Share

Kabanata 143

"Hindi ako pwedeng tumanggi, tama?"

Biglang kumunot ang noo ni Yi Jinli, at unti-tunting nawala ang ngiti niya. Umayos siya ng tayo at pabulong na sumagot, "Hindi. Pwede ka namang tumanggi. Hindi ako magagalit, pero..."

Muli siyang ngumiti kay Ling Yiran. "Ate, sigurado ka bang ayaw mo?"

Hindi makasagot si Ling Yiran dahil hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Kung papayag siya, alam niya na totoong magbabago ang buhay niya.

At siguro kung ibang tao ang magsasabi nito sakanya, walang pagdadalawang isip siyang papayag.

Pero, dahil si Yi Jinli.... Sobrang natatakot siya. Hindi naman talaga siya pinagbuhatan nito ng kamay noon, pero.... sobra sobra na ang isa nitong salita para magdusa siya sa kulungan...

Sa tatlong taon niyang nakakulong, sinubukan niyang ilaban ang kaso niya pero palagi siyang natatalo lalo na kapag nalalaman na ang taong napatay niya raw ay fiance ni Yi Jinli.

Kaya nga mula 'nun, naisip niya na yung mga pekeng ebidensya at mga witness ay pakana lahat
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status