Share

Kabanata 106

Gulat na gulat ang mag-asawang Feng at ang mga tito ni Ling Yiran habang pinanunuod ang mga pulis na maghalughog sa buong bahay at noong sandaling papasok na ang mga ito sa kwarto kung saan nagaganap ang "business" nila, hindi na napigilan ni Feng Kai na sumigaw, "Bakit niyo hinahalughog ang bahay namin? May... may karapatan ba kayong pumasok dito?"

Sa takot na baka mapaano ang anak, gusto sanang pigilan ng mag-asawa ang mga pulis, pero hinarangan sila ng police-in-charge na kumausap sakanila kanina.

Noong sandali ring 'yun, nadiskubre na ng mga pulis ang naka lock na kwarto.

At parang sa mga pelikula, habang nasa climax na ng pag'reraid, may isa pang sasakyan ang dumating sa labas ng bahay ng mag-asawang Feng, na dire-diretsong pumasok sa loob ng bahay.

Natataranta ang police-in-charge na lumapit para i'report ang sitwasyon.

"Nahalughog na po namin ang buong bahay, at may nag-iisang kwarto po ang nakalock. Posible pong nasa loob ang hinahanap natin."

Habang nagsasalita ang p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status