Share

Chapter Three

Gentleman naman niya kahit ang kilos niya kakaiba.

Nasabi ko sa sarili nakatingin lang ako sa kanya.

Nang makarating kami sa condo ko mabilis na bumaba ako sa van ni Emman.

"Salamat sa paghatid dito sa akin," sabi ko sa kanya nang bumaling ako ng tingin sa kanya.

"Welcome!" sagot niya sa akin.

"Sige, umuwi ka na baka pagod ka na," nasabi ko na lang sa kanya nang maisip ko 'yon.

"Mamaya pa siguro may taping pa ako," sabi naman niya sa akin.

"Ingat sa pagmamaneho," sigaw ko sa kanya bago ako pumasok sa loob ng building nang umalis na ang van kung saan siya nakasakay.

Tinawagan ko ang kaibigan para may makausap ako. Nakatambay kami sa veranda nang makarating siya sa condo ko.

"What's up?" tanong ni Sazzy sa akin nang dumating siya sa condo ko mula sa shooting niya huminga na lang ako.

Nasa kusina kami naka-tambay dumeretso ang manager ko sa kabilang network nakahanap ako ng wine sa refrigerator.

"Okay lang," sagot ko at uminom na lang ako ng wine na kinuha ko sa refrigerator.

"Naninibago ka?" puna ni Sazzy sa akin habang nakatitig siya sa mukha ko.

"Medyo, mababait ang mga nakikilala ko." pag-amin ko na lang sa kanya habang iniikot ang baso ko sa palad.

"Okay lang 'yan sa simula lang 'yan katulad ko pero kapag tumagal hindi ka na maninibago." sagot ni Sazzy at uminom na rin siya ng wine na hawak niyang baso.

"Gwapo 'yong isang guy sa noontime show," nasabi ko na lang bigla sa kanya naalala ko si Emman.

"Sino?" tanong ni Sazzy saka, inilapag sa bato ang baso sa counter.

"Si Emman kaya nga lang basta sayang siya." nasabi ko na lang ng mahina at napabuntong-hininga na lang ako sa sinabi ko sa kanya dahil totoo naman.

"Kasi bakla siya? Oo, may itsura siya eh...tapos kahit may make-up siya gwapo pa rin siya tignan maiisip mo na lang ang salitang sayang." prangkang sagot ni Sazzy sa akin sumang-ayon ako sa sinabi niya.

"Oo." sagot ko na lang saka inilapag na lang ang baso sa bato.

"Crush mo? Alam mo ba pumatol din daw 'yan sa isang actress at non-showbiz pero nagkahiwalay lang dahil may karelasyon din siyang lalaki." chika ni Sazzy sa akin napatingin ako bigla sa kanya nang marinig ko ang sinabi niya.

"True?" gulat naitanong ko sa kanya at napatingin ako bigla hindi naman imposible para lang itago ang kasarian sa public.

"Yes, lalaki o babae ah!" sabi ni Sazzy.

"Talaga? Bisexual siya." sagot ko kaagad sa kanya.

"Hindi ko masasabing ganun dahil mas priority niya ang pagiging bakla niya sa girl tumagal ng 2 years din ah sa boy 1 year lang," sagot ni Sazzy sa akin hinalo niya ang wine niya gamit ang baso.

"Siguro lito pa siya ngayon sa pagkatao niya dahil pumapatol pa rin siya sa babae kung bakla na talaga hindi na siya pumapatol sa babae mandidiri na siya," sagot ko inuugoy ko ang ulo at uminom ako ng wine.

"Siguro nga pero hindi natin sigurado pa," sagot ni Sazzy sa akin nagkibit-balikat na lang siya pagkatapos.

May punto din naman kasi siya sa sinabi niya.

"Pero ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Wala eh!" sagot ni Sazzy sa akin ininom niya ang wine nasa baso niya.

Siguro nga, pero kung bakla na siya noon pa hindi siya nakikipag-relasyon sa babae o paraan niya 'yon noon para maitago ang kabaklaan niya kaso..

Dun ako nagtataka nakikipag-relasyon pa rin siya kahit bakla na talaga siya at may karelasyon pa siyang lalaki.

Nasabi ko sa sarili at biglang sumagi sa isip ko si Emman.

Pagkatapos ng ilang oras umuwi na ang kaibigan ko si Sazzy hindi na rin siya nagtagal dahil may trabaho pa siya kinabukasan.

***

Iba ang epekto ng tawa niya para sa akin.

Hindi kilabot ang naramdaman ko kundi pagbilis nang tibok ng puso ko. Inutusan ko ang driver ko na ihatid namin si Alexie.

Nagka-yayaan kami ng mga kaibigan kong uminom sa bar.

"Lasing ka na, brad umuwi na tayo," sabi ni Drei kinakalabit niya ako sa balikat habang umiinom ako.

"I'm not drunk yet," angal ko sa kaibigan ko na si Drei tumungga ako ng alak.

"Haven't you drunk yet? You are drunk." nag-aalalang sabi ni Drei sa akin nang kukunin ko na ang isa pang alak inagaw ito ng kaibigan ko.

"I'm not drunk yet, sit down," sabi ko nang makita kong nakatayo na ang kaibigan ko.

"Nagtalo pa kayo ni Vj?" tanong ni Drei sa akin.

"Hi–ndi kami nagtalo ni Vj," sabi ko naisip ang mukha ni Alexie bago kami naghiwalay kanina sa harapan ng condominium nya.

"Why?" pagtatanong ni Drei sa akin.

"Why am I confused on myself?" tanong ko kaagad sa kaibigan ko.

"I can't answer your question, just because you would answer you question yourself," sagot ni Drei sa akin uminom sya ng beer.

"Yeah!" sabat ni Alenah sa akin inabutan niya ako ng tissue.

"I do not understand myself, I am gay because I'm jealous of the women, who approach my boyfriend, but I am confused for myself," sagot ko sa kaibigan ko at tumungga ulit ako ng beer.

"What are you? Where are you comfortable? Whether you are gay with have a boyfriend or just being gay with anyone, you are dating, you are a real guy who just confused of yourself." nasabi ni Alenah sa akin nakatingin siya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Just the same, all I can say," sabi ko tumungga ulit ako ng beer.

"Oh! Dapat isa lang makakasakit ka ng damdamin nyan." sabat ni Drei sa akin kinuha ang beer na kukunin ko.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi ng kaibigan ko.

"See you tomorrow guys!" sabi ni Alenah sa aming dalawa ni Drei nang aalis na siya sa bar.

"Bye, Alenah!" sabi ni Drei sa kaibigan namin.

"Kupad mo!" pang-aasar ko sa kaibigan ko nang tumingin ako kay Alenah na umalis na sa tabi namin.

"Wala eh! Torpe ako pagdating sa kanya." amin ni Drei sa akin nahihilo man ako ngayon dahil sa lintek na alak alam ko ang tinanong ko sa kanya.

"Sabay na tayong umuwi ubusin ko lang itong iniinom ko," sabi ko sa kaibigan ko at inubos ko na ang iniinom kong alak.

"Sige," sagot ni Drei sa akin.

Nagbayad kaming dalawa ng kaibigan ko bago niya ako alalayan sa paglalakad.

Kinausap ni Drei ang driver ko bago niya ako dinala sa sasakyan niya. Sumandal ako sa upuan at pinikit ang dalawa kong mata pero naalala ko pa rin siya.

"Hay! Bakit nasa isip ko siya nang iniwan ko siya sa condo niya!?" nasabi ko sa isip bago ako tuluyang nakatulog.

Hinatid ako ni Drei nang malasing ako dahil may pasok pa kinabukasan.

Kinabukasan, sa loob ng Dressing room kahit may sarili kaming dressing room nagsasama pa rin kahit kaninong dressing room ang gagamitin namin.

"Iniisip mo pa rin ba?" bungad ni Drei sa akin nang makitang tahimik ako sa isang sulok ng upuan.

"Ah 'yon ba?" nasabi ko at umiwas ako ng tingin sa kaibigan ko.

"Oo ang tahimik mo eh!" sabi ni Drei sa akin tinabihan niya ako.

"Hindi 'yon ang iniisip ko." sagot ko kaagad sa kaibigan ko.

"Ano na naman 'yan?" bungad na tanong ni Alenah nang lumapit siya sa aming dalawa ni Drei.

"Ang lungkot niya kasi nagtataka ako sa kilos niya," sabi ni Drei sa kaibigan ko namin.

"Ah!" sabi ni Alenah sa amin.

"Ang gulo mo, brad sana makapag-desisyon ka," nasagot ni Drei sa akin tinapik niya ang balikat ko.

"Punta na ako sa studio," sabi ko para maka-iwas sa mga tanong nila tungkol nangyari kagabi sa bar.

Habang naglalakad ako papuntang studio may naramdaman ako nag-vibrate sa cellphone nakita ko na tumatawag ang loverboy ko.

Emman: Why are you calling?

Loverboy: I miss you, honey.

Emman: I miss you too.

Loverboy: So I called you, because I was on my way to something important, and I couldn't contact you because the place was far away.

Emman: Okay.

Loverboy: We just meet again, I love you.

Emman: I love you too.

Loverboy: Bye.

Emman: Bye.

***

Naglalakad ako sa hallway nang makita ko si Emman na may kausap sa cellphone niya.

Rinig ko ang boses ng isang lalaki sa isang dressing room na may siwang napakunot ako at tumingin ako kay Emman pati sa dressing room tapos may umuungol na babae.

Naawa ako kay Emman hindi niya alam niloloko na siya ng boyfriend niya.

Paano ko nalaman na 'yon ang boyfriend niya?

Tinawag siyang Vj ng babae nilapitan ko ang manager ko na kausap ang isang director. Hindi ko pinansin si Emman na nasalubong ko sa hallway. Sumama naman ako sa manager ko para sa susunod kong gagawin.

Kinabukasan, dumating ako sa noontime show na malungkot sa dressing room nakita 'yon ni Alenah at nilapitan niya ako.

"You are obvious, you are sad." bungad ni Alenah sa akin.

"Huwag mo ako alalahanin," sabi ko sa kaibigan ko bumuntong-hininga na lang ako.

"You don't have any close friends if you need to talk to me here and you'll find me, and this is my cellphone number so call me when you need to talk to anyone else," sagot ni Alenah at nagbigayan kami ng cellphone sa isa't-isa.

"Ang bait mo!" sagot ko sa kanya at ngumiti na lang ako.

"Halika na mag-start na tayo," aya ni Alenah sa akin tumayo na ako sa couch naglakad na kaming dalawa palabas ng dressing room.

"Okay," sagot ko at sumunod ako sa kanya.

Nagkita-kita kami sa hallway papunta sa studio ngumiti ako kay Emman, Eds, Xhey, at Sierra. Nasa unahan namin sina Alenah at Drei na nag-uusap.

"Morning guys!" sigaw naming lahat buong audience.

"Tara magsimula na ang lahat," sigaw ni Alenah sa audience.

"Morning sa mga beautiful girls and handsome boys," sabi ko at kumaway na lang.

"Oh! Ang ganda." sabi ni Emman natahimik ako hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya ayoko maging assuming.

"Haha!" tawang sabi ni Drei napatingin ako sa kanya wala naman nakakatawa sa paligid o sa comedy act ni Emman.

"Bakit ka tumatawa?" tanong ni Xhey sa kaibigan ko.

"Wala!" sagot ni Drei sa kaibigan niya.

After 3 hours

"Bye sa inyong lahat see you tomorrow." sigaw naming lahat bago kami naglakad pabalik sa backstage.

Kumunot ang noo ko na nag-aabang ang dati kong manager sa dressing room ko. Nagpaalam muna ako sa mga kasama ko bago ako lumapit.

"Mauna na ako sa inyo," sabi ko sa mga kasamahan kong host.

"Ingat ka, sis," sabi ni Alenah sa akin.

"Salamat, bye." sabi ko na lang at lumakad na ako sa kanila.

***

Sa restaurant

Nadaanan ko ang isang babaeng pamilyar sa akin pero hindi ko ito pinansin.

Pumuwesto ako malapit sa mesa at umupo para marinig ang pag-uusap nila.

"Are you happy?" tanong ng babaeng nakatalikod sa akin pamilyar ang boses niya.

"No, because I love you." sabi ng isang lalaki.

But you deceived me, I never returned to the person I was cheated on." sabi ng babaeng kausap ng lalaki.

"Pero, mahal pa rin kita." sagot naman ng lalaki kay—

"Manloloko ka! Hindi na ako makikipagbalikan sa taong niloko ako." seryosong sabi ng babae sa kanya.

"Patawad natukso ako pero ngayon wala na kaming dalawa." sagot ng lalaki.

"Hinding-hindi kita mapapatawad." sigaw ng babaeng kausap nito.

"Sorry!" humihinging sagot ng lalaki.

"Magsama kayong babae mo manloloko kayo." sigaw ng babae ng kausap nang lalaki.

Si Alexie!

"Anong nangyari doon? Sundan ko nga siya." nasabi ko nang makilala ko siya ito siguro ang ex-boyfriend ni Alexie kaagad akong sumunod sa kanya.

"Alexie?" tawag ko sa kanya nang sundan ko siya sa labas ng restaurant.

"Oh!" gulat niya napatingin siya sa likuran.

"Kalimutan mo siya may ibang magmamahal ng tapat sa'yo hindi lang siya ang lalaki sa mundo," sagot ko sa kanya.

"Pero mahal ko siya," sagot niya habang nagpupunas ng luha nya sa mga mata.

"Ganyan talaga ang buhay." nasabi ko na lang at yumakap ako sa kanya.

"Salamat!" sagot niya sa akin.

"Nandito lang ako kapag kailangan mo ng kausap," sabi ko sa kanya bago ko siya yakapin.

Do I feel pity for her? Or something because I could feel my heart with others I feel her naawa ako sa sitwasyon niya ngayon.

"Salamat sa'yo at nandito ka," sagot niya sa akin.

"Wala 'yon!" sabi ko sa kanya at umiwas ako ng tingin sa kanya.

***

Salamat at nandyan siya masaya ako kahit nararamdaman ko sa puso ko ang lungkot habang yakap nya ako.

"Hay!" sagot niya sa akin.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Wala," sagot niya sa akin.

"You still love him?" tanong ko sa kanya.

"Yes, he tricked me given everything to him but, he just left me." malungkot niyang sagot sa akin kita ko ang kalungkutan sa mata niya.

"Find someone who will truly love you." sagot ko na lang sa kanya.

"Sana nga, Alexie magdilang-anghel ka dahil ayaw ko na muling masaktan," sabi niya sa akin saka ngumiti siya sa akin.

"Hahaha!" natawang sabi ko sa kanya hinampas ko siya sa balikat niya.

"Ouch! Bruha mamantal ako." tili niya at sumimangot ang mukha niya.

"Hahaha! Hindi 'yan." natawang sagot ko at tumingin sa kanya.

"Ang saya mo na ngayon kanina ang luha naging pambuhos ng ihi." paninita naman niya sa akin.

"Tse! Tara na nga hatid mo na lang ako." aya ko sa kanya.

"Friends? Sige." sagot niya sa akin bago ako pumasok sa loob ng sasakyan niya.

"FRIENDS!" sabi ko sa kanya.

"Paano ang kotse mo?" tanong niya at tinuro niya ang kotse ko.

"Friends, hayaan mo bukas ko na lang kukunin sa driver ni Papa." sagot ko at sumakay sa kotse niya.

"Sigurado ka?" paninigurado niya sa akin napangiti ako na dahil sa kanya gumaan ang nararamdaman ko kanina.

Tumango ako sa kanya at ngumiti na lang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status