Share

Kabanata 105

Kinulong si Ling Yiran sa isang kwarto sa loob ng bahay ng Feng Family, kasama ang isang lalaking hindi niya kilala. Malamang yun ang.... baliw na anak ng Feng Family.

Ginawa ni Ling Yiran ang lahat para manatiling kalmado. 'Kailangan kong makalabas dito, kahit anong mangyari!'

'Pero... paano? Hindi ako makatayo... Paano ako makakatakbo...' Noong binubuhat siya ng mga tito niya kanina, sinubukan niyang tumawag pero kinuha ng mga ito ang phone niya.

'Kahit anong mangyari, kailagan kong makatakas!'

Pero ang tanong bakit si Jin... Bakit si Jin ang tinawagan niya? Una, nasa Shen City si Jin kaya imposibleng makarating ito kaagad.

Pangalawa, ano namang magagawa ni Jin? Bakit hindi si Lianyi ang tinawagan niya, na pwede sanang makatawag ng pulis...

Siguro nga hindi niya namamalayan na si Jin na unang pumapasok sa isip sa lahat ng bagay...

Habang tumatagal, palabo ng palabo ang paningin ni Ling Yiran at ang naaninag niya nalang ay ang nakakatakot na lalaking tumatakbo papalapit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status