"Waaag..." Sigaw ni Ling Yiran. Gustuhin niya mang pumalag pero kahit anong gawin niya, hindi talaga siya makawala kay Yi Jinli. Sobrang pula na ng buong mukha niya at may mga parte na rin ng maselang bahagi ng katawan niya ang nakalabas na. "Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!" Hindi niya alam kung anong gagawin niya habang tumatagal ay lalo siyang natataranta. Pero parang kabaliktaran ito kay Yi Jinli, na sobrang kalmado at para bang hindi naapektuhan sa pagsigaw at pagpupumiglas ni Ling Yiran. Tinignan niya ito ng diretso sa mga mata at nakangiting sinabi, "Ate, lakasan mo pa... Maraming bodyguard, nurse at doktor sa labas. Oo, maririnig ka nila, pero...." Huminto siya sandali bago siya magpatuloy na may halong pagkapilyo ang tono ng pananalita. "Pero isa lang ang sinisigurado ko sayo.... Walang maglalakas loob na papasok dito para iligtas ka." Hindi makagalaw si Ling Yiran. 'Totoo ang sinabi niya.... Kahit pa sumigaw ako ng sumigaw dito hanggang sa mawalan ako ng boses, wala ta
"Si Xiao Zigi lang ang nakakaalam na magkasama kami ni Yiran ngayon, pero si Xiao Ziyi ang nagkalat sa pinaka maling panahon." "Makikita talaga ng Xiao Family kung anong hinahanap nila...Dalhin mo si Xiao Ziyi dito sa ospital." Utos ni Yi Jinli kay Gao Congming. "Masusunod po, Young Master Yi." Magalang na sagot ni Gao Congming at nagpatuloy siya sa pagrereport. "Tungkol naman po sa reporter na nahuli namin noong nakaraan. Ayon po sakanya, ang picture daw po na buhat-buhat niyo si Miss Ling ay kuha ng isang nurse na nagtatrabaho dito at ang nurse po na ito ay pinost sakanyang WeChat Moments. Sa ngayon po burado na po ang picture, pero sigurado pong marami na ring nakakita." "Siguraduhin niyong mananagot yang nurse na yan, at gusto kong mas higpitan niyo pa ang security sa buong ospital. Ayokong makarinig na may nakasalisi sa VIP room ni Yiran." Walang emosyong utos ni Yi Jinli. "Opo. Sisiguraduhin ko pong hinding hindi mangyayari 'yun." Panigurado ni Gao Congming. Sa bahay ng
Kung noon ang pag-uusapan, sobrang naeexcite si Xiao Ziyi tuwing may pagkakataon siyang makita si Yi Jinli ng malapitan, pero ngayon.....kung pwede lang siyang umalis..... kanina niya pa ginawa. "Nandito ka na pala." Walang emosyong sabi ni Yi Jinli. Hindi alam ni Xiao Ziyi kung paano siya sasagot. Ang itsura niya at parang sa isang kawawang bata at ilang segundo rin siyang hindi nakasagot bago niya mangiyak-ngiyak na sinabi, "Mr. Yi, bakit niyo po ako pinatawag?" Walang kaide-ideya si Ling Yiran sa nangyayari, kaya naguguluhan niyang tinignan si Xiao Ziyi at si Yi Jinli, at higit sa lahata, wala siyang maisip na kahit na anong rason kung bakit kailangang ipatawag ni Yi Jinli si Xiao Ziyi. Nang mapansin ni Yi Jinli na naguguluhan si Ling Yiran, ngumiti siya rito at mahinahong nagpaliwanag. "Ate, wala kang kaalam-alam sa nangyari no? Noong isang araw, nagkita sila ng bestfriend mo na si Qin Lianyi. Alam mo ba na inaway siya ni Miss Xiao? Noong una, hindi maisip ni Ling Yiran k
Sobrang sama ng tingin ni Xiao Ziyi kay Ling Yiran. Samantalang si Yi Jinli naman ay hinihimas ang likod ng isang kamay ni Ling Yiran at sinabi, "Ano namang masama sa paglilinis ng sapatos ng isang street sweeper. Kapag sinabi ko, kahit pa ikaw ang anak ng mayor, kailangan mo pa ring sumunod!" Hindi makapagsalita si Xiao Ziyi.... Alam niya sa sarili niya na malayong malayo siya sa anak ng mayor... "Miss Xiao, pwede po bang paki'bilisan? Baka po mawalan na ng pasensya ang Young Master. Pangtataranta ni Gao Congming. " Kapag po nawalan ng pasensya si Young Master Yi, sigurado ako na hindi lang paglilinis ng sapatos ang kailangan mong gawin." Hindi mapinta ang itsura ni Xiao Ziyi. Kung titignan, para siyang isang batang inagawan ng kendi, pero labag man sa loob niya, paika-ika siyang naglakad papunta kay Ling Yiran at yumuko para linisin ang sapatos nito gamit ang tissue na hawak niya. Hindi makapaniwala si Ling Yiran habang pinagmamasdan si Xiao Ziyi dahil sa buong buhay niya,
Pero ni hindi manlang tumingin si Yi Jinli kay Xiao Ziyi, na para bang hindi niya ito naririnig at muling sinabi kay Ling Yiran. "Ate, ano sa palagay mo? Okay na ba yan?" Sa puntong 'to, kahit pa sobrang kinamumuhian ni Xiao Ziyi si Ling Yiran, wala siyang ibang magawa kundi ang mag'makaawa dito. "Ling Yiran, a.... alam kong nagkamali ako.... Hindi ko dapat ginawa yun sa kaibigan mo. Hi... hihingi ako ng tawad sakanya. Parang awa mo na..." Nakatitig lang si Ling Yiran kay Xiao Ziyi habang umiiyak ito, at hindi siya apektado dahil alam niya na kahit pangalan niya ang sinasabi nito ay hindi talaga ito sakanya nagmamakaawa, kundi kay Yi Jinli. At habang pinagmamasdan niya si Xiao Ziyi, walang katiting na awa siyang nararamdaman, lalo na kapag naiisip niya na ganun ang pinagdaanan ni Qin Lianyi.... nangingibabaw ang galit niya kay Xiao Ziyi, at sa sarili niya... 'Okay lang sana kung ako nalang, pero bakit kailangan pang madamay ni Lianyi?' 'Sobrang dami ng ginawa ni Lianyi para
Kung totoo mang tutulungan ni Yi Jinli na maghiganti si Ling Yiran sa Xiao Family.... sobrang daming mawawala sa mga Xiao at malaki ang posibilidad na ang mga pangalan nila sa mga kilalang pamilya sa buong Shen City. "Young... Young Master Yi, A..." Gusto sanang magmakaawa ni Xiao Zigi. Pero biglang nagsalita si Ling Yiran. "Hindi na kailangan. Wala na akong pakielam sakanya. Mula noong naghiwalay kami, hindi ko na siya kilala, at sa totoo lang, pinagpapasalamat ko pa ang car accident kasi nagising ako sa katotohanan." Nang marinig ni Xiao Zigi ang sinabi ni Ling Yiran, lalo siyang namutla at halos hindi makatingin dito dahil bilang lalaki, malaking insulto ito para sakanya. "Okay," Tumayo si Yi Jinli at naglakad palapit kay Xiao Zigi. Tinapik niya ang balikat nito at sinabi, "Magpasalamat ka sakanya kasi ayaw niyang maghiganti sayo kasi kung nagkataong pumayag siya, sisiguraduhin kong mabubura talaga ang pangalan ng mga Xiao sa business industry next year." Sa sobrang takot
"Hindi ako pwedeng tumanggi, tama?" Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli, at unti-tunting nawala ang ngiti niya. Umayos siya ng tayo at pabulong na sumagot, "Hindi. Pwede ka namang tumanggi. Hindi ako magagalit, pero..." Muli siyang ngumiti kay Ling Yiran. "Ate, sigurado ka bang ayaw mo?" Hindi makasagot si Ling Yiran dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kung papayag siya, alam niya na totoong magbabago ang buhay niya. At siguro kung ibang tao ang magsasabi nito sakanya, walang pagdadalawang isip siyang papayag. Pero, dahil si Yi Jinli.... Sobrang natatakot siya. Hindi naman talaga siya pinagbuhatan nito ng kamay noon, pero.... sobra sobra na ang isa nitong salita para magdusa siya sa kulungan... Sa tatlong taon niyang nakakulong, sinubukan niyang ilaban ang kaso niya pero palagi siyang natatalo lalo na kapag nalalaman na ang taong napatay niya raw ay fiance ni Yi Jinli. Kaya nga mula 'nun, naisip niya na yung mga pekeng ebidensya at mga witness ay pakana lahat
"Miss Ling, kung papayag po si Mr. Yi, pwede na po kayong makalabas." Magalang na sagot ng doktor. Hindi inaasahan ni Ling Yiran na ganun ang maririnig niya. 'So pati pala paglabas ko ng ospital, kailangan ko pa ring ipaalam sakanya....' "Okay po." Pagkaalis ng doktor at nurse, pumunta siya sa CR para manalamin at pagmasdan ang mukha niya. Mula pagkabata niya, marami ng nagsasabi sakanya na maganda siya at yun na rin ang bumaon sa isip niya, pero para sa mga taong kasing taas ni Yi Jinli, mukha lang siyang ordinaryong babae na walang binatbat. 'Ano ba talagang nagustuhan sakin ni Yi Jinli? Dahil ba sobrang tanga ko na napagbintangan ko siyang pulubi at naenjoy niya naman ang pagpapanggap? Bakit hanggang ngayon gusto niyang magsama pa rin kami?' Hinawakan niya ang mga labi niya at bigla sumagi sa isip niya ang halik ni Yi Jinli. Tanddang tanda niya pa yung sinabi ni Lianyi sakanya noon, "Yiran, alam mo ba na ang ganda ganda ng mga labi mo?" "Maganda?" Hindi niya alam kun