(Dahlia POV)Lumabas na ako ng silid ni Grandma. Sinalubong naman ako ng dalawang assistant.“Miss Dahlia?” Parang gusto nilang malaman kung saan ako pupunta. Ngumiti ako sa kanila.“Nais kumain ni Grandma, at itatanong ko sa doktor kung ano ang maari niyang kainin. Ako na ang bahala, wag na kayong mag-abala. Alam kong kailangan din ninyo magpahinga.”Nagkatinginan ang dalawang assistant.“Kung bibili man ako ng pagkain, natitiyak kong malapit lang dito sa hospital.”“Magpapahanda kami ng sasakyan Miss Dahlia.”“Ah wag na. Siguradong may malapit na mabibilhan ng pagkain dito.”“Sa tingin ko maaring mag-order na lang kayo Miss Dahlia. Free hassle at mas mabilis pa.”“May punto kayo. Ngunit hayaan niyo na pagsilbihan ko ng personal si Grandma.”“Kung yun ang nais niyo Miss Dahlia.” Napatango silang dalawa.“Kayo na muna ang bahala kay Grandma. Muli na naman siya nakatulog.”Nahanap ko ang aking sarili papunta sa information desk. Hindi ko kasi alam kung saan hahanapin ang mga doktor ni
(Dahlia POV)Ngunit kunti na lang sana at makakarating na ako sa unahan ng biglang may humila ng kamay ko, at kinaladkad ako palayo sa mga tao. Sumisigaw man ako ng tulong, pero maingay ang mga tao. Akala nila sumisigaw ako dahil nakikipagsabayan ako sa tili nila. Saka napakaabala ng mga tao sa aking paligid. Talaga namang mahigpit ang securidad hindi lang para kay Miss Yuki, kundi sa mga sikat na artista na gaganap bilang mga karakter ng kwentong isinulat ko.Sa isang sulok ako dinala ng lalaki. Hindi ko makilala ang lalaki ngunit ang grupo na naghihintay sa sulok ay ang grupo ni Cedrick. Ibig lang sabihin ang lalaking humila sa akin ay tauhan ni Cedrick.Lumapit sa akin si Cedrick at nakangisi. May inis sa kanyang mukha na para bang ako ang may dahilan kung bakit naabala siya.“Miss Dahlia, hindi ko inaasahan na magkikita na naman tayo ulit. Tss. Parang sawa ka na sa buhay mo.” Ipinikit ang mga mata at bahagyang sinabunutan ang kanyang sarili.“Hindi ko rin inaasahan na muling gugul
(Dahlia POV)“Sige, parang wala na talaga akong magagawa. Karma na lang ang magsusukli sa ginawang pagnanakaw niya sa akin at panloloko niya sa mga tao. Hindi na ako lalaban. At sana mangako ka na hindi mo gagalawin ang buhay ni Grandma. Aalis na ako.”Bilang sagot naman niya sa akin, tumingin siya sa malayo at napa-iling. “Hindi ka makakaalis ngayon Miss Dahlia. Inaasahan ni Miss Yuki na makausap ka pagkatapos ng ginagawa niya ngayon. Kaya kung maari pumasok ka na muna sa sasakyan, Miss Dahlia.”Umiling man ako pero alam kong hindi sasambahin ni Cedrick ang tugon ko. “Alam mo ang mangyayari kapag muli kaming nagkaharap ng bruhang yun.”“I am aware, Miss Dahlia. Rest assure na walang masamang mangyayari sa’yo habang nasa paligid mo lang ako.” At muling nilahad ni Cedrick ang kamay niya papasok sa sasakyan.Pumasok ako ng sasakyan at sumunod si Cedrick. Lumayo kami ng bahagyang sa gusali at napagdesisyunan na hintayin sa isang lumang gasulinahan si Yuki.Tahimik kaming naghihintay, a
(Dahlia POV)Nanahimik nga si Cedrick. Pero ng magtama ang mga mata namin sa rear mirror, muli siyang napangisi.“Alam mo Miss Dahlia, wag na wag mong gagayahin ang boss namin sa ampon niyang kapatid na si Miss Yuki. Malayong-malayo sila sa isa’t-isa. Ginagawa niya ata ito dahil wala siyang mapaglaruan, kaya pinapatulan niya ang kagustuhan ng kanyang ampon na kapatid.” Diin ni Cedrick na isa ngang sampid sa pamilya si Yuki.“Sa totoo lang hindi ako natutuwa sa nangyayari sa boss namin. Masyado na siyang nalilibang at nakakalimutan kung ano ang kanyang layunin. Kung maari ko lang wasakin ang mga pinagkakaguluhan niyang walang kwenta ginawa ko na. Ngunit ang respeto ko sa kanya ay mataas, kaya siguro medyo naiirita ako kapag sinisira mo ang pangalan ng boss ko dahil lang sa kagagawan ng walang utang na loob niyang ampon na kapatid.”“Kahit anong sabihin mo Cedrick hindi magbabago na manloloko at magnanakaw ang boss mo.”“Kung ang sinasabi mo ay tungkol sa pagkuha niya ng teashop sa gran
(Dahlia POV)“Tss. Unang kita ko pa lang talaga sayo Miss Dahlia alam kong hindi kayo magkakasundo ni Miss Yuki, kahit pareho naman kayong mababang nilalang. Nakakatawa, heto ata ang nakikita ni Master Kai. Masyado niyo siyang binibigyan ng magandang palabas. Pero ng dahil sa dramang ito, nawawala din ang kanyang tunay na layunin sa mundong ito. Iniisip ko kung ano ang maari kong gawin, at kailangan ko pag-isipan ng maayos. Pero heto ang sasabihin ko Miss Dahlia, hindi maganda kung patuloy kayong dalawa mananatiling hindi magkasundo. Parehong mababang uring nilalang lang naman kayo. Tsk.”Hindi ko halos maintindihan ang sinasabi ni Cedrick ngunit sa kanyang mga mata walang halong biro ang kanyang mga sinabi.“Maari na ba akong umalis Cedrick?”“Nakabukas ang pinto Miss Dahlia.” Lahad niya ng kanyang kamay ngunit umiling ako sa kanya.“Kaya kong lumabas mag-isa.”Napangisi lamang ito sa akin.Lumabas ako, at tumalikod sa kanya.“Wag mong kakalimutan ang mga sinabi ko.” Huli niyang sina
(Dahlia POV)Nang makabalik ako sa hospital, ang nadatnan ko hindi ko inaasahang balita na ang buhay ni Grandma ay nasa piligro. Sa narinig ko parang mawawalan ako ng malay. Hindi ako pinapasok sa silid nito dahil abala ang mga doktor. Hindi ko nga halos marinig ang sinasabi ng dalawang assistant na pilit kinakalma ako.Ayos lang kanina si Grandma hindi ba? Walang makakapagsabi sa akin kung ano ang nangyari hangang wala pang lumalabas na doktor sa silid.Higit dalawang oras ako nanatili sa labas ng biglang bumukas ang pinto. Kaagad ako nagtanong kung ano ang nangyari, ngunit ang tanging naunawaan ko lamang ay sinabi ng doktor na ligtas na si Grandma.Nang maari na akong pumasok hindi na ako nag-alintana na dumiretso sa kinalalagyan ni Grandma. Walang malay, at ang mukha niya mayroong bakas na parang sinubok na naman siya ng tadhana. Sa aking pisngi namalayan ko na lamang na tumulo ang aking luha. May kung ano sa aking puso na tila ba dinudurog ako. Alam kong hindi ko kakayanin ang sak
(Dahlia POV)Sila ang una kong pinagsalita sa harapan ng mga pulis, dahil alam kong hindi naman ako kaagad pakikingan. Hinayaan ko sila magsalita, kahit nga gustong-gusto ko na magsalita.“Wala kang pruweba sa mga ipinaratang mo kay Miss Yuki at dahil sa ginawa mo nailagay mo sa alanganin ang pangalan niya.” Napapatitig ako sa prosecutor na namamagitan sa amin. “At ang nagrereklamong si Miss Yuki may magandang ideya para masulosyunan ang problemang ito.”Nanatili akong tahimik ngunit parang matatawa na ako dahil sa titig pa lang ni Miss Yuki alam ko kung ano ang magandang ideya na sinasabi nila.“Para maging maayos ito, at wala ka namang maibabayad sa paninira mo ng pangalan ni Miss Yuki, mas makakabuting tangapin mo na lang na manilbihan ka sa kanya bilang katulong Ma’am Dahlia.” Napangiti ako. Di nga ako nagkamali.“Pagsisilbihan ko ang isang magnanakaw? Asa siya.” Matigas kong sinabi na ang titig ko kay Yuki.Nawala ang ngiting nagwagi ni Yuki sa sinabi ko, kundi napalitan ito ng
(Dahlia POV)Dahil sa nangyari, tuloy na isinampa ang kaso laban sa akin ni Miss Yuki at tambak-tambak na bayaran ang kailangan ko bayaran, hindi lang ang compensation na hinihingi ni Miss Yuki, kundi ang mga biktima ng ewan kung nasunugan ba talaga sila.Abala magsalita sa harapan ko ang prosecutor at halos wala akong maintindihan lalo na ang halagang binangit, hangang sa…“Makukulong kayo ng limang taon o mahigit pa kapag hindi niya nabayaran ang kaukulang halaga Miss Dahlia Ofemia.”Nanlaki ang mga mata ko.“Makukulong ako?”Napatango ito.“Pero paano si Grandma? Nasa hospital siya ngayon. Hindi ko po sadya na masunog ang bahay at talagang hindi ko basta inaakusahan lang ng pagnanakaw si Miss Yuki, talagang ninakaw niya ang aking manuscript.”“Eh, talagang hindi ko iaatras ang kaso laban sayo Miss Dahlia.” Si Miss Yuki na hindi ko inaasahan na nasa loob pa ng silid. “Lalo na kung ipagpipilitan mo na may ninakaw ako sayo.”Napatitig ako sa kanya. Walang bakas ang peke niyang pag-iya