Matalim na titig ang pinukol ko kay Romeo na hanggang ngayon hindi pa rin nakakatayo matapos tumama ang kamao ko sa bibig niya.Matagal kong hinintay ang panahong ito. Ang muling makaharap ang taong dahilan ng paghihirap ko. Paghihirap namin ng asawa ko."Diego!" muli niyang bigkas sa pangalan ko, kasunod ang pagdura.Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Pero nakuha pa rin niya ang tumawa."Ako nga!" Madiin ang bigkas ko sa mga katagang 'yon. Gusto kong ipamukha sa kan'ya, na oo buhay ako. Buhay na buhay para pagbayarin siya sa lahat ng kawalang-hiyaan niya. Para ipalasap sa kan'ya ang lahat ng kahayopan niya.Kung anong talim ng tingin na pinukol ko sa kan'ya gano'n din ang ginawa niya. Pinahid nito ang dugo sa labi, kasabay ang pagtagis ng bagang."May sa pusa ka pala!" nakangising bigkas niya. Akmang tatayo, ngunit hindi ko siya hinayaan.Sunod-sunod na sipa ang ginawa ko. Kada sipa, bumabalik sa alaala ko ang ginawa niya sa akin. Gusto kung ipatikim sa kan'ya ang nararamdaman ko noo
"Sir Nelson," sigaw ng mga tauhan ni Nelson. Habang alerto nang nakaharang sa likod nila.Rinig ko pa ang pagwawala at pagsisigaw ni Romeo. Pero wala na kan'ya ang atensyon ko. Nasa asawa ko na at sa kaibigan kong mahigpit na yumakap sa asawa ko. Nakatayo lamang sila na animo napako sa kinatatayuan nila. Gaya ko na hinto rin sa paghakbang. Kita ko pa ang pagbaba ng kamay ni Nelson mula sa ulo papunta sa balikat ng asawa ko. Kumawala ang hagulgol ko kasabay din ang paghagulgol ng asawa ko. Ang kaninang ngiti sa aming mga labi napalitan na naman ng nginig at takot. Mabilis kong tinawid ang aming agwat at kaagad niyakap ang asawa ko. Habang yakap pa rin ito ni Nelson mula sa likod. Kumapit ang isa kong kamay sa balikat ng kaibigan ko na hindi pa rin gumagalaw hanggang ngayon. "P're," mahinang tawag ko sa kan'ya. Nangungusap ang mga matang tumitig sa kan'ya. Tipid na ngiti at matiim na titig lamang ang naging tugon niya kasabay ang pagdaosdos niya hanggang sa tuluyan na siyang bumagsa
Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap ng asawa ko. Talagang diniin niya ang mukha ko sa dibdib niya.Takot na takot na may makita akong hindi kaaya-aya. Na curious tuloy ako. Sinubukan kung makawala mula sa yakap niya. Para sumilip man lang sana kung ano ba ang nakita niya. Pero lalo niyang diniin ang mukha ko sa dibdib niya."Di... bakit ba?" Iling ang tugon niya. Tanda na ayaw nga niya akong sumilip man lang.Nagpakawala siya ng marahas na buntong-hininga. Pero wala pa talaga siyang plano na bitiwan ako."Walang hiya ka, P're! Alalang-ala ako sa'yo! Kahit masakit ang katawan, kahit nanginginig ako. Nagpumilit pa rin ako na alamin kung ano na ang kalagayan mo. Akala ko, kung na pa'no ka na. Nagpapasarap ka lang pala!" singhal niya kay Nelson.Gigil na gigil siya, 'yong nginig ng kamay niya na nakikita ko kanina dahil sa pag-aalala sa kaibigan namin ay napalitan ng nginig ng inis. Ramdam na ramdam ko ang marahas niyang paghinga. Pamaktol niya pa na pinahid ang mga luha."Nagpap
"Vianna May..." Mama ni Romeo ang nagsalita na hindi ko magawang tingnan. Hindi ko magawang batiin. Yuko-ulo akong napahagulgol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Lalo't rinig ko ang paghikbi nila. Bakit ba sila nagpunta? Gayo'ng sariwa pa sa akin ang lahat. Sana hinayaan na muna nilang maghilum kahit man lang ang mga sugat sa aming katawan. Doble-dobleng sakit kasi ang nararamdaman ko. Dahil alam kong nasasaktan din sila, lalo't nakita nila ang mga pasa at sugat sa katawan ko na gawa ng demonyo nilang anak.Akmang tatalikod na ako para lumabas, pero pinigil ako ng asawa ko kasabay ang paghaplos sa balikat ko. Nangungusap ang mga mata niya na nagpakalma sa pag-iyak ko. Giniya niya ako palapit sa kinaroronan ng mga magulang ni Romeo. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap makita ang mga taong tinuring ko na rin na mga magulang noon. "Vianna May," pumipiyok ang boses ni Mommy Edna, nang bigkasin nito ang pangalan ko. Muli akong yumuko at tiniim ang mga mata. Hindi ko kay
Katatapos ko lang umiyak, ngayon umiiyak na naman. Wala na yata itong katapusan. Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Mahapdi na. Pero kahit na ayoko na sanang umiyak. Iba naman ang dulot ng iyak na 'to. Iyak ng saya.Ilang buwan na ba ang lumipas mula no'ng umalis itong kaibigan naming si Dorry. Hindi ko na matandaan. Pero hindi naman problema kung gaano katagal kaming hindi nagkita at nagkasama. Ang mahalaga, magkaibigan pa rin kami at wala pa ring nagbago."Kumusta, Mia? Maayos na ba pa ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?" Haplos ni Dorry ang mukha ko, pinahid ang mga luha. Gaya ng ginawa niya sa asawa ko kanina.Umiyak din kaya siya, kaya may pahaplos din itong si Dorry sa pisngi niya. Nakangiti na siya nang nilingon niya ako. Mapang-asar pa nga na ngiti ang ginawa niya."Hindi pa rin maayos... ang dami ko pang iniindang sakit. Pero darating din ako d'yan... sa sinasabi mong maayos.." Mapait akong ngumiti."Talagang hindi mo magawang magkunwari!" Iiling-iling siya."Naman!
Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g