Share

Chapter Four

Nakatingin lang ako sa kanya masakit na malaman may iba nang minamahal ang mahal natin naranasan ko ito sa mga dating naka-relasyon ko.

Mas masakit ang magmahal ka para sa pera at sa sabay-sabay na nakikipag-relasyon.

"Okay ka ba?" tanong ko sa kanya habang pinaparada ko ang sasakyan sa harap ng building.

"Oo, okay na ako salamat." kaagad niyang sagot sa akin habang tinatanggal niya ang seatbelt sa katawan niya.

 

"Walang anuman." sagot ko mabilisan ko siyang hinalikan sa pisngi niya.

"Oh! Ingat ka!" gulat niyang sabi saka lumabas na siya ng kotse ko.

"Salamat!" sabi ko at umalis kaagad ako nang makalabas siya sa kotse ko.

Hindi ako makakatulog sa bahay sigurado na makita ko ang nangyari sa kanya kanina sa restaurant.

'Wag mo na siya isipin, Emman pinilig ko na lang ang ulo ko.

Bumangon ako sa kama dahil hindi ako makatulog ng maayos.

Anong gayuma ang ginawa mo sa akin, Alexie!

Hindi naman ako ganito sa mga exes ko kapag na-fall out waley na at kailangan nang mag-move on.

Tinawagan ko ang mga kaibigan ko nang matapos ang taping ko iny ko sila magpunta sa bar.

***

Nang makapasok ako sa condo ko napa-hawak ako sa pisngi ko kung saan ako hinalikan ni Emman. Tinampal ko ang pisngi ko at napa-aray na lang ako sa ginawa ko hinagis ko naman sa sofa ang dala ko tinawagan ko ang personal assistant ko na dalhin sa condo ko ang mga naiwan kong gamit sa hamman network.

Nang makarating sa condo ang gamit ko kinausap ako ng personal assistant ko.

"May next schedule ka pa pinapasabi ng manager mo," sabi naman ng personal assistant ko at napatingin pa ako.

Nag-aayos ako ng mga gamit ko na nakakalat sa iba't-ibang parte ng condo ko.

"Importante ba?" tanong ko.

"Parang, Alexie." sabi ng personal assistant ko.

Bumuntong-hininga na lang ako at tumalikod na ako para tawagan ang manager ko. Makalipas ng ilang oras pumayag ang manager ko na hindi ako umalis ng sabihin ko ang nangyari sa pagitan namin ni Yazzi.

Tinawagan ko ang kaibigan ko habang napapahangin ako veranda ng condo ko.

Calling...

Sazzy: Bakit?

Alexie: Nakipagkita pa rin siya sa akin.

 

Sazzy: Si Yazzi ba?

Alexie: Oo, gusto niyang makipagbalikan sa akin.

Sazzy: Ayaw mo na makipag-balikan dahil nasaktan ka na.

Alexie: Oo.

Sazzy: Pero, bakit masaya ka?

Alexie: Hindi sinasadyang magkita kami ni Emman sa restaurant.

Sazzy: Oh!

Alexie: Oo, hinatid pa nga niya ako.

Sazzy: Talaga? Kahit paano hindi man maganda ang tagpo nyong dalawa napansin ka niya.

Alexie: Oo.

Sazzy: Gusto mo ba na magbago siya?

Alexie: Sana, nanghihinayang ako dahil may itsura siya.

Sazzy: Pero, imposible tama ba ako?

Alexie: Oo.

Sazzy: Pustahan tayo?

Alexie: Hmmm... pag-iisapan ko.

Sazzy: Pero–

Alexie: May tao akong naiisip na pwedeng gamitin para makita na magseselos si Emman.

 

Sazzy: Sino ba? Kilala ko?

Alexie: 'Yong nasa isip mo? Hindi ko lang sigurado.

Sazzy: Sa susunod kapag nakapagdesisyon ka na.

Alexie: Sasabihin ko sa'yo kung sino siya.

Sazzy: Sige.

Alexie: Salamat.

Sazzy: Wala 'yon.

Habang papasok ako sa dressing room nakita ko na nauunang maglakad siya nasalubong nya si Alenah. Nagbagal lang ako sa paglalakad para marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Why are you in a hurry?" tanong niya nang sumabay siya sa paglalakad ni Alenah.

"Oh! Ikaw pala pinatatawag tayo ni direk ngayon." sagot ni Alenah at tumingin pa siya kay Emman.

"Halika mukhang importante nga," sagot niya at hinawakan niya ang kamay ng kaibigan niya.

 

"Oo nga eh!" sabi ni Alenah sa kanya.

Ano kaya 'yon?

Nakasunod lang ako sa kanila nang makarating na silang dalawa sa isang silid ng opisina tinitignan kung naroroon na ang lahat ng kasamahan.

"Ang tagal nyo ah!" sabi ni Drei sa dalawang kaibigan niya.

"Na-traffic eh! Ano ba 'yon?" tanong niya at napatingin siya sa kanilang director.

"May bago tayong kasama sa tanghalian!" sagot ng director sa amin.

"Sino naman po?" tanong ng mga host at napatingin sa director.

"Si Alexie Padilla." sagot ng director nakasilip lang ako sa labas dahil hindi pa ako tinatawag.

"Totoo, direk masaya 'yon," sagot ni Eds sa director.

"Tama!" sigaw ng mga host maliban sa kanya na tahimik sa tabi ng kaibigan niya.

"Magiging regular na siya?" sabat ni Alenah sa director.

"Oo, regular host na rin siya sa show." sagot ng director nagulat ako sa narinig mula sa director.

"Hay! Ano kaya ang gagawin ko? Nalilito pa ako." nasabi ko sa sarili habang naglalakad ako papunta sa sarili kong dressing room.

Nang papunta na ako sa dressing room ng mga babae. Tinawag na ako ng assistant director na nasalubong ako.

"Alexie, pumunta ka sa office ni direk." bungad ng assistant director sa akin.

"Bakit?" natanong ko na lang nang tumingin ako sa kanya kunwari akong walang alam.

Nagkibit-balikat ang assistant director sa akin napatango na lang ako sa kanya.

Naglakad ako papunta sa office ng director nang mabuksan ko ang pintuan nabungaran ko ang mga kasamahan ko na nakangiti sa akin.

"Pinapatawag nyo raw ako, direk?" bungad ko nang mapatingin ako sa director.

"Oo, Alexie maupo ka." sabi ng director sa akin.

Umupo ako sa bakanteng pwesto sa tabi ni Eds.

"Alexie, may magandang balita ako para sa'yo." nakangiting banggit ng director sa akin.

"Ano 'yon, direk?" pagtatanong ko napatingin naman ako sa director nag-kunwari akong hindi ko pa alam.

"Regular host ka na bukas!" sagot ng director sa akin.

"Talaga po?" sagot ko sa kanya.

"Yes." sabi ng director sa akin.

 

"Masaya po ako na natatakot akong hindi nila ako magustuhan." amin ko na kaagad sa kanila lahat.

"Nandito lang kami para alalayan ka." sagot ng director sa akin.

Gusto ko tumalon sa harap nila dahil sobra akong masaya pero nahihiya ako ngumiti na lang ako sa kanilang lahat.

"Oo nga!" sabat ni Xhey.

"Okay lang, Alexie nagsisimula ka pa lang ulit eh..." sagot ni Alenah sa akin nang tignan niya ako.

"Thanks, guys!" sabi ko sa kanilang lahat.

"Welcome!" sabi nilang lahat sa akin.

***

Alam ko na naninibago siya tutulungan ko siya sa lahat na hindi pa nya gamay nakatingin lang ako sa kanya.

"Brad?" tawag ni Drei sa akin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status