Share

CHAPTER SEVENTY-SEVEN: Alliance

ANNE SUAREZ Point Of View

"SIGURADO ka na ba sa desisyon mong iyan, Anne?" Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Ate Delfa. Siya ang naiwang asawa ni Kuya Kanor.

Iyon ang nangibabaw na alaala sa akin nang iwan ko sina Ate Delfa at ang mga bata. Alam kong mahirap mawalay sa akin ang mga pamangkin ko dahil napamahal na rin sila sa akin. Ngunit mas mahirap kung nalaman kong may dahilan kung bakit hindi na umuuwi o kahit nagbabakasyon dito si Kuya Kanor.

Halos tatlong buwan na rin simula nang hindi na siya magparamdam sa amin. Abot-abot na nga ang kaba ko. Mahal na mahal namin si Kuya. Tuwing uuwi nga iyon ay hindi nalilimutan ang pasalubong para sa pamilya niya at hindi niya rin ako nakalilimutan. Itinuturing niya akong parte ng pamilya kahit na sampid lang naman ako. Ilang beses na nga niya akong binubuyo na mag-asawa na, ngunit alam niyang hindi lalaki ang hilig ko.

Oo, may pagka-tomboy ako kahit pa nga nursing ang tinapos ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status