Share

Chapter 33.1: Steffany

“PUWEDE BA, MAGDAHAN-DAHAN ka naman?!” saway ni Veron sa asawa nang magsimula na silang kumain.

Tututol pa sana ito na mag-shave muna ng kilikili kanina dahil sa labis na pagkagutom pero tinakot ito ni Veron na hindi makakakain kapag nagmatigas pa rin. Kung kaya’y walang ibang nagawa si Ynzo kundi ang sundin ang nais ng babae. Makakain lang siya ng magana ngunit kabaliktaran pala iyon sa inaakala niya.

“Isa! Gumamit ka ng kutsara at tinidor habang kumakain at dahan-dahanin mo!” muli ay saway ni Veron habang pinandidilatan ng mga mata ang lalaki.

Kaagad namang natigilan si Ynzo mula sa sunod-sunod na pagsubo ng pagkain.

“Ano bang gusto mo? Kanina pa ako nagugutom, so what would you expect?” Halos mabulunan nang tugon ni Ynzo dahil sa dami ng pagkaing nginunguya sa kaniyang bibig.

“’Yan! Isa pa ’yan! Huwag kang magsasalita na may laman ang bibig mo! Umayos ka!” Halos hindi na malaman p

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status