Share

CHAPTER SEVENTY-EIGHT: A secret

-ANNE-

TINIIS kong hindi muna kontakin sila Ate Delfa kahit every other month ako nagpapadala ng pera. Nagsabi na ako na kokontakin ko lamang sila kapag may lead na ako sa pagkawala ni Kuya Kanor. Dahil hindi kami mapera, o katulad ng may mga posisyon sa lipunan, tiyak kong walang patutunguhan ang kaso ni kuya.

Kung sinuman ang nagtago sa kuya ko ay talaga namang napakagaling. Walang anumang impormasyon kung nasaan siya. Gusto ko na ngang pasukin ang bahay ng mga Echavez para ako na lamang ang mag-imbestiga sa tunay na dahilan ng pagkawala niya ngunit, may kaba rin sa dibdib ko na baka mapahamak ako kapag nalaman ko ang totoo.

Matagal na ngang patay si Mister Brent Echavez, pero pakiramdam ko ang pagkamatay niya ay panibagong simula sa isang kalbaryo. Gustong-gusto kong makapasok sa pamamahay ng mga Echavez ngunit hindi ko alam kung paano. Gusto ko ring tulungan ang amo ni kuya na tila nakakulong sa isang hawla at hindi maibuka ang kanyang mga p

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status