Share

Chapter 5.2: Affinity


Busy si Dennis sa paghihimay ng pritong Tilapia para sa lola niya. Oras na ng pagkain at siya na ang umasikaso dito. Ganito ang ginagawa ni Dennis tuwing dadalaw siya.

"Ano pang gusto mong ulam, 'La?"

Nagpunas siya ng kamay dahil tapos na siya sa isda pero tingin ni Dennis, kulang ang ulam ni lola kaya kailangan niyang dagdagan.

Itinuro nito ang Menudo at pagkatapos iyong Tinolang Manok. Lumapit siya sa main table at kumuha ng mga mangkok. Nilingon niya ang matanda. "'La, konti lang sa Menudo, ha? Alam n'yong mahina na ang panunaw n'yo. Dadamihan na lang natin ng sabaw."

Nakangiting tumango ang matanda at nang matapos siyang magsandok ng pagkain, nilagay niya ang mga 'yon sa food tray bago nagtungo sa matanda.

Umupo si Dennis sa harap nito, ipinatong ang tray sa mesa bago inihain sa lola niya. 

"Kain na kayo, 'La," aniya.

<
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status