Share

Chapter 80

(Dahlia POV)

Nang magising ako, may nalaglag na kumot sa aking balikat. Napatitig pa nga ako. Kinuha ko ang kumot, at nais kong tanungin kung sino ang naglagay noon sa akin, pero di ko na ata kailangan magdalawang-isip. Natitiyak kong si Sir Venal ang may gawa noon.

Bumukas ang pinto, at nakangiting lumapit ang dalawang assistant na may dalang paperbag.

“Miss Dahlia, hetong mga damit ang nahanap namin para makapagpalit kayo. Baka kasi magkasakit kayo kapag hindi pa kayo nakapagpalit ng damit.”

“Ah, nag-abala pa kayo. Ako na ang bahalang—.”

“Tangapin mo na yan Dahlia.” Sabat ng pumasok, at si Madam Lilith. Kaagad akong napayuko dito. “Magpapalit ka ng damit o gusto mong magkasakit. Anong pipiliin mo? Asa ka namang may damit ka pa sa bahay ninyong nasunog. Magpalit ka na ng damit.”

Wala akong nagawa kundi tangapin ang ilang paperbag na ang halos laman mga damit nga. “Maari ko bang tangapin yung pamalit ko lang ngayon?”

“Aba, ang arte. Lahat yan branded, at wag kang mag-alala hindi ka na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status