Share

chapter 101

“SEE YOU LATER,” anang mensahe ni Charlene kay Genis nang mabasa niya ang text nito. Isang simpleng ‘k’ lamang ang itinugon niya rito.

Bandang alas-sais ay tinawagan na niya ito para sunduin sa condo unit nito. Nakapulang bestida si Charlene at nakapusod lamang ang hanggang balikat nitong buhok. In fairness ay napakaganda nito at napakalakas ng appeal. Kung bubuksan niya ang kanyang puso, hindi naman imposibleng umibig siya kay Charlene.

Hindi naman siguro masama ang thirteen years gap ng edad nila dahil kung mukha lang ang pagbabasehan ay di naman mahahalatang matanda siya rito ng labing tatlong taon. “You look gorgeous on your new hair cut, by the way.” malambing na sabi sa kanya ni Charlene nang humalik ito sa pisngi niya.

“Thank you. And you look stunning as always.” Aniya rito saka iginiya na ito papasok sa loob ng kanyang kulay itim na Mercedez Benz.

Isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Charlene.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status