Share

Chapter Two

Alexie | Emman POV

Kinabukasan

Nakakapanibago.

Nanibago ang pakiramdam ko nang makapasok ako sa loob. Hindi lang ako sanay sa presensya ngayon masasanay rin ako sa bagong 'pupuntahan'.

Habang naglalakad ako papuntang noontime studio may nakabanggaan ako kaya muntik na akong matumba at siya pero inalalayan niya pa rin ako para makatayo.

"Sorry." sabi ng matinis na boses napatingala ako nang masdan ko siya mula ulo hanggang paa.

Matangkad, moreno este morena dahil sa itsura nya may make-up sa mukha niya. Nakapanghihinayang naman sigurado may itsura ito kung walang make-up.

"Oh! I'm sorry, kuya—ate pala." sabi ko na lang habang inaayos ang gusot ng mini skirt ko.

"Wag ka mag-reaksyon ng ganyan, hindi ka naman nauntog sa sahig." sita ng matinis na boses ng bakla sa akin.

"Kahit na, nagusot kasi ang suot kong mini skirt tapos may lalapit pang reporter ang itsura ko, ate," sabi ko sa kanya nakita kong palapit sa amin ang mga repoeter na nanggaling sa likod niya.

"It's not obvious that your clothes are worn out, where are you going?" tanong ng baklang nakabangga ko.

"Sa noontime show nitong network, I'm a new actress and singer of network, I'm Alexie and you are?" pagtatanong ko kaagad sa kanya para may makilala ako kahit isa.

"I'm Emman, Oh! You are the new actress slash singer from other network?" tanong nito sa akin tumango kaagad ako kumalat pala ang balitang lilipat ako dito sa network nakipag-kamay ako sa kanya at nag-shake hand kami pero nang maghawak ang dalawang kamay namin pakiramdam ko may dumaloy na kuryente napabitaw bigla ako ng kamay bago ako ngumiti sa kanya.

"Yeah!" sagot ko na lang sa kanya at inayos ang mini skirt ko.

"Ah! Sige mauna na ako sa'yo mahuli pa ako sa call time ko sa trabaho," sabi nito at umalis agad sa harap ko.

Kumaway na lang ako sa kanya nang paalis na siya hindi na lumingon sa akin.

"Okay," Sagot ko sa hangin natawa akong lihim naglakad na ako papunta sa dressing room kung saan ang noontime show.

"Salamat sa pagsalubong sa akin, direk," sabi ko at ngumiti ako pagkatapos.

"Welcome to new home, Miss Padilla." sagot ng director sa akin bago ako iwanan inayusan ako ng make-up artist.

"Siya ba ang nakabangga sa'yo?" tanong ng nag-make up sa akin.

"Oo, bakit?" nasabi ko na lang nakatingin ako sa kanya sa salamin.

"M*****a ang baklang 'yon pero gentleman siya sa mga babae hindi ko naiisip na bakla siya dahil sa asta at minsan sa pananamit niya lalaking-lalaki bakla siya dahil may boyfriend siyang model." sabi ng make-up artist sa akin at inipitan niya ako ng buhok.

Pagkatapos niya ako make-upan sa mukha at ipitan nagpasalamat ako at binigyan ko siya ng tip.

****

Inikot ko ang braso ko para mawala ang pangangalay nang makabangga ako ng babae.

Nagtataka ako nang hawakan ko ang kamay niya nakuryente ako gusto ko pa sana kausapin nailang na ako at iniwan ko na kaagad siya sa hallway.

Nang bubuksan ko ang dressing room nakita kong nakatambay ang mga host nag-aantay ng oras nang pag-start ng show namin.

"The whole staff of network talks about this actress who recently moved to our station from when I was a child," chika ni Alenah sa mga kasamahan niya.

"Siya kaya 'yon?" nasabi ko sa isipan ko nakikinig muna ako bago pumasok sa loob ng dressing room namin.

"True, they say she is beautiful," sagot ni Xhey tumabi naman siya kay Alenah.

Siya siguro 'yong pinag-uusapan nila ang nakabanggaan ko kanina lang.

Nasabi ko na lang bago ko hawiin ang buhok kong mahaba.

"But, honestly, she was beautiful I just didn't know in person," sabi ni Alenah sa mga kaibigan namin.

"Ang sabi ni direk guest co-host natin siya mamaya," sabat ni Drei sa kanila.

"Talaga?" tanong ng band singer namin na si Eds.

"Yeah!" sagot ni Drei baka 'yon ang sinabi niya sa akin kanina.

"Mag-start na tayo, guys." sigaw ng director napalingon ako sa may bukana ng studio namin.

Sa Studio

"Good afternoon to all!" pag-sigaw ko sa stage at kumaway sa audience.

"Good afternoon most handsome men and most beautiful women and gays...." sigaw ni Alenah sa lahat ng audience namin.

"Kamusta sa lahat ng ating audience?" sigaw ni Drei sa audience namin.

"May special guest co-host tayo guys..." sabi ni Alenah at tumingin siya sa amin.

"Sino naman?" tanong ni Xhey kunwari hindi namin alam kung sino ang guest co-host namin.

"Bagong lipat galing sa ibang station," sabi ni Eds sa aming audience.

"Weh!" Sabi ko sa kanila at nagkatawanan kami.

"Totoo, ate ang sexy niya," sabi ni Serra sa akin napaisip ako sa sinabi niya may siguro dahil hindi ko siya natitigan ng maayos.

"Miss Alexie Padilla," tawag ni Xhey sabay labas ng isang babae sa led sa likod namin.

"Hello sa inyong lahat!" bungad ni Alexie nakipag-shakes hand siya sa kanila maliban sa akin na ngumiti lang siya may kurba nga siya.

"Hellooo!" sigaw ng audience sa bagong dating naming guest co-host.

Nagsimula na kami sa pa-trabaho hanggang umabot sa huling segment namin.

After 3 hours

"Kiss mo siya." pagbibiro ni Drei sa akin at nginuso niya si Alexie na nakatingin sa aming dalawa.

"Tumigil ka nga!" sabi ko sa kanya at inirapan ko siya ng mata.

"Oo nga!" pang-aasar ni Alenah sa amin.

"Tse!" sabi ko sabay mabilisan na humalik ako sa pisngi nito.

"Hindi pa ako aalis hihintayin ko ang manager ko," sabi nito sa amin nang pabalik na kami sa dressing room.

Mabilis na umalis ang mga kasamahan namin at dumeretso kaming dalawa ni Alexie sa dressing room.

"Bye sa inyong lahat see you tomorrow guys!" sigaw ng iba pa naming kasama nang humiwalay sa aming dalawa.

Habang nasa dressing room sina Alenah at Alexie, nag-kwentuhan sila na naghihintay sa kanilang manager.

"How are you? Hope you like this network?" tanong ni Alenah kay Alexie nakikinig lang ako habang inaayos ang gamit ko.

"Namamahay lang ako ngayon pero naging masaya ako kanina," sabi niya sa kaibigan ko nang marinig ko. 

"Friends?" alok ni Alenah sa kanya napatingin tuloy ako.

"Sure, why not for another friend," sagot niya at ngumiti siya nakita ko ang ganda ng mukha niya kapag ngumingiti.

"Ano 'yan?" bungad ni Drei sa dalawa nang pumasok sa girl's dressing room.

"Wala!" sabat ni Alenah sa kaibigan namin.

****

Nalingunan ko siya na tahimik na nakatingin pero hindi niya napansin na nakatingin ako sa kanya sayang gwapo siya at minasdan ko ang mukha niya.

Naupo na lang ako sa isang bakanteng pwesto ng couch.

"Uwi na tayo?" aya niya sa aming lahat nang lumapit siya sa amin.

"Ako hindi pa," sabat ni Alenah sa kaibigan niya nang mabaling ang tingin niya.

"Saan ka?" tanong ni Drei kay Alenah tumingin naman ako sa kanilang dalawa.

Mag-jowa ba silang dalawa?

"Pupuntahan ko si Sam," sagot ni Alenah nakita ko ang lungkot sa mata ni Drei nang banggitin nito ang pangalang Sam.

"Ah!" sabi ni Drei kay Alenah.

"May gusto siya sa'yo," bulong ko sa bagong kaibigan ko na si Alenah.

"Friends lang kaming dalawa," sagot ni Alenah sa akin.

"Sa susunod hindi na 'yan, inlove siya sa'yo." sabi ko na lang at humalukipkip ako ng braso.

"Haha!" natawang sagot ni Alenah sa akin observation ko lang naman sa kaibigan nila.

"Pwede ba ako sumabay sa sa'yo?" tanong ko kay Emman nang tignan ko siya.

"Wag mo siya pansinin ganyan 'yan isnabero este isnabera ang baklang 'yan," sabat ni Alenah sa akin.

"Tse!" sabi niya sabay irap sa kaibigan niya bago siya tumingala.

"Pwede ba?!" tanong ko sa kanya nakatanggap ako ng mesaage sa manager ko na hindi niya ako masusundo.

"Wait!" tawag naman niya at lumayo muna sa amin.

"Hay!" sabi ko na lang at sinundan ko siya ng tingin.

"Sige! Pwede kang sumabay sa akin o hatid kita sa condo mo." sagot ni Emman nang lumapit ulit sa amin.

"Sige, thanks!" sagot ko at ngumiti na lang ako sa kanya pagkatapos.

"Ayyyyiiiieeee..." pag-aasar ni Eds sa aming dalawa.

"Haha!" natawang sabat ni Xhey na kasama pa namin sa loob ng dressing room.

"Tumigil nga kayo!" paninita niya sa mga kaibigan niya at lihim akong tumawa.

"Haha!" tawang nasabi ni Alenah sa kaibigan niya.

"Pikon!" pagbibiro ni Drei sa kabigan nila na nakasimangot na ang mukha niya gusto ko silang awatin pero naiilang pa ako sa kanila.

"Tama!" sagot ni Alenah at tumingin siya sa akin napapailing na lang ako sa dalawa.

"Nasaan na ba ang manager mo?" tanong ni Eds sa akin.

Kasama ng ibang talent ang manager ko kaya hindi niya ako masusundo.

"Hindi na daw siya makakapunta dito," sagot ko sa kanya at ngumiti na lang.

"Isa ka pa!" inis nasagot niya at binalingan niya ako ng tingin ang isa pa naming kaibigan.

"Halika na wag mo na lang sila pansinin." sabat ko hinila ko na lang siya palayo sa mga kaibigan niya.

"Haha!" tawa ng lahat bago ko maisara ang pinto ng dressing room.

Nagpunta na kaming dalawa ni Emman sa parking lot ng network.

"Bakit mo ako hinila rito?" tanong niya sa akin napatingin siya sa aming dalawang kamay na magkahawak pa rin.

"Gusto mo bang pag-tawanan ka dun?" sabi ko kaagad sa kanya bago ako bumitaw sa kamay niya.

"Sanay na ako sa kanilang pang-aasar." sabat naman niya sa akin.

"Pikon ka na nga eh!" umiiling kong sabi sa kanya napansin ko kasi na hindi maganda ang mood niya.

"Tse! Bruha ka binuko mo pa ako hatid na kita," sabi naman niya sa akin nang magka-titigan kaming dalawa ako na ang umiwas ng tingin.

"Whaaatttt?" sagot ko kaagad sa kanya baka busy siya nakaka-bigla naman ang pang-aalok niya sa akin.

"Hatid kita react agad?" sagot niya sa akin inirapan niya ako kaagad napangiti ako sa asta niya.

Gentleman ang bruha!

"Wala ka bang taping o shooting?" pagtatanong ko dahil artista kaming dalawa kaya 'yon ang tinanong ko.

"Taping lang ang gagawin ko mamaya pa," sabat niya at binuksan niya ang van para papasukin daw ako dun.

"Hahaha! Sorry okay." sabi ko na lang at sumakay na ako sa van gumala pa ang paningin ko.

Manly ang dating ng loob nang sasakyan nasa isip ko colorful ang loob dahil bakla siya.

"Pumasok ka na sa van," sagot niya sa akin at pumasok na siya sa loob ng van niya.

"Okay, salamat kaagad ah!" sabi ko at nginitian ko siya.

"Hmmfff..." sagot niya sa akin natawa na lang ako sa itsura niya.

Nakakapanghinayang lang talaga siya hindi niya maikakalat ang lahi niya.

"Hahaha!" natawang sabi ko na lang sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status