Share

Chapter 47

"Wala na po ba tayong mapapakinabangan pa sa mga 'yan?" Nanlulumo na ang pakiramdam ko habang tinititigan ang mga bulok nang bunga ng cacao.

Nang isang araw pang sinusolusyonan ng mga magsasaka ang mga peste ngunit bawat araw na lumilipas ay tila dumarami ito. Ngayon nga ay nagsilagas na ang ilang bunga.

Maaari na sana itong anihin sa susunod na araw ngunit hindi inaasahan ng mga magsasaka na mapapasok ng mga peste ang kalahati ng plantasyon.

"Wala na po. Inani na din po namin ang mga natitira pa'ng cacao upang kahit papaano'y mapakinabangan." Maging si Mang Carpio at ilang magsasaka ay bakas din ang lungkot sa mga mukha dahil sa sinapit ng farm.

Ang mga naani pang mga cacao ay ipinadala pa din namin sa ilang supplier ngunit ipinabalik ito ng iba dahil sa hindi ito katulad ng mga dati pa naming inihahatid sa kanila.

"Kukuha raw sila ng supply ng cacao sa ibang plantasyon. Ang iba ay binigyan pa sila ng mas mababang halaga baka hindi maglaon ay iyon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status