"Sige po." Dali-daling sagot ni Gao Congming. Bilang secretary ng Young Master, nakabuntot lang siya kay Yi Jinli mula noong umalis sila sa mansyon ng mga Yi hanggang sa makarating sila sa ospital. Pagkapasok ni Yi Jinli sa VIP room, naabutan niya si Ling Yiran na nakaupo ng sobrang tuwid. Oo... Sobrang tuwid, na parang isang sundalo. "Gusto mo na bang lumabas ng ospital?" Tanong ni Yi Jinli. "Mm." Sagot ni Ling Yiran. Pero bigla siyang natigalan nang makita ang scarf na naka pulupot sa leeg ni Yi Jinli. Yun ang.... scarf na tinahi niya para rito. Ginawa niya 'yun noon kasi natatakot siya na baka ginawin ito pag dating ng winter. Pero... nakakatawa na hindi naman pala nito kailangan dahil siguradong kaya nitong bumili ng maraming maraming scarf... "Binibigyan ulit kita ng pagkakataong magpalit ng desisyon. Pagisipan mong maigi. Ayaw mo ba talaga akong makasama?" Sa tanang buhay ni Yi Jinli, wala pa siyang naalalang nagbigay siya ng pangalawang pagkakataon sa kahit kanino
Walang magawa si Ling Yiran. 'Tama... Kahit pa anong sigaw ko dito, wala namang maglalakas loob na iligtas ako, diba? 'Dahil kung sinuman ang makakaisip nun ay parang pinain na nila ang mga sarili nila kay Yi Jinli.... Nang mahimasmasan siya, naramdaman niya nalang ang dila ni Yi Jinli na sinusubukan pumasok sa pagitan ng mga ngipin niya. 'Wag! Ayoko!' Sa sobrang taranta, hindi niya sinasadyang makagat ang dila ni Yi Jinli. At hindi nagtagal, nangibabaw na ang lasa ng dugo nito kya bigla siyang napaatras. "Du...dugo ba 'to ni Yi Jinli? Oo.... nakagat ko nga ata talaga siya...' Pero para kay Yi Jinli, balewala ito at nagpatuloy lang siya sa paghalik kay Ling Yiran. Hindi na alam ni Ling Yiran kung gaano katagal na ang lumipas pero nang matapos na sila ay halos hindi niya na maramdaman ang mga labi niya at wala siyang ibang malasahan kundi ang dugo ni Yi Jinli... "Masarap ba?" Pilyong bulong ni Yi Jinli. Tuloy-tuloy ang pagdaloy ng dugo sa bibig niya pero parang wala la
Kahit hanggang pagsuka, nanginginig pa rin ang buong katawan ni Ling Yiran at nang sandaling matapos siya ay pakiramdam niya'y parang mahihimatay siya. Napasalampak siya sa sahig at doon niya tinignan si Yi Jinli na nakatayo sa labas ng pintuan ng CR. Bakas sa mukha nito ang sobrang lungkot. "Sobra ka ba talagang nandidiri sakin?" Walang emosyong tanong ni Yi Jinli. Hindi sumagot si Ling Yiran pero niyakap niya ang tuhod niya habang nanginginig ang kanyang buong katawan, na para bang takot na takot siya kay Yi Jinli. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman ni Yi Jinli na may taong nandidiri sakanya at sobrang sama ng loob niya. 'Kailan ko pa hinayaang ganituhin ako ng isang babae? Ako si Yi Jinli at lahat ng babaeng gustuhin ko dito sa Shen City ay pwede kong makuha! 'Pero bakit parang baliw na baliw ako sa ordinaryong babaeng 'to... Oo, masaya akong kasama siya, pero hinding hindi ko ibababa ang sarili ko para sa isang babaeng nandidiri sa akin.' 'O siya, Ling Yiran. Tutal
Pagkatapos mapahiya, umuwi si Ling Yiran sa maliit niyang apartment. 'Ilang araw palang ang lumilipas simula noong magbagong tao, pero parang dekada na ang nagdaan sa sobrang daming nangyari.. Pinagmasdan niya ang kanyang buong apartment, at muli niyang naramdaman ang sobrang lungkot na aura nito. 'Mula ngayon, mag-isa nalang ako ulit... 'Wala nanaman akong makakasamang matulog at makakakwentuhan.... Wala na rin yung 'Jin' na maghihintay sa akin at masayang babati ng 'Ate!' tuwing umuuwi ako. Napabuntong hininga nalang siya at kumuha ng malinis na damit para maligo bago siya magligpit. 'Kahit na ilang buwan lang na tumira dito si Yi Jinli, sobrang dami niyang iniwang bakas.... Lahat ng mga pinagkakainan niya, yung twalya niya, at kahit yung toothbrush, mag damit at sapatos na ginagamit niya....' Isa-isa niyang kinuha ang mga ito at isinilid sa loob ng isang kahon. 'Bakit ko 'to itatapon? Oo, pwedeng kalat nalang 'tong mga 'to ngayon, pero mahalaga 'to sakin kasi masaya akon
'Pero hanggang ngayon, paniwalang-paniwala pa rin sila ng mga ebidensyang wala namang katotohanan.' "Bakit ba gustong gusto nilang inaapi ka! Akala mo naman perpekto sila at talagang alam nila ang totoo!" Naiinis na sagot ni Qin Lianyi. "Ano ka ba, tapos na yun at wala rin naman yun sakit." Kalmadong sagot ni Ling Yiran. Habang pinagmamasdan ang kaibigan, hindi maiwasan ni Qin Lianyi na maalala ang mga pinagdaan ng nito at napabuntong hininga nalang. 'Noong unang beses kong makita si Yiran pagkalaya niya, sobrang dami niyang sugat. May iba na gumaling na pero mas marami yung hindi pa at mukhang bago lang, pero ni isang beses hindi ko siya narinig na uminda o nagreklamo.' 'Pero kahit wala isyang sabihin, ramdam ko na hindi biro ang pinagdaanan niya noon sa kulungan.' "Oo nga pala, siya ba talaga si Yi Jinli?" Muling tanong ni Qin Lianyi. Tumungo si Ling Yiran. "Oo." "Pero.... kung siya nga talaga si Yi Jinli...bakit kailangan niya pang magsinungaling sayo na pulubi siya at
"Wag kang mag-alala, walang problema dun. Alam naman na nilang lahat na ako yung nakapatay kay Hao Meiyu at nakulong ako ng tatlong taon." Halatang malalim ang iniisip ng lalaking nakaupo sa sofa. Nakasalumbaba ito at may hawak naman na wine glass sa kabila nitong kamay. Sobrang gwapo at mukhang kagagalang-galang, na para bang kahit sinong babaeng makakita dito ay imposibleng hindi maging interesado. 'Kung babae lang din siguro ako, nabaliw na ako sakanya. 'Kaya nga naiintindihan ko ang mga babae dito sa Shen City na nagkakandarapang mapansin niya!' Nakatulala si ye Chongwei kay Yi Jinli, na nakaupo sa hindi kalayuan. 'Pero wala namang nagtatagumpay.... 'Kasi sa tuwing susubukan ng babae na lumapit sakanya, iba ang kinahihinatnan ng mga ito. "Bakit umiinom ka dito ng mag-isa? Dapat dinala mo yung babae mo para makilala namin siya. Gusto ko talagang makita ang babaeng naging dahilan ng pagiwan ng Young Master sa Old Master noong kalagitnaan ng New Year's eve!" Nakangiting sabi
At kapag sinusubukan niyang halikan ito, palagi lang itong umiilag. Kaya napapraning siya lalo na at may record si Gu Lichen na mahilig magpapalit-palit ng girlfriend. Higit sa lahat, hindi naman na siguro bago sa mga tao ang ugali nitong pagsasawaan lang ang mga babae, at kapag nakuha na nito ang gusto nito, aalis nalang ng bigla. Desidido talaga si Ling Luoyin na makuha ang puso ni Gu Lichen kaya kailangan niyang ayusin ang bawat kilos niya dahil hindi ito pwedeng mawala sakanya. Mas matagal, mas maganda dahil mas marami siyang nakukuha. 'Ngayong namumuhay na ako sa buhay na pangarap ko lang noon at natitikman na ang mga pagkaing hindi ko pwedeng kainin noon, hindi ako papayag na bumalik ako sa dati kong buhay. 'Isa pa...' Tumingin si Ling Luoyin kay Gu Lichen, na nakatayo sa tabi niya. 'Gwapo rin naman talaga siya, kaya nga ganun-ganun nalang magkandarapa ang mga babae sakanya. 'Kaya masasabi kong hindi lang naman talaga yung pera at mga kaya niyang gawin para sakin ang h
Nang sandaling marinig ni Ling Luoyin ang boses ni Yi Jinli, lalo siyang kinilabutan at bumilis ng sobra ang tibok ng puso niya. 'Siya... Siya ba talaga....' "Jinli, magkakilala kayo?" Takang-takang tanong ni Ye Chongwei nang marinig niya ang sinabi ni Yi Jinli. Oo, artista si Ling Luoyin pero para sa isang Yi Jinli, isa pa rin itong ordinaryong tao at para sakanya, imposibleng nagkita na ang dalawa noon. "Oo, nagkita na kami dati." Walang emosyong sagot ni Yi Jinli. Noong oras na yun, halos lumuwa na ang mga mata ni Ling Luoyi sa sobrang gulat, at pakiramdam niya ay titilapon na ang puso niya palabas sa sobrang bilis ng tibok nito. 'Siya.... siya nga yung lalaking nakita ko sa apartment ni Ling Yiran! Akala ko.... akala ko kapwa ex-convict lang siya ni Ling Yiran!' 'At kahit kailan, ni hindi sumagi sa isip ko na baka siya si Yi Jinli kasi bakit ko naman maiisip yun diba?!!!!' Halos mahimatay si Ling Luoyin sa kinatatayuan niya. 'Anong nangyayari.... Bakit nakita ko si Yi Jin