Sa edad na 35 ay nabiyudo na si Ambrose at naiwan sa kanyang pangangalaga ang limang taong gulang na lalaki at bagong silang na kambal na babae. Mag-isa niyang pinasan ang responsibilidad na palakihin sila. Pagkalipas ng limang taon, lalo niyang nakita ang pangangailangan ng kalinga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. Sinubukan niyang lihim na makipag-date ngunit walang tumanggap sa kanyang tatlong anak. Hindi nila kayang panindigan ang pagiging instant mommy para sa kanila. Hinanap ng kanyang mga anak sa kung kani-kaninong babae ang pagkukulang na iyon. Hanggang sa malaman niyang nakikipagkita sa isang may edad na babae si Ambrox na halos kamukha ng kanyang ina. Muli niyang nakita si Rose Anne. Nagbalik ang sakit ng nakaraan dulot ng panlilinlang na ginawa ni Roxanne. Hanggang isang gabi, hila-hila ng kambal ang babae papasok ng kanilang gate. "Daddy, I got you a wife. Meet our Mommy!” Kinindatan pa ng mga bata ang kanilang ama. At nagbago ang lahat sa pagdating ni Rose Anne sa kanilang buhay. Magkaroon kaya ng puwang ang pagpapatawad sa pagitan ni Rose Anne at Ambrose? Maging maligaya kaya sila sa pagkakataon ito upang ituloy ang kanilang naudlot na pagmamahalan o maghihiwalay na silang tuluyan sa piling ng kani-kanilang bagong minamahal?
view moreTheir journey as one big family just started. It’s cleaning up time. It is putting things in order at kilalang kilala ni Rosy ang lalaki. Hindi siya titigil hangga’t hindi nalalaman ang buong katotohanan. Hindi nasisiguro ngayon ni Rosy na magiging payapa ang buhay niya sa kanilang bahay. Tama ang hula ni Rebecca. Hindi palalampasin ni Ambrose ang pagkakataon.Dahil nasa iisang bahay sila nakatira, mas makikilala nila ang isa’t isa at tiyak gagawa ito ng paraan upang makumpronta ang babae.Samantala, umaasa si Niza at Sandro na hindi sila magiging aso’t pusa na palaging away ng away. Kasi ganoon naman talaga sina Rosy at Ambrose kahit noong magkasintahan pa sila. Madalas magtungo roon ang binata upang dalawin siya pero matapos nilang maging sweet sa isa’t isa, magkaaway na sila bago umuwi ang binata.Nabisto ni Niza na malakas uminom si Rose Anne. Sa loob siya ng kuwarto umiinom. Sa basurahan nito nakita ang mga basyo ng bote. Minsan niyang pinagsabihan ang anak. “Rose Anne, kay Ambr
“Rosy? I am Rose. Daddy, is she, our mommy? Why do I have the same name as hers?” Biglang nagilid ang luha ni Amber.“Bakit siya may mommy, ako wala?” Hindi na napigilan ni Rosy ang kanyang ngiti. Pinigilan na lang niyang tumawa kasi baka lalong magkaiyakan sa sala.“I am not your mommy. I am your Tita Rosy. My name is Rose Anne, that’s why they call me Rosy,” mahinahon at malumanay na sabi ni Rosy sa bata. Hinaplos niya ang ulo nito. Habang ipinapakilala ni Rosy ang sarili ay pupungas-pungas na nagising si Ambrox.“Huh, Miss Anne? Is that you? Why are you here?” Nagising ang bata dahil sa ingay at patakbong lumapit kay Rosy.“Ambrox, Miss Anne is you tita. She is your mommy’s twin sister,” ani Niza sa apo.“Whoah! Really! That’s why she looks like mommy!” Niyakap niya ang babae ng mahigpit. Tita Rose Anne na kaagad ang tawag niya rito.“Bakit gising pa ang mga batang ito?” tanong ni Niza. Humikab na ang kambal.“Daddy, let’s sleep.” Hinila ng isa si Ambrose. ”Daddy, let’s sleep. I am
“Alam kong sukdulan ang galit niya sa akin dahil hindi ko siya pinapasok ng reception hall. Sorry, Ambrose.Hinayaan ko na agawin ka ni Roxy.” Naawa na rin siya sa kanyang biyenang babae. Binabagabag siya ngayon ng kanyang konsensiya.“Nangyari na po ang lahat, Nanay. Patay na rin sir oxy kaya huwag na po natin siyang sisihin. Hayaan po ninyo at sasamahan ko kayo bukas.”Pagpasok sa kuwarto, tuluyan siyang napaiyak. Masyadong mahaba ang sampung taon. Marami ang nagbago. Mamahalin pa kaya siya ni Rose Anne sa kabila ng lahat? Ngunit nasisigurado niya na kahit kailan, hindi nagbago ang pagtingin niya sa babae. Minabuti niyang sa kambal ay Amber at Rose. Coincidentally, nasa pangalan na kasi niya ang Rose. Hindi na makakatutol pa si Roxanne. Nalulungkot pero natutuwa ang nararamdaman ni Ambrose. Kinakabahan at nag-aalangan na siya ngayon dahil dalaga pa si Rosy at siya ay mistulang biyudo na may tatlo pang anak.Kinabukasan ay maagang gumising si Niza. Tamang-tamang Sabado ng araw na iyon
Dala-dala ni Rosy ang ilang alalahanin pag-uwi niya sa condo. Kalalapag lang niya ng kanyang bag ay nakita niya ang tawag ng kanyang ama. Sinagot niya ang tawag habang dumiretso siya sa mini-bar at nagsalin ng alak sa baso.“Yes, Daddy.”Nakinig lang siya sa kabilang linya. Pinaglaruan ng kanyang daliri ang brim ng kanyang baso at nilaro ng kanyang hintuturo ang inilagay niyang yelo.“Come home now,” malambing na sabi ng ama.“I’ll think about it.” Nagbago ang tono nito. Galit na ang ama sa kabilang linya. Binibigyan na siya ng ultimatum na umuwi na. Nilagok ni Rosy ang alak. “It would be complicated to stay in one roof with Ambrose. Why are you nagging me?”Ibinaba ng ama ang linya. Kailangan na talaga niyang umuwi.Samantalang seryosong nag-iisip si Ambrose sa harap ng computer ay napansin niya ang isang unregistered call. Hindi niya ito sinagot ngunit nakatanggap siya ng mensahe pagkatapos niyang patayin ito.“This is Miss China Dominguez, Jan Ambrox Romero’s classroom adviser. May
Lahat ng mga estudyante tuloy ay napaorder para tikman ang bagong twist ng pasta not with sauce but with adobo.Pagdating sa Little West, ipinagmayabang ni Rafa na may tumalo na sa lasa ng pasta ni Ambrox.“That could never happen. My dad makes a delicious pasta adobo ever.” Inalok pa niya ang kaklase pero tinanggihan niya ito. “Paano mo nasabi eh natikman nga namin sa One Happy Place ‘yung pinagmamalaki mong pasta adobo ng daddy mo? Taob na! Ano? Sama ka para matikman mo.”Kahit hindi ugali ni Ambrox na lumabas para kumain ay sumama siya sa mga kaklase. Abala naman si Rosy dahil sa kanyang pasabog na pasta.“What’s your order?”“Adobo pasta po.”“Tingnan ko if available pa. Chef, may adobo pasta pa po ba?” sigaw ng staff.“Sure!” Umupo na ang magkakaklase at hinintay ang kanyang order. Tahimik ang lahat ng dalhin kaagad ang kanyang order. Mainit-init pa ito.Hindi nakaimik si Ambrox ng matikman ang pasta. Almost the same taste the way it was cooked by his dad. Lumapit si Rosy para ku
Hinintay ni Rosy na makaalis na muna ang lahat bago siya nagtungo sa columbarium. Inibuhos niya ang kanyang luha sa harap ng puntod ni Roxy. Lahat ng panunumbat na gusto niyang sabihin ay ibinuhos na lang niya sa luha dahil wala nang halaga ang lahat sa mga oras na iyon.“Kukunin ko na ulit si Ambrose, Roxy. Hindi mo na kami mapipigilan ngayon. Hindi na rin ako papayag na magkahiwalay kami sa pagkakataong ito. Nagsisi ako kumbakit hinayaan ko siya na manatili sa piling mo. Nagtiis ako ng mahabang panahon. Patawarin ako ng Diyos pero salamat dahil pinatatag niya ako. Hindi niya ako pinabayaan nang agawin mo sa akin si Ambrose. Huwag kang mag-alala. Ang mga bata ay sa akin pa rin nanggaling kahit sa loob ng sinapupunan mo sila lumaki. I am also going to get back my children.”Ilang linggo lang si Rosy sa Pilipinas. Bumalik siya sa Italy at muling sinimulan ang bagong buhay. Hindi niya sinamantala ang pagkakataon upang maki
Napuno ng iyakan ang buong kuwarto. Animo’y reunion ng buong batch ni Ambrose ang nangyari. Alam nilang papasok ang binata sa military pero kahit mukha ni Rosy ang nasa kabaong, nagtataka pa rin sila kung sino siya. Walang naglakas-loob kung nasaan ang kanilang kaklase na inaasahan nilang mapapangasawa niya balang araw. Walang imik na lumapit si Berna sa kabaong ni Roxy. Sinilip niya ng buong tapang ang salamin saka tumulo ang kanyang luha. Isinubsob niya ang kanyang mukha kay Bart dahil hindi niya kaya saka niya binalingan si Ambrose.“Pinabayaan mo ang kaibigan ko! Pinabayaan mo ang kaibigan ko! Ito ang gusto mo, hindi ba? Ito ang gusto mo para lumaya ka na!” Tinitigan niya ng masama ang babae.Kilala niya si Berna pero wala siyang karapatang magsalita ng ganoon sa puntod ni Roxy. Patay na ang babae para sisihin pa niya.Alam niyang iyon ang sasabihin sa kanya ng babae. Binabayo siya dibdib nito. Ang totoo, matagal na siyang hindi iniimikan ni Berna kahit nagkakasalubong sila sa kam
Ilang linggo rin si Roxy sa Italy tulad ng dati niyang ginawa. Hindi na nagtanong ang kapatid tungkol sa kanyang muling paghingi ng pabor. Niloko na nga siya, ginawa pang forever donor ng egg cell. Hindi man lang siya nangumusta. Hindi man lang din siya nagpasalamat. Ni wala siyang pasabi sa kanyang pagdating. HIndi man lang nag-inform kung successful ba ang porcedure.Napansin ni Pilar ang pagiging matamlay ni Rosy. Inakala niyang maysakit ang pamangkin.“Okay ka lang ba?” Sinalat niya ang noo ng babae baka ito nilalagnat.“I am okay, Tita.”“Why don’t you take a day-off para magpahinga.”Stress lang siya kay Roxy. Hindi ganoon kadali ang procedure. Hindi niya alam kung bakit inaadya ng pagkakataon na sa tuwing pupunta si Roxy sa kanya ay malulusog at malalaki ang kanyang mga itlog. Tuwang-tuwa ang doktor na nagsasagawa nito.Tiniis niya ang sakit higit pa ang sakit ng damdamin na dulot nito sa kanya. Habang isinasagawa ang lahat. Iniisip niyang sana ay iniingatan nilang mag-asawa an
Maayos namang napalaki ni Ambrose at Roxy ang bata. Mas lalong naging responsableng ama ang lalaki. Masaya niyang pinagsilbihan ang kanyang pamilya kahit malayo pa rin ang loob nila sa isa’t isa. Hindi naman masisisi ni Niza ang lalaki. Si Sandro naman ay hindi na rin bumalik sa Pilipinas matapos ang kasal ng anak.Isang gabi ay late ng dumating si Roxy. Nagbibihis siya sa harap ni Ambrose para akitin ito ngunit wala naman iyon sa lalaki. Hindi niya pinag-aksayahang tingnan ang asawa.“I want a DNA Test for my son.” Malakas na sampal ang sumapo sa pisngi ni Ambrose.“Are you insulting me?” sabi ni Roxy. Hawak ni Ambrose ang kanyang pisngi. Ngunit mas masakit para sa kanya ang pagtawanan ng iba. At alam rin niyang imposibleng magkaanak si Roxy.“You know what I am talking about Roxy. Something may happen between us pero hindi ko kailanman ipinagkatiwala sa iyo ang semilya ko!” Mahigpit na hinawakan ni Ambrose ang braso ng asawa. “Sabihin mo sa akin ngayon kung sino ang ama ng bata?”“Ik
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.