"HI, Kuya Gael," nahihiyang bati ni Tallulah Lopez sa binatang si Gael Ramirez, isang lalaking ubod ng gwapo na lahat ng babaeng kilala niya'y natitipuhan ito dahil sa napakatipuno nitong katawan at sa makakapal nitong kilay kaya paanong hindi rin niya magugustuhan ito?
Dahan-dahang humarap sa kaniya si Gael pero imbis na ngiti ang kumawala sa gwapo nitong mukha, tumaas lang ang kilay nito at bumakas ang tila pagkadismaya nito na makita siya.Bumaling ito sa paligid na tila naghahanap ng kasama niya pero walang itong nakita dahil iniwanan niya ang magkapatid na si Brielle at Kendric na nandoon sa malayong table mula sa kinaroroonan niya. Sinadya niya iyon dahil ito na ang naisip niyang tamang panahon para umamin sa binata at ipahayag ang pagkagusto niya rito. Kasalukuyan silang nasa party ni Brielle dahil 18th birthday nito. Maraming tao sa paligid at rinig na rinig ang malakas na tunog ng musika."P-pwede ba tayong mag-usap, Kuya Gael?" halos mautal na tanong niya na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya.Bahagya itong kumiling at pinakita sa kaniya ang kawalan nito ng interest sa kaniya. "No," walang emosyong sagot nito."P-pero saglit lang naman, eh, may sasabihin—""Well, I'm not interested, Tallulah," sambit nito sa totoo niyang pangalan na alam nitong ayaw niyang marinig dahil hindi iyon kaaya-aya sa pandinig niya. Mas gusto niyang tawagin siyang Tali.Hindi na bago sa kaniya ang pagsusuplado ni Gael, dahil matagal na nilang kilala ang isa't isa at noon pa man, ganito na siya nito itrato. He's handsome but he's cold as ice. Masungit ito at parang walang pakialaman sa nararamdaman ng iba."Kuya Gael, please kahit ngayon lang kausapin mo naman ako ng maayos. I have to say this to you kasi...k-kasi alam kong aalis ka na." Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng lungkot.Bumuntong-hininga ito at pumamulsa. Bahagya itong nagtaka nang marinig ang sinabi niya. "Paano mo nalamang aalis na ako?""Kendric told me," pag-amin niya. Kaibigan kasi nito ang kapatid ni Brielle na kaibigan din niya.Napansinghap ito at halatang nadismaya pero agad ding sumeryoso ng mukha nito. "Yeah, he's right I'm leaving kaya please stop chasing me like a dog," direktang sabi nito na bakas ang inis sa mukha.Natigilan siya. Dog? Mukha ba siyang asong naghahabol? Ang ganda niya kaya para maging aso. "W-what? You're too much, Kuya Gael grabi ka naman magsalita sa akin. Nakita mo ba kung gaano ako kaganda tonight? I mean, everyday? Sana man lang makita mo ako bilang babae," giit niya. Kahit sa loob niya'y ramdam niya ang sakit, hindi niya iyon pinahalata.Napailing ito, saka tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "I'm sorry but I thought you're a man courting a girl because of what you're doing right now, Tallulah. Hindi gawain ng matinong babae ang maghabol sa isang lalaki."Naramdaman niya ang pagkibot ng mga labi niya dahil sa sinabi nito. Ganoon ba ang tingin nito sa kaniya? Isang desperadang babae? "Can you please stop calling me Tallulah?" balik niya na bahagyang napataas ang boses. "Kuya Gael, kahit minsan naman tingnan mo ako bilang babae. Hindi ba ako attractive para sa 'yo? Kulang pa ba 'yong pagpapaganda ko para mapansin mo?" Naramdaman niya ang panunubig ng paligid ng kaniyang mga mata.Pakiramdam niya'y nanliit siya sa paraan ng pagtingin nito sa kaniya. "Sa tingin mo gusto ko ang babaeng katulad mo? You're desperate to get my attention at hindi ko gustong palagi kang nakasunod sa akin it's... it's annoying!"Akala niya'y hindi na siya kayang saktan ni Gael dahil manhid na siya sa araw-araw nitong pangbabalewala sa kaniya pero may kaya pa pala itong sabihin para durugin ang nagmamahal niyang puso."G-ginagawa ko lang naman 'yon para mapansin mo ako, eh, kasi kahit ano'ng gawin ko hindi mo ako nakikita. Kahit nasa harap mo na ako, parang hangin lang ako sa 'yo. H-hindi naman ako magiging ganito kung pinapansin mo ako, kung kahit konting atensyon mo binibigay mo sa akin," hinaing niya sa binata.Hindi na niya alintana ang mga taong nasa paligid niya na nakakarinig sa kanila. Nakatingin na ang mga ito na animo'y hinuhusgahan siya pero wala siyang pakialam.Nasapo ni Gael ang noo at nakagat ang pang-ibabang labi bago humarap sa kaniya. "Hindi ba obvious, Tallulah? I don't love you! Hindi kita mahal kaya hindi ko binibigay ang atenyson ko sa 'yo! Huwag ka namang tanga!" inis nitong balik sa kaniya.Pakiramdam niya'y sinuntok ang dibdib niya nang paulit-ulit dahil sa masasakit na salitang binitawan nito. Hindi naman niya inaasahang iyon ang maririnig niya sa binata. Mas masungit at mas masakit pala ito magsalita kaysa sa pagkakakilala niya rito."Tanga na kong tanga, Kuya Gael, wala akong pakialam! Gusto kita, mahal kita at kahit hindi tayo pareho nang nararamdaman, wala akong pakialam. I can do anything for you to love me!""Walang kang dapat gawin, dahil kahit kailan hindi kita mamahalin. Kahit ano'ng gawin mo, hindi-hindi kita mamahalin. I don't like a woman like you, Tallulah."Naramdaman na lang niya ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya. Pasimple siyang yumuko at tumingin sa paligid. Nagsimula nang makiusyuso ang ilan sa nakapaligid sa kanila. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa long gown na suot niya para kumuha roon ng lakas ng loob. Wala na siyang pakialam kung mapahiya siya.Pinahid niya ang luha sa mga mata niya. Nag-angat siya ng tingin sa binata at ngumiti na tila nanghahamon. "Nagkakamali ka, Kuya Gael dahil I will make sure na mahuhulog ka sa akin, na mapapasakin ka rin," buong tapang niyang sambit.Ngumisi si Gael at marahas na umiling. Nasa mukha nito ang inis dahil sa kaniya. Nabahala siya nang tumalikod ito at naglakad palayo."Kuya Gael! Kuya Gael, wait!" sigaw niya kaya halos lahat nang nasa paligid niya napatingin na sa kaniya. Inangat niya ang laylayan ng suot niyang dress at mabilis na tumakbo para habulin ang binata. "Kuya Gael, please don't leave me like this!" Mabilis niyang niyakap ang binata nang maabutan niya ito kaya napahinto ito. Nagulat naman ang karamihan nang nakakakita sa kanila."What are you doing, Tallulah? Nagbabaliw ka na ba?" Marahas nitong inalis ang braso niyang nakapulupot sa katawan nito at tinulak siya kaya napaupo siya sa sahig. Lalo nilang naagaw ang atensyon ng mga tao roon.Nahihiyang napatingin siya sa mga taong nakatingin sa kaniya at tila ba hinuhusgahan siya sa mga tingin pero hindi siya nagpaapekto, tiningnan niya ng nagmamakaawa si Gael. "Kuya Gael, I love you! Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na...na hindi ka magiging akin," desperadang sabi niya.Napansinghap si Gael at hindi makapaniwalang napangiti. "What? You're crazy, Tallulah! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mahiya ka naman, hindi lang ikaw at ako ang nandito," madiin at pabulong nitong sabi.Umiling-iling siya habang umiiyak. "W-wala akong pakialam sa kanila Kuya Gael, mahal na mahal kita kaya please mahalin mo rin ako," pagmamakaawa niya.Tumayo siya sa pagkakaupo habang hawak ang laylayan ng long gown na suot niya. Lumapit siya sa binata at pilit itong niyayakap pero pinipigilan siya nito. "Tallulah, stop!" madiing anito."Mahal na mahal kita Kuya Gael, please love me back! H-hindi ko alam kung paano pa ako magmamahal kung hindi ikaw," patuloy niya."Tali, Tali ano'ng ginagawa mo?" gulat na sabi ng kaibigan niyang si Brielle nang makarating ito sa kinaroroonan niya dahil sa nagtipon na roon ang mga bisita at nakiusyoso sa nangyayari. "Stop it, Tali!"Hindi niya pinansin ang kaibigan. Nagpumilit siyang yakapin si Gael dahil wala siyang ibang gusto kung 'di ang gawin iyon sa binata. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin kapag nawala si Gael at tuluyan siyang iwanan. Mahal na mahal niya ito."Stop!" galit at madiing sabi ni Gael kasabay nang malakas na pagtulak nito sa kaniya, dahilan para muli siyang mapaupo sa sahig. Hindi niya ininda ang sakit ng puwet niya sa pagbagsak. "I said I don't love you! Hindi mo ba maintindihan ang sinabi ko, Tallulah? Don't be immature! Not everything you want, you'll get it, hindi ako katulad ng mga bagay na gusto mo at kaya mong kunin just because you're rich.""Tali!" Mabilis siyang dinaluhan ni Brielle na bakas ang simpatiya at awa sa kaniya."F*ck, pre!" Nagulat na lang siya nang sumulpot si Kendric sa kung saan at sinuntok si Gael. Napakiling ito dahil sa lakas ng impact niyon. "I do understand if you really don't love her, pero, pre huwag ka namang masyadong manakit ng babae. She's too young that's why she act like that," sabi pa nito.Kahit halos mag-blurry na ang paningin niya dahil sa luha, walang siyang pakialam, tumayo siya at nilapitan si Gael. "K-Kuya Gael, ok—""I don't need your care!" Tinabig nito ang kamay niya at matalim siyang tiningnan. "Just leave me alone!" Tumalikod ito at naglakad palayo sa kaniya habang sapo ang pisngi nito."Kuya Gael—" Sunod-sunod na bumagsak ang luha sa mga mata niya dulot ng labis na sakit na nararamdaman niya. Hindi niya alam na ganito ang mangyayari. Gusto lang naman niyang umamin kay Gael."Are you ok, Talu?" tanong ni Kendric sa kaniya. Bukod sa Tali, Talu rin ang isa sa palayaw niya pero si Kendric lang ang tumatawag niyon sa kaniya.Nagsalubong ang mga kilay niya. "Why did you hurt him, Kuya Kendric?" tanong niya rito. Panganay ito sa kanila ni Brielle. Eighteen na rin siya habang twenty four naman si Kendric at Gael.Napabuntong-hininga si Kendric. Marahan nitong ginulo ang buhok niya. "I just want to avenge you, little Talu." Ngumiti ito sa kaniya. Noon pa man ito na ang tagapagtanggol niya sa tuwing may nang-aapi sa kaniya.Ngumuso siya at parang batang pinahid ang luha sa kaniyang mga mata. "Sinaktan mo si Kuya Gael, eh. Ayaw kong nasasaktan siya.""Eh, siya hindi ba niya gustong nasasaktan ka? Come on, Tali stop being fool. He hurt you and yet you're still concerned to him?" sabat naman ni Brielle na bakas ang inis para kay Gael.Natahimik siya at bahagyang yumuko dahil alam niyang totoo ang sinabi ng kaibigan. Bumaling sila sa paligid at nakita niya ang gulong ginawa niya.Binalingan niya ang kaibigan. "I'm sorry, Brielle nasira ko ang party mo," malungkot niyang sabi. "Natakot lang ako na aalis na si Kuya Gael kaya naglakas-loob na akong umamin sa kaniya.""Sira! Araw-araw mo namang inaamin 'yang pagkagusto mo sa kaniya, eh, pero ano'ng nangyayari? Hays! Kung hindi lang kita kaibigan, baka binatukan na kita ng paulit-ulit." Sa huli'y tumawa na rin si Brielle at niyakap siya."HUH? Nahihibang ka na ba, Tali? Ganiyan ka na ba ka-desperada kay Kuya Gael para gawin mo 'yang binabalak mo?" gulat na reaction ni Brielle nang sabihin ni Tallulah na handa siyang ibigay ang sarili sa binata para lang makuha ito.Yumuko siya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero wala siyang ibang maisip na paraan para hindi ito tuluyang umalis. "Pero aalis na siya, Brielle? He will leave me! Paano na ako kapag nawala siya? Hindi ko alam kung paano ako kapag tuluyan siyang nawala," aniya na naiiyak na naman dahil iniisip pa lang niyang iiwan siya ni Gael, pakiramdam niya'y mababaliw na siya.Nasapo ni Brielle ang noo nito. Mabuti na lang at nasa silid sila ng dalaga dahil kung marinig ni Kendric ang sinabi niya, baka nabatukan na siya nito."My God, Tali! You're out of your mind at hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang mawala si Kuya Gael dahil kinid-nap mo," naiiling nitong sabi. "Can you please think before you decide, Tali dahil hindi mo alam ang pwede
MARAHANG gumalaw si Tallulah mula sa kaniyang pagkakahiga. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit at hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita. Direkta rin niyang naramdaman ang malamig na hangin sa katawan niya.Kapagkuwa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid, senyales na mataas na ang sikat ng araw. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapansing wala siyang saplot at may matigas na bisig siyang inuunan habang may matipunong braso na nakayakap sa kaniya.Natigilan siya nang maalala kung ano'ng ginawa niya nang nagdaang gabi. Natampal niya ang kaniyang noo at nakagat ang pang-ibabang labi. Bigla niyang na-realize ang kagagahang ginawa niya. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha kahit tulog ito. Dama niya ang init ng katawan nitong nakayakap sa kaniya."Ano ba 'tong ginawa mo, Tali?" gusot ang mukhang tanong niya sa kaniyang sarili. Ano pang mukhang maihaharap niya sa binata gayong ibinaba niya a
"WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah."Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline."Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael."H-hind
"BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya."Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lan
"DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina.Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha.Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ra
"BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari.Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do."Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina.Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?"Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siy
DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya."M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed."T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit ng kaniyang ulo. "Just rest, Tali huwag ka munang magparagalaw dahil sabi ng Doctor, kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," paliwanag ni Caroline sa kaniya. Ngumiti ito na bakas doon ang
"GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa