Sa pagtatapos ng araw, siya ay isang laro lamang para kay Yi Jinli. “Sa akin na lang ‘yon!” ang kanyang boses ay umalingawngaw sa mga tainga ni Ling Yiran. ‘Tama, sa kanya na lang iyon. Wala ako sa posisyon na magtanong.’“Aalis ka kapag binigay ko sayo ang larawan?” ani Ling Yiran pagkatapos humugot ng malalim na hininga. Nanginig siya habang ang kanyang mga pilikmata ay kumibot ng kaunti. Mahabang oras bago niya sinabi ang salitang, “Oo.”“Sige, ibibigay ko sayo ang larawan,” Tinulak niya si Yi Jinli, tumungo sa cupboard, at hinukay ang photo album. Tapos, ay kinuha niya ang larawan ng kanyang pagkabata suot ang isang floral dress sa album. Gusto lang niya siyang umalis nang mabilis hangga't maaari. Ang mas mahaba siya ay nanatili sa maliit na inuupahan na bahay, mas guguluhin niya ang kanyang isip.Gusto lang niyang lumayo sa kanya upang siya ay huminahon at makalimutan siya.Ibinigay ni Ling Yiran ang larawan kay Yi Jinli.Inabot niya ang kanyang kamay upang kunin ang
“Kung kay Gu Lichen ako babalik, hindi niya ako tatratuhin na parang laruan...” Nagpatuloy ang boses niya. ‘Tigil. Tigil...’Hindi na gusto ni Yi Jinli na marinig ang kahit na ano mula kay Ling Yiran tungkol sa posibilidad ng pagbalik niya kay Gu Lichen...Sa sumunod na sandali, binaba niya ang kanyang ulo at maigting na dumiin ang kanyang mga labi sa mga labi ni Ling Yiran na nilulunok niya ang mga tinig nito. Napatigil si Ling Yiran. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya bigla ni Yi Jinli.‘Ano ‘to? Wala na kami! Hindi ko gusto ang halik na ganito!’Desperadong pumiglas si Ling Yiran. Pero, sa tuwing lalong pumipiglas siya, mas dumidiin ang halik ni Yi Jinli sa kanya. Pinipirmi rin niya ang mga kamay ni Ling Yiran at hindi siya hinahayaang gumalaw. Nang natapos na ang halik, pinagdikit niya ang kanyang noo kay Ling Yiran, at sa isang paos na boses, nagmakaawa siya ng isang bulong. “Huwag... kang bumalik kay Gu Lichen, naiintindihan mo ba ako?”Ang tinig na ito ang na
“Hindi na, salamat, hindi naman ito gaanon kasakit. Hindi ko gustong pumunta sa ospital dahil lang dito,” agad agad na sinabi ni Ling Yiran. “Paandarin mo na ang sasakyan,” malamig na sinabi ni Yi Jinli sa driver. Pinaandar ng driver ang sasakyan at nagmaneho papunta sa ospital. Alam ni Ling Yiran na kapag nagdesisyon si Yi Jinli sa isang bagay, masusunod at masusunod ito hanggang matapos. Kaya nanatili siyang tahimik. Dahil wala rin siyang ano mang paraan para makatakas, kaya niya lamang tanggapin ang kahit na anong mangyari.Tsaka sa mga nagdaan na mga taon, ang natutuhan niya ng sobra ay ang paghintay at pagtanggap. Medyo nagulat siya sa katahimikan ni Ling Yiran. Umupo lang siya ng tahimik sa kotse kasama ang pamumutla ng kanyang mukha at pagkunot ng mga kilay. Ang kanyang maliwanag na hugis almond na mga mata ay halos pumipikit na habang ang kanyang mga kamay ay tinatakpan ang mga tuhod niya. Ang mga asul na ugat niya ay medyo lumalabas na, na para bang nilalabanan ni
Ang sasakyan ay nagmaneho patungo sa bungad ng ospital, at binuhat ni Yi Jinli si Ling Yiran sa buong pasilyo ng ospital. Ginamot si Ling Yiran ng parehong doktor. Matapos tingnan ang kanyang tuhod, sinabi ng doktor, “Malamang ay ito ay sa kadahilanang bigla mo na lamang tinigil ang pag-inom sa mga gamot mo, kaya ngayon ay binibigyan ka nito ng physical discomfort. Tsaka, linagnat ka, na siyang dahilan ng pagsakit ng tuhod mo kada oras. Ang paggamot sa ganitong problema sa kasu kasuan ay pangmatagalang gamutan. Kung tinigil mo na ang pag-inom ng mga gamot mo, mas mapapalala lang nito ang sitwasyon.”“Resetahan mo siya. Papapuntahin ko siya lingo lingo,” malamig na sinabi ni Yi Jinli. “Hindi na, salamat. Hindi ko kailangan ng kahit anong pangmatagalang gamutan. Bigyan mo lang po ako ng kahit ano para maibsan ang pananakit,” sabi ni Ling Yiran. Tumingin ang doktor kay Yi Jinli dahil naging hindi kumportable ang tension sa paligid. “Gawin mo ang sinabi ko,” sabi ni Yi Jinli.
“Hinalikan... Hinalikan ka?” namula ang mga pisngi niya, at nagsisimula na rin siyang mautal. Tumingin siya kay Ling Yiran at hindi napagtanto kung gaano siya kauhaw. “Oo, gabi sa bungad ng Drunken Days.”Talagang hindi nakapagsalita si Ling Yiran. ‘Drunken Days?’Mukhang mali talaga ang pag inom niya!Hindi niya inaasahan na may halik na naganap noong nawalan siya ng malay!“Kung hindi ka naniniwala sa akin, papapuntahin ko si Congming para sayo at siya ang tanungin mo,” sabi niya. ‘Congming? Gao Congming? Sekretarya niya? Nakita niya ‘yon?’ mas lalong namula ang mukha ni Ling Yiran. “O titingnan pa ba natin ang CCTV footage noong gabing iyon. Malamang ay mayroon silang bidyo ‘non,” dagdag pa niya. ‘CCTV... kasama ba iyon sa nakakakita?’“Hindi... Hindi na,” sabi niya, mukhang nahihiya. Kung alam niya lang kung ano ang ikikilos niya pagkatapos makainom noong araw na iyon, malamang ay hindi siya iinom kahit isang patak lang. Binaba ni Ling Yiran ang kanyang ulo at hind
‘Sino ba talaga ang... babaeng ito? Hindi siya mukhang isa sa mga may antas dito sa syudad. Nakasuot lang siya ng ordinaryo at mukhang mumurahin na mga damit.’Pero, si Young Master Yi ay minasahe ang kanyang mga tuhod at naghihintay din sa kanya para mainom na niya ang mga gamot niya. Ang kahit na sino ay makikita na ang babaeng ito ay importante kay Young Master Yi. Nakatingin si Ling Yiran sa gamot na nasa harap niya, gustong matawa at maiyak ng sabay. Ang lalaki ay sobrang naging tanga noong naghiwalay sila, pero ngayon ay binibigyan niya si Ling Yiran ng gamot at isang bote ng tubig tulad ng siya ay parang isang maginoo noong sila pa. Ang pagiging maginoo at katangahan ay lahat na nagpapahiwatig sa kanya ng pagkamanhid at walang pakialam. Tahimik niyang kinuha ang gamot at ang isang boses ng tubig bago niya nilunok ang gamot sa isang lagok ng tubig. Tapos ay binuhat siya ni Yi Jinli at lumabas ng ospital. Ang kotse ay pumarada sa bungad ng ospital. Binaba siya ni Yi J
‘Gusto niyang kalimutan ako, at kakalimutan niya na ako?’Kahit na kalmado ang boses niya, klaro pa rin ang determinasyon dito.Bang!Biglang niyang tinaas ang kanyang kamay at sinuntok ng malakas ang sasakyan!“Young Master Yi!” nauutal na sigaw ng driver, ang gulong gulo na ekspresyon lamang ang nakita niya sa gwapong mukha ng mataas at hinirang na lalaki sa kanyang harapan. ...Bumalik si Ling Yiran sa kanyang bahay at humilata sa kama, pagod na pagod. Pagod na pagod siya na para bang nakipagsapalaran siya sa giyera ngayon. Pero nilinaw na niya ngayon ito, hindi na lilitaw muli si Yi Jinli sa kanya. Tsaka masyado siyang mayabang na lalaki. ‘Ate...’ Hindi niya inaasahan na maririnig niya mula kay Yi Jinli na tawagin siyang ‘Ate’ ngayon ulit. Pinapaalala lang nito sa kanya ang buhay na mayroon siya pagkatapos niyang dalhin si Yi Jinli pabalik sa maliit ng paupahang bahay. Mahirap ang buhay, pero may matamis ito. Naramdaman niya talaga na parang nagkaroon ulit siya
Tinawag ni Ling Yiran ang nasa tanggapin at sinabihan ito na itapon ang mga rosas. Ang nasa tanggapan ay hinati hati ang mga roses sa isang palumpon at ibinahagi ang mga ito sa lahat ng nasa kompanya. Libreng rosas naman sila, kaya maraming mga tao ang nasiyahan nang natanggap ang mga ito. Si Guan Lili lamang ang mukhang dismayado na parang inutangan siya ng milyong dolyar. ‘Ibig sabihin ba nito ay... hindi talaga naghiwalay sina Ling Yiran at Yi Jinli? Iyon baa ng dahilan kung bakit may nagbayad ng bill para sa kanya sa Druken Days at nagpadala ng mga rosas sa kanya ngayon? Pero kung hindi talaga sila naghiwalay, bakit ang pangit manumit ni Ling Yiran? Kahit na ang bag na dala niya sa opisina ay disenyo mula pa ilang taon na! Tsaka mukha talagang luma ‘to!’Habang iniisip niya ang mga ito ay nagningning ang mga mata ni Guan Lili at nakaisip ulit ng bagong plano. Hindi nagtagal ay tinawag si Ling Yiran sa opisina ni Lawyer Gu. “May boyfriend ka?”Diretsong tanong ni Lawyer Gu