Share

Chapter 21.2: Suspicion

“Ang totoo niyan ay balak ko talagang maghanap ng pakakasalan noon sa party ng intsik na iyon. Kaso lang ay lahat ng babaeng naroroon ay may motibo at pagtingin sa akin. Kitang-kita ko iyon sa mga mata nila na sabik na sabik sa maganda kong pangangatawan at guwapong mukha,” dugtong pa ng lalaki.

Halos maiikot ni Veron ang mga mata sa ere nang marinig iyon. Akala niya’y magseseryoso na si Ynzo ngunit hindi na yata mawawala sa sistema ng lalaki ang kayabangan at kahanginang taglay.

“Sa dinami-dami ng babae sa party na iyon ay ikaw lang ang bukod tanging hindi nagtapon ng tingin sa akin kung kaya’y nangako ako sa sarili ko na kung may babae man akong hihilahin para pakasalan ay ikaw ’yon,” seryosong turan ni Ynzo na ikinairap niya.

“Hindi ako interesado sa parteng ’

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status