Share

Kabanata 66

Nanlaki ang mata ni Doktora Jessa nang makita ako. Bumakas ang gulat at ang takot. Nanatili lamang siya na nakatingin sa akin. Animo nanigas at 'di na makagalaw.

Humakbang ako palapit. Sinundan niya lamang ng tingin ang kada-hakbang ko. Hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kan'ya saka siya animo'y nahimasmasan.

Tumayo ng maayos at tumikhim. "Mr. Fabriano," bigkas niya, pinipilit maging kalmado pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang mga labi at mga matang mapagkunwari.

" 'Vianna May?" patanong na bigkas ko sa pangalan ng asawa ko.

"Po... " nasambit niya, kasabay ang paghawak sa backrest ng link chairs. Tila doon siya kumukuha ng lakas para hindi tuluyang bumagsak.

"Nasaan ang asawa ko?" walang paligoy-ligoy kong tanong.

Hindi na naman nakaligtas sa akin ang paglunok niya na animo may bara sa lalamunan."M-Mr. Fabriano..." utal niyang tugon.

"Doktora... Kanina ka pa po, pinapatawag ng director!" biglang singit ng nurse.

Walang tanong na kaagad l
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status