging part-time job lang din ang bumubuhay sa kanya at nagtutustos ng pag-aaral niya ng Senior High. Panty nga hindi siya makabili-bili eh. Paano siyang magiging tagapag-mana? Ang isang ulilang Jaymee Santillo ay mahirap pa sa daga. Kaya sa mga naisip, humagalpak ng tawa si Jaymee. “Walang Natasha Sandrino dito. Jaymee Santillo, meron. Kaya baka nagkamali lang talaga kayo ng napuntahan HAHAHA,” nakahawak pa siya sa tiyan at damang-dama ang joke ng mga ito. Nagkatinginan naman ang mga lalake kaya siya tumahimik. “Haha..ha..ha umalis na lang kayo-” Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla siyang hablutin ng lalakeng sinenyasan ng kausap niya. “Bitiwan niyo ko, ano bang kailangan niyo? Mali nga kayo ng napuntahan!” pagpupumiglas ni Jaymee. Malalaki ang mga ito kaya hindi niya kayang labanan. Para nga lang siyang papel na binuhat ng mga ito. “TULONG! IBABA NIYO KO! TAENA NIYO SAAN NIYO BA KO DADALHIN?!” malakas na sigaw ni Jaymee para sana may makarinig sa kanya. Ngunit kamalasan, walang tao sa compound. “Bilisan niyo isakay niyo na yan sa kotse! Bago pa tayo mabulilyaso!” wika nung nakausap niya. Kinabahan na si Jaymee. Kidnap ba ito? For ransome? Walang sasalba sa kanya! Ulila na siyang lubos. Kamamatay lang ng kanyang ina last month. Wala rin siyang tatay dahil matagal na itong patay. Ang mga kamag-anak niya, sa hindi niya malamang dahilan ay wala namang pakialam sa kanya. Baka nga matuwa pa ang mga ito kapag nawala siya sa mundo. “HOY MGA KUTONG-LUPA! WHERE DO YOU THINK YOU’RE GOING?” Natigilan silang lahat ng sa dulo ng eskinita ay may humarang sa kanilang limang kalalakihan. “Aray!” inda ni Jaymee nang pabagsak siyang bitawan ng may buhat sa kanya. “Yung ulo ko!” tumama kasi yun sa pader. Pero hindi naman kalakasan para mabagok siya. “LINTIK! Anong ginagawa ng mga yan dito?” natatarantang usal nung lalake na kumuha sa kanya. “Huh! May balak pa kayong unahan kami sa Young Miss? Tch, diyan kayo nagkakamali!” “Ano pang hinihintay niyo? Patayin niyo na ang mga yan!” maawtoridad na utos nung lalakeng kumausap kay Jaymee kanina. Sa tingin niya ito yung lider ng grupo. “S-sigurado ba kayo, Boss? Mga Blackheart yan, Boss. Baka maubos tayo!” Napansin ni Jaymee na nag-alangan bigla ang mga lalake na may hawak sa kanya. “Tsk, mga duwag!” Nanlaki ang mga mata ni Jaymee. Nabigla talaga siya ng mag-labas ng baril ang mga ito. Totoong baril! Ano ba ‘tong nangyayari? Napatakip siya ng tenga niya ng mag-simulang magpa-putok ang mga ito. Laking mangha ni Jaymee, nang tila ba hindi man lang tinamaan ang mga lalakeng nasa harapan nila sa dami ng balang lumabas sa baril ng mga ito. Mabibilis lang ang mga kilos ng limang lalake na sumugod sa kanila. Parang mga nagliliparan sa ere ang mga ito. Para tuloy siyang nasa isang action scene sa teleserye dahil sa nangyayari. “Aah..ahh..ahh, hayop..lintik,” halos maihi na ang Boss ng malapitan siya ng isang lalake at pilipitin ang kamay niya. “Sino ang nag-utos sa inyo?” Lumingon muna ito bago sumagot. Bagsak na ang mga kasamahan niya na tinatapakan ng mga kasama nito. “Bakit ko naman sasabihin- Aaahhh!” maluha-luha na ito habang pinipilipit ng lalake ang kamay nito. Mukhang ayaw mag-salita kahit na buhay pa ang kapalit. “Sabihin mo sa amo mo, huwag na siyang mag-tangka pa. Hindi siya magtatagumpay, okay!” malakas na tinulak ito ng lalake. Kumaripas naman ito ng takbo kasunod ang mga kasamahan. ~ “KC! Nawawala ang Young Miss!” sigaw ni Jin kay KC. Napalingon siya dito. Tumakbo yata ang dalaga habang abala sila makipaglaban. “Walang-hiya! Tara, halughugin natin ang buong compound. Hindi pa nakakalayo yun,” mando niya sa mga ito. “Ric, James, Vince dun kayo sa kabilang dulo. Ikaw Jin, sumama ka sakin. Hindi pa nakakalayo yun! Bilisan natin at baka maunahan na naman tayo,” mabilis na nagpulasan ang tatlo. Parang mga ninja itong umakyat sa bubong na wala man lang ingay. Silang dalawa naman tinungo na ang diresyon na dapat nilang puntahan. Kailangan nilang mauna. Alam niyang marami pang mga grupo ang nag-uunahan para makuha si Jaymee. Alam niyang hindi bubuhayin ng mga ito ang dalaga kapag natagpuan. Bagay na kinakatakot ni KC ngayon.CHAPTER TWO. Pabagal na nang pabagal ang takbo ni Jaymee. Sinisigurado niyang malayo na ang narating niya. Nat-trauma pa siya sa nasaksihan niyang sagupaan kanina. Buong buhay niya, ngayon lang siya nakaranas ng ganun. Sino ba kasi ang mga taong yun at anong kailangan ng mga ito sa kanya? Ang iniisip niya ay makalayo sa lugar niya at mag-sumbong sa pulis. Ngunit mula sa ere, nakita niya ang paglapag ng dalawang lalake sa harapan niya. Galing ba ang mga ito sa itaas? Tumingala pa siya. Nagtataasang bubong lang ang nakita niya. “Huwag kang matakot, hindi ka namin sasaktan,” wika nung isa sa kanya. “Mas matatakot pa siya sa itsura mo, Jin.” “Huh? Unlike naman sayo, no.” “Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pera? Wala ako nun,” putol niya sa pag-uusap dalawa. “Mukha bang kailangan namin ng pera? Miss Natasha, sumama ka na sa amin.” “Hays, hindi nga ako si Natasha! Jaymee pangalan ko! J-A-Y-M double E! JAYMEE!” kanina pa siya tinatawag ng mga ito na Natasha.
CHAPTER THREE. *Smoke from pipe* Isang matandang lalake ang nakatalikod at nakaharap sa bintana habang hinihipak ang isang mahabang pipa. Base sa suot nitong flopped hat at all white american suit, hindi pa rin mapagkakamalan na nasa singkwenta y sinco anyos na ang matanda. Kumikinang din ang singsing nitong may black heart-shaped na bato na nakasuot sa hintuturo nito. Isang lalake ang lumapit sa matanda kapagkuwa’y yumuko at nilagay ang kanang kamay sa dibdib tanda ng mataas na pag-galang dito. “Master-” “Oh, KC. Gising na ba si Natasha?” kahit na matanda na, baritono pa rin ang boses nito. “Yes, Master.” “Nasaan na siya?” sa mga pagkakataong iyon ay humarap na kay KC ang matanda. Sa kabila ng edad nito ay wala man lang itong wrinkles sa mukha. “Nasa kwarto niya po, nagpapahinga. Wala pa siyang alam sa nangyayari.” “Ganun ba? Iharap mo kaagad siya sakin kapag okay na siya.” “Yes, Master,” pagkasabi nun, mabilis na ring tumalikod si KC para iwan ang
CHAPTER FOUR. “ATTENTION EVERYBODY! THE BOSS IS COMING!” Sabay-sabay na tumayo ang mga tao sa loob ng silid na yun. Pati na si Jaymee ay napatayo na din. Saka siya sumisilip sa kung anong nagaganap. Pagkatapos kasi siyang ayusan ng mga ‘servants’ ay dinala siya dito ni Madame Love. May kailangan daw siyang makilala. Nagtataka man ay sumunod pa rin siya. Nasaksihan ni Jaymee ang tila ba mga nag-mamartsang tao na papalapit sa kinaroroonan nila. Sa unahan nito ay isang matandang lalake na may baston pa sa kanang kamay. Iniisa-isa nitong tingnan ang bawat taong naroroon. Natigilan si Jaymee nang huminto ito sa harapan niya. “MY DAUGHTER.” ‘My daughter’ ‘My daughter’ “Hija?” Nabigla siya ng yakapin siya nito ng buong higpit. Ilang minuto yatang natigilan si Jaymee. Nagpapaulit-ulit sa utak niya ang katagang sinabi ng matandang lalake habang yakap siya. Kumurap-kurap siya. Tinatawag siya nitong anak! “Hija, are you okay?” namalayan na lang ni Jaymee na
CHAPTER FIVE. Makikita sa isang sulok ng kalsada ang isang itim na kotse na nakaparada. Sakto lang ang pagtatago nito sa madilim na lugar para lamang hindi makita kung sino man ang lalabas mula sa mansion. Mula doon ay nakatanaw ang apat na di-kilalang lalake. “Nakauwi na pala ang tagapagmana?” sambit ng lalakeng nakaupo sa driver’s seat habang humihithit ng sigarilyo. “Oo-” “Tapos, pinakawalan niyo pa?” ani pa nito. “Biglang dumating yung mga assasin eh. Napurnada ang plano,” depensa ng katabi nito. Ang lalakeng nasa driver’s seat ay walang iba kundi si Fil Andrada. Siya ang leader ng grupong G4, isa sa mga sanga ng Diamond Brotherhood. “Ano ng gagawin natin?” tanong ng katabi niyang si Luke. “Ano na lang ang sasabihin natin sa Boss?” “You better explain to him. A good explanation, Luke, kung gusto mo pang tumagal sa mundong ibabaw,” sinigurado ni Fil na matatakot ito sa sinabi niya. “By the way? Nasaan na si Mr. Park? Hindi ba at kasama niyo siya kanin
Chapter SIX. Tulala lang sa magarbong kwarto si Jaymee. Panay rin ang buntong-hininga niya habang iniisip kung paano nangyayari ang lahat ng ‘to. Nasa ganoon siyang kalagayan nang may kumatok sa pintuan ng kwarto. Agad naman siyang tumayo at binuksan ‘yon. “Young Miss, naghihintay na po ang Don. Sabay na daw po kayo mag-hapunan,” si Lotty yon, isa sa mga servants niya. “Ah eh, sige susunod po ako,” nauna ng tumalikod si Lotty nang maisipan niyang tawagin ito ulit. “Ahm, pwede po bang Jaymee na lang? Naiilang kasi sa tawag niyo sa akin.” “Ahm hindi pwede Young Miss. Mataas ang pag-galang namin sayo. Saka malalagot kami kay Don Jaime,” sagot nito sa pakiusap niya. “Ganun? Eh, gan’to na lang. Kapag tayo-tayo lang, Jaymee na lang ang itawag niyo sa akin, okay ba yun?” Saglit pang nag-isip si Lotty bago siya sang-ayunan. “Ah eh, s-sige po.” Napapangiti naman na sumunod na si Jaymee sa servants. Isang mahabang crystal table ang nasa bulwagan. Punong-puno ng iba’t ibang
Chapter SEVEN. Kung nganga ang pag-uusapan, wagi na si Jaymee. Nakanganga kasi talaga siya habang pinapanood ang mga katulong sa pagpapasok ng naglalakihang mga paper bags sa kwarto niya. Agad niyang tinanong si Madame Love na namumuno sa ginagawa ng mga ito. “Madame Love, ano po ang mga yan?” “Your dresses and your cosmetics, Young Miss,” sagot nito na kinamangha niya. Cosmetics? Dresses? Ang ibig sabihin, dito na talaga siya titira sa mansyong ito?! “Madame Love, may mga gamit naman ako sa bahay, kukunin ko na lang po–” “Wala ka ng babalikan sa bahay mo, Jaymee. Ang lahat ng naroon ay na-disposed na,” napatingin siya sa pintuan. Naroon si KC at nakasandal habang nakahalukipkip na pinapanood din ang kaganapan. “Ha? Ano’ng ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong niya. Pati na rin sila Madame Love ay napatingin sa lalake. “Wala ng bakas mo ang makikita sa apartment. Huwag kang mag-alala, kinuha namin ang mga bagay na magagamit pa,” anito. Lumuwag ang dib
Pagod na sa kakalakad si Jaymee sa labas ng mansyon. Pero wari niya ay hindi niya marating ang gate. Napapakamot sa ulong napatingin siya sa orasan niyang pam-bisig. 7:30 na ng umaga, kapag umabot pa siya ng alas-otso dito ay malamang male-late na siya. Inis niyang inayos ang pagkaka-sukbit ng backpack niya sa balikat. Bakit kasi ang layo-layo ng gate? Napaka-haba pa nitong espaltadong pathway na nilalakaran niya. First day of school at ayaw niyang ma-late. May mga golf cart na dumaraan, paminsan-minsan. Tinatanguan pa nga siya ng mga ito. Siguro bisita ng Don, pero hindi naman niya pinapansin. Kunot na kunot na ang noo niya dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha niya. Hindi pa naman ganoong ka-tanghali pero sa panahon ngayon ay masakit na talaga sa balat ang sinag ng araw, literal. Bubulong-bulong pa siya sa inis nang biglang may tumigil na big bike sa harapan niya, kaya naman bigla rin siyang napa-hinto sa pag-lakad. Ducati o BMW? Ah basta, big bike yun!
Inip na nakapangalumbaba si Jaymee sa upuan niya sa dulong row. Nakatanaw siya sa labas ng bintana. Ang pwestong katabi ng bintana na nakaharap sa likod ng school ang napili niyang upuan. Dun kasi siya komportable. Feeling niya tahimik dun at malayo sa ingay. Back benchers is always the best. Pero hindi niya lang maiwasang mainip. Maga-alas-nuebe na ngunit wala pa rin ang adviser nila. Nakakaramdam na rin siya na parang naiihi sa tagal niya ng nakaupo. Akmang tatayo na siya nang biglang bumaling sa kanya ang lalakeng nakaupo sa harapan ng kanyang silya. Itinukod nito ang baba sa sandalan ng upuan. “Hi. Bago ka lang dito?” “Ah hindi. Dito na ‘ko mula elem eh,” sagot niya. She didn’t want to be rude kaya pinansin niya ito. Mukhang ito ang bagong transfer at ngayon niya lang ito nakita. “Ganun ba? I’m Blue, bagong transfer,” feeling niya gusto nitong makipag-close sa kanya. “Saan school mo dati?” “Country side.” “Ahh.” Tahimik na ulit, hanggang sa lum